4: SAVE BY THE DEVIL

81 2 0
                                    

"Halika na!" Puwersado ang paghila sa braso ni Zoey ng kanyang tiyahing si Devorah. Pilit siya nitong ipinapasok sa loob ng isang bahay-aliwan. Panay ang tulo ng kanyang luha habang pilit na nanlalaban sa kanyang tiyahin. Pinabibigat niya ang kanyang katawan at ayaw niyang ilakad ang kanyang mga paa kaya naman nakakaladkad siya nito.

"Ano ba, Zoey? Huwag ka na ngang magmatigas pa! Huwag mo na akong pahirapan dahil pagod na ako sa hirap na binigay ng mga magulang mo! Panahon na para mabayaran mo ako!" galit na galit na sabi nito.

"Pero ayoko pong pumasok diyan." Kahit sa murang isip pa lang ay alam na niya ang lugar na iyon. Marami sa mga kapitbahay nila ang doon nagtatrabaho. Isang beses ay dinala na siya roon ng isang kapitbahay nila. Ang alam kasi niya ililibre lang siya nito ng makakain kaya sumama siya. Hindi niya alam na may balak pala itong ipasok siya roon. Buti na lang at nakatakbo siya nang mabilis at nakapagsumbong agad sa kanyang ina na noon ay nabubuhay pa.

"Wala kang choice! Kaya huwag ka nang mag-inarte." Lalo nitong nilakasan ang paghila sa kanya kaya naipasok din siya nito sa loob. Sinalubong naman agad sila ng isang babaeng nasa trenta mahigit lang yata ang edad. Sexy ang pananamit nito at puno ng make up ang mukha. May hawak din itong sigarilyo sa isang kamay at hinihithit iyon.

"Magandang hapon, Cordelia," bati ng kanyang tiyahin sa babae. Ang kanina ay galit na mukha nito ay napalitan ng ngiti. Halatang ka-plastikan lang iyon. Alang-alang sa malaking pera naghihintay na mahawakan ng kamay nito sa oras na magtagumpay itong maibenta siya.

"Sino siya?" Nakataas ang kilay na sabi nito matapos magbuga ng usok sa harap niya. Halos maubo siya nang pumasok ang usok niyon sa ilong niya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Kinikilatis siyang mabuti. Pakiramdam nga niya ang hinuhubaran na siya nito sa pamamagitan lang nang pagtingin.

"Pamangkin ko. Zoey Lorraine ang pangalan niya," pakilala sa kanya ng tiyahin. Kinurot pa siya nito sa singit at binulungan na, "umayos ka." Hindi na siya nakadaing sa sakit ng kurot nito. Tumayo na lang siya nang tuwid pero nakayuko pa rin at panay ang paghikbi.

"Nice name." Inikutan siya nito habang kinikilatis ang kanyang kabuuan. "Ilang taon na siya?"

"Seventeen," sagot pa ng kanyang tiyahin.

Iniangat naman ng babae ang kanyang mukha at tinitigan iyon. "Maganda siya. Tiyak na papasa siya sa panlasa ng mga customer. Virgin pa ba siya?"

"100% virgin. Guaranteed."Nag-thumbs up pa ito at ngiting-ngiti.

Gumuhit rin ang ngiti sa mukha ng babae. "Konting ayos lang sa kanya at puwede na siyang isalang mamaya."

"Ayoko po," pagtanggi niya kasabay ang pag-iling at pag-iyak.

"Wala nang atrasan ito kaya huwag ka nang magreklamo. Ihanda mo na lang iyang katawan mo dahil tiyak na mapapalaban ka," sabi ng tiyahin niya na lalong nagpabilis ng tibok ng kanyang puso. Napayakap tuloy siya sa kanyang sarili. Matagal niyang iningatan ang kanyang katawan kaya hindi niya akalaing sa ganoong lugar lamang siya babagsak.

"Oh paano, okay na ba sa'yo ang 50,000?" tanong naman ng babae sa kanyang tiyahin.

"Wala bang dagdag? Virgin naman iyan. Tiyak na malaki ang kikitain mo diyan. Tubong-tubo ka," nakangising sabi ng kanyang tiyahin. Halatang sabik na sabik sa perang ibabayad ni Cordelia.

"Naku! Wala pa naman kasi kaming mayayaman na mga customer dito. Puro mga pipitsugin kaya kung mamalasin pa iyang alaga mo e baka mapunta pa siya sa kuripot na customer." Nakasimangot na sabi ni Cordelia kahit ang totoo ay marami na silang regular na mayayamang costumer. Dinadayo na rin ang kanyang bahay-aliwan dahil sa magaganda talaga ang mga pinipili niyang maging tagabigay ng aliw. Hindi siya basta-basta kumukuha ng mga hindi de-kalidad na babae.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon