2: NAUGHTY GIRL

157 2 2
                                    


"Let's drink! Cheers!" sigaw ni Gavin matapos itaas ang baso ng rum na iniinom. Ibinangga niya iyon sa baso ng kaibigang si Jonvic.

Nakangiti ang mga mata ngunit kunwari lang ang saya na pinapakita niya habang inaaliw ang sarili sa maingay na lugar na iyon na maraming taong nagsasayaw at nag-iinuman. Ine-enjoy ang bawat pag-indak kasabay ang mga ilaw na iba't iba ang kulay at nagsasalitan sa pagkislap. Yakap niya ang isang babaeng hindi niya kilala. Basta na lang niya iyon hinatak at nakipagsayaw.

"Pare, lasing ka na. Tama na iyan" saway naman nito sa kanya at pilit na inaagaw sa kanyang bibig ang iniinom niya.

Tinabig naman niya ito. "Who told you I'm drunk? Hindi naman nakakalasing ito." Tinungga niya ang buong laman ng baso saka nagsalin ulit at ini-straight shot iyon. Napailing naman ang kanyang kaibigan.

"You are promoted in your work right? So, we have to celebrate!" sabi pa niya sabay baling sa babaeng kayakap. "Right, Assunta?"

"It's Alicia," malambing na pagtatama ng babae sa kanyang pangalan. Ibinulong pa iyon malapit sa kanyang tenga na tila nang-aakit.

"Oh, Alicia, I'm sorry. My bad," natatawang hingi niya ng paumanhin.

"You are not celebrating. Ginagawa mo lang rason ang pagka-promote ko para makapaglasing ka," naiinis nang sabi ni Jonvic.

"You're rude. Ayaw mo bang mag-celebrate kasama ko?"

"Hindi naman sa ganoon pare kaya lang..."

Itinaas niya ang kanyang kamay para sawayin ito sa pagsasalita. Alam na niya ang susunod na sasabihin nito. Ipapamukha lang nito sa kanya kung gaano siya kamiserable. Mula nang naglayas siya sa kanila, wala na siyang ginawa kundi ang maglamyerda. Ayaw naman niyang saluhin ang negosyo ng kanyang ama dahil alam niyang illegal ang mga iyon. Hindi niya kailanman ninais na mapabilang sa mga drug lord ng bansa. Alam niya kung anong uri ng negosyo mayroon ang kanyang ama at ayaw niyang sundan ang yapak nito. Hindi na baleng limitado lang ang perang mayroon siya, ang mahalaga, hindi iyon galing sa kanyang ama.

"Alam mo..." Itinuro pa niya ito habang naniningkit na ang mga mata. Nag-init agad ang kanyang ulo. "Kung sasabihin mo lang sa akin na bumalik ako sa daddy ko, it's a big no! Mamamatay muna ako bago ako bumalik sa poder niya."

Magtatatlong taon na rin mula nang maglayas siya. Mula ng umuwi siya galing ibang bansa kinontrol na ng kanyang ama ang buhay niya. Ang totoo, kahit noong nasa poder pa siya ng kanyang lolo at lola sa United States ay kontrolado na siya nito. Kahit ang pakikipag-usap niya sa sarili niyang ina ay limitado lang. Bihira nga niyang makita ito. Once a year lang kung pauwiin siya nito sa Pilipinas para makita ang kanyang ina.

Akala niya magiging okay ang huling uwi niya dito sa Pilipinas. Excited pa naman siya nang sabihin nitong maaari na siyang manatili sa Pilipinas. Ngunit hindi niya inaasahan ang madaratnan. Wala nang buhay ang pinakamamahal niyang ina. At hindi siya makapaniwala sa sinabing dahilan nito. Sinisisi niya ito sa maagang pagkamatay ng kanyang ina. Kinamumuhian na niya ito mula pa noon.

"Pero mas magiging maayos ang buhay mo kung babalik ka sa daddy mo,"giit pa nito.

"Maayos? Mula nang magkaisip ako at malaman kong tatay ko ang hayop iyon, hindi na naging maayos ang buhay ko. Impyerno! Impyerno ang makasama siya. But if you want, we can change lives. Mas okay sa akin iyon. I can be you and you can be me," may paghamong sabi niya rito.

He will be glad to exchange life with Jonvic. Kahit nasa middle class lang ang pamumuhay nito, alam niyang masaya ito sa buhay. Jonvic has it all that he don't have. A happy family and a good lovelife with his girlfriend. Samantalang siya, guwapo nga pero loveless naman. Hindi dahil sa walang nagkakagusto sa kanya. Wala palang talaga siyang matipuhan na bibihag sa puso niya.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon