EPILOGUE

67 1 2
                                    


"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Gavin sa kanya nang nasa harapan na sila ngayon ng building ng Glorioso. Nakasakay sila ni Gavin sa kotse nito.

Bumuntong hininga siya at tumango pagkuwan ay ngumiti.

"Oo. Kailangan kong gawin ito."

Unang bumaba si Gavin sa kotse saka siya pinagbuksan nito. Sunod-sunod na flash ng camera ang bumungad sa kanila ni Gavin. Agad silang dinumog ng press at media. Halos maipit siya sa dami ng mga iyon. Mabuti na lamang at nakayakap sa kanya si Gavin upang protektahan siya.

"Miss Candice, totoo po bang hindi iyon ang tunay ninyong pangalan?"

"Miss Candice, totoo bang hindi naman talaga kayo ang tagapagmana ng Glorioso?"

Sunod-sunod na tanong ng media sa kanya ngunit hindi niya iyon tinugon. Dire-diretso lamang siyang naglakad patungo sa conference room kung saan gaganapin ang official presscon.

Bumuntong hininga pa siya nang marating niya ang pintuan at makita ang mga taong naghihintay sa kanyang pagdating. Dire-diretso silang naglakad ni Gavin patungo sa may unahang bahagi. Magkatabi silang naupo sa silyang naroon. Naroon na rin ang poster parents niya noong nagpapanggap pa siyang si Candice at ang step-father ni Dancel na si Dr. Rodriguez.

Kinuha niya ang microphone at nag-umpisang magsalita.

"Magandang umaga sa inyong lahat. Kaya po ako humarap sa inyo upang linawin ang lahat. I and Dancel are good friends. Tinulungan niya ako noong panahon na mabigat ang struggles na kinakaharap ko. He gave me a new identity which is Candice Valdez Smith. But the truth is I am Zoey Lorraine Atienza. Hindi po ako si Candice na tagapagmana ng Glorioso Group of Companies. They, Mr. and Mrs. Smith are the true owner of Glorioso has no child so they decided to adopt me as their daughter and gave their whole trust," mahabang lintanya niya.

"Ngunit, hindi ko po maaaring tanggapin panghabangbuhay ang isang katauhan na hindi naman talaga sa akin. Ngayong wala na si Dancel, babalik na ako sa buhay kung ano talaga ako. Hindi mayaman, hindi tagapagmana kundi isang simpleng babae na nangarap lang namang maging malaya at maging masaya kasama ang lalaking pinakamamahal niya." Tiningnan niya si Gavin at nginitian. Hinawakan naman siya nito sa kanyang kamay at bahagyang pinisil iyon. Ginantihan siya nito ng ngiti.

Muli siyang humarap sa media at bumuntong hininga.

"Nais ko pong linisin ang pangalan ni Gavin Jameson. Hindi po siya isang tunay na kidnapper. Siguro kidnapper ng puso ko," biro pa niya sabay tawa na ikinatawa rin ng ilan sa mga naroon.

"Hindi po niya ako kinidnap. Kusa po akong sumama sa kanya dahil siya talaga ang lalaking tinitibok ng aking puso. Siya po ang lalaking tunay na minamahal ko at pakakasalan balang araw." Muli niyang sinulyapan si Gavin at nginitian.

Nagpalakpakan naman ang tao matapos niyang ipaliwanag ang lahat.

"Salamat, Candice este Zoey," sabi naman ni Dr. Rodrguez matapos ang presscon. Kinamayan siya nito na tinanggap naman niya.

"Walang anuman po. Salamat din po sa kabutihan ninyo sa akin." Tiningnan at nginitian din niya sina Mr. at Mrs. Smith na nakatayo rin sa harapan niya.

"Mami-missed ka namin, Zoey," sabi ni Mrs. Smith. "Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? Puwede naming ipamana talaga sa'yo ang Glorioso kung gusto mo?"

Tumawa naman siya at umiling. "Naku, huwag na po. May mas karapat-dapat po kaysa akin."

"Napakabuti, hija," sabi pa nito sa kanya saka siya niyakap nang mahigpit. Gumanti naman siya ng yakap dito.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon