Nanginginig ang mga kamay ni Zoey habang hawak ang kutsara sa kanyang kanang kamay. Hindi niya magawang isubo ang nakahaing pagkain sa kanya dahil sa ginawang paglapit ni Gavin sa kanya kanina.
God knows how she missed this guy. Pero hindi siya maaaring magpakilala dito. Hindi nito puwedeng malaman na siya si Zoey. Ngayon na ang pagkakataon na tuluyan na niyang malalayuan ito. Para rin sa kaligtasan nilang dalawa.
"Hey, are you okay?" tanong sa kanya ni Dancel nang mapansing hindi niya ginagalaw ang kanyang pagkain.
"No, I'm not," tapat niyang sabi.
"Because of that guy?" paninigurong tanong nito.
Tumango naman siya.
"Is he part of your past? Siya ba ang tinutukoy mong Gavin?"
Kumunot naman ang kanyang noo. Hindi naman nagpakilala si Gavin sa kanila kanina kaya paanong nalaman ni Dancel ang pangalan nito.
"Lagi mong tinatawag ang pangalan niya noong wala ka pa sa tamang katinuan. In your reaction now, I just guess that he is Gavin. Am I right?"
Bumuntong hininga siya nang malalim bago tumango. "Yes, he is."
"Bakit hindi ka nagpakilala sa kanya?"
"You know that I am in danger. If I reveal my true identity to him, we are all dead. Anak siya ni Don Guillermo. Kapag nalaman ni Don Guillermo na buhay ako, papatayin niya kaming dalawa o kung hindi man, baka ibalik niya ako sa impyernong pinanggalingan ko." Muli siyang nakaramdam ng takot na baka nga muli niyang danasin ang mga pagdurusa niya dati sa kamay ng demonyong iyon.
Hinawakan naman ni Dancel ang kamay niya at pinisil ng bahagya tanda ng simpatya. "Don't worry, hinding-hindi nila malalaman na si Candice at Zoey ay iisa. I will protect you."
"I will protect you," parang tinig ni Gavin ang narinig niya nang sabihin iyon ni Dancel. Isang pangakong si Gavin ang nagbitaw pero hindi tinupad.
"I can protect myself," aniya saka inilayo ang kamay sa pagkakahawak ni Dancel. Muli siyang bumuntong hininga bago muling nagsalita. "Can you do me a favor?"
"Of course. What else do you want?"
"Gusto kong matutong humawak ng baril. Actually, minsan na akong nakahawak ng baril pero isang beses lang iyon. Gusto kong matuto kung paano talaga gamitin iyon at kung maaari, I want to be a sharp shooter."
"Gusto mo bang pumatay ng tao?"
"If necessary. Kasama na ito sa pagkakaroon ko ng seguridad sa sarili ko. Kung marunong akong humawak ng baril. I can protect myself. Kahit wala ka sa tabi ko, maipagtatanggol ko ang sarili ko."
Tumango-tango naman ito.
"Gusto ko rin palang matuto ng martial arts. Mas maganda kung kahit wala akong baril, kaya ko pa ring lumaban."
"Okay. Kung iyan ang gusto mo. I will enroll you in martial arts and in shooting."
"Thank you, Dancel," nakangiting sambit niya.
"You're welcome."
Ipinagpatuloy na nila ang kanilang pagkain pagkatapos ay nagpasya na rin silang umuwi.
Hindi pa rin makapaniwala si Gavin na nakita niya nang malapitan ang inakala niyang si Zoey. Iba ang pakilala nito sa kanya pero hindi siya naniniwala na ibang tao ito. Mas naniniwala siya sa sigaw ng kanyang puso na ang babaeng nakaharap niya kanina ay ang babaeng matagal na niyang hinahanap.
Muling nag-flashback sa kanya ang kabuuan ng babae. Maiksi ang buhok na blonde, maputi nang kaunti kay Zoey pero halata pa rin ang pagkamorena nito. May nunal sa gilid ng kanang mata. Makinis ang kabuuan nito lalo na ang braso nito. Sa pagkakatanda niya, may mga peklat si Zoey sa dakong iyon dahil sa pagmamaltrato ni Don Guillermo noon dito. Ibang-iba na rin ang postura nito. Mas elegante kaysa kay Zoey.
BINABASA MO ANG
Untold Story Of The Billionaire's Escort
RomanceMatagal nang prostitute si Zoey kaya naman sanay na siyang binabastos lang ng mga lalaki. Wala lang iyon sa kanya. Sanay na siya! Kaya naman niyang ibigay ang katawan niya sa kahit sinong lalaki basta may katumbas na halaga pero nagbago ang pananaw...