"Ate Zoey," tawag sa kanya ng dalagitang babae. Lumapit ito sa kanya at tinabihan siya sa sofa kung saan siya nakaupo at nanonood ng tv.
Nilingon niya ito at nginitian. May hawak itong dalawang platito na may lamang blueberry cheesecake at tasa ng umuusok na kape. Inilapag nito iyon sa lamesang nasa harap niya.
"Meryenda ka muna, Ate Zoey," nakangiting sabi nito sa kanya.
"Wow! Salamat. Ang bait mo naman."
"Kainin mo pa iyan. Makakatulong po ang mga iyan para inyong memory loss."
Kumunot naman ang noo niya.
"Nag-research po ako tungkol sa blue berry at sa kape. Ang sabi po doon ang blue berry daw po ay isang antioxidants na tumutulong upang ma-relieve ang stress na nagiging sanhi ng memory loss. Ganoon din po ang kape. May sangkap ito na antioxidants at caffine na nakatutulong upang maiwasan ang Alzheimer's disease at paghina ng kaisipan. Maaari rin daw pong uminom nito ng isa o dalawang tasang kape sa isang araw."
"Talaga ba? Hindi ka lang mabait, matalinong bata ka rin," sabi pa niya saka hinigop ang kape na ibinigay nito.
"Salamat po," sabi nito saka bumuntong hininga. "Alam mo, Ate Zoey, gusto kong humingi ng sorry sa'yo."
Kumunot naman ang noo ni Zoey sa sinabi ng dalagita. "Bakit naman?"
"May kasalanan ako sa'yo noon. Masyado kasi akong madaldal. Ako ang naging dahilan kung bakit naaksidente si Kuya Gavin at nagkahiwalay kayo noon. Kung hindi siguro sa kadaldalan ko baka hindi siya naaksidente at wala kayo sa sitwasyong ganito ngayon."
"Hindi kita maintindihan," sabi pa niya. Wala talaga siyang maunawaan sa mga sinasabi nito. Hindi niya matandaang naaksidente si Gavin. Wala naman kasi itong nabanggit sa kanya.
"Alam ko pong hindi ninyo maalala pero dahil po sa akin kaya nalaman ni Sir Gavin na may kinakatagpo ka tuwing wala siya."
"May kinakatagpo ako? Sino?"
"Hindi ko naman po kilala iyon pero alam kong nag-away kayo dahil doon. Sorry po talaga." Tumulo ang luha sa mga mata ng dalagita. Pinahid naman niya iyon.
"Huwag ka nang umiyak. Nakaraan na iyon. Okay naman na kami ni Gavin," sabi pa niya at ngumiti.
"Pero kahit okay kayo ni Kuya Gavin, ang sitwasyon naman po ninyo ang hindi. Masyado pong komplikado at alam kong nasa kapahamakan kayo."
"Matatapos din ang lahat ng ito," aniya sabay buntong hininga. Kahit siya ay hindi sigurado kung kailan nga ba matatapos ang kanilang pagdurusa. Hinati niya ang cake sa pamamagitan ng kutsara at kumain ng kaunti.
"Masarap ito a." Pinasigla niya ang kanyang boses para mawala ang lungkot sa paligid nila.
"Ako po ang nag-bake niyan," pagmamalaki nito.
"Talaga? Marunong kang mag-bake?"
Tumango naman ito. "Noong lumipat kami sa tapat ng bahay ninyo sa Alabang, ibinili ako ni Kuya Gavin ng malaking oven atsaka mga ingredients para sa cake. Nabanggit ko kasi sa kanya na mahilig ako sa cake at gusto kong matutong mag-bake."
"Ilang taon ka na ba?"
"Trese palang po pero malapit na akong mag-fourteen. Teenager na talaga ako pagdating ng birthday ko."
"Kailan ba ang birthday mo?"
"Sa susunod na buwan na po," tugon naman nito.
"Advance happy birthday sa'yo. Anong gusto mong regalo?"
BINABASA MO ANG
Untold Story Of The Billionaire's Escort
RomanceMatagal nang prostitute si Zoey kaya naman sanay na siyang binabastos lang ng mga lalaki. Wala lang iyon sa kanya. Sanay na siya! Kaya naman niyang ibigay ang katawan niya sa kahit sinong lalaki basta may katumbas na halaga pero nagbago ang pananaw...