60: PHOTOGRAPHS AND LETTERS

24 1 0
                                    

"Good morning!" masayang bati sa kanya ni Gavin. Saglit itong lumingon sa kanya at ibinalik din ang atensiyon sa ginagawa.

Napangiti siya habang pinagmamasdan ito. Nakatayo ito sa harap ng kalan at may hawak itong sianse. Abala ito sa pagluluto ng kanilang almusal. Naamoy na agad niya ang mabangong amoy ng sinangag. Humahalo iyon sa mabangong pabango ni Gavin na halatang bagong paligo. Naka-putting sando lang ito kaya naman kitang-kita niya ang naglalakihang muscles nito sa braso. Bakat din ang magandang hubog ng katawan nito. Kahit nakatalikod, ang yummy nito.

Dahan-dahan niya itong nilapitan at niyakap mula sa likuran. Sininghot pa niya ang mabangong amoy nito at ninamnam ang init ng katawan nito. Kumakalma ang puso niya sa tuwing yakap niya ito at natutuwa siya sa ganoong pakiramdam. Pumikit pa siya upang mas namnamin ang pagkakayakap sa nobyo.

Naramdaman naman niya ang pagpihit at paghawak nito sa kanyang likuran. Hinalikan siya nito sa noo.

"Magkatabi lang tayo kagabi na-miss mo na kaagad ako," biro nito.

Ngumuso naman siya. "Ilang minuto ka lang mawala sa tabi ko, nami-miss na kita. Kung puwede nga lang na huwag ka nang umalis sa tabi ko e."

"Hindi naman puwede iyon. Kapag hindi ako umalis, magugutom tayo dito. Hindi naman puwedeng tayo lang dalawa ang magkainan dito," pilyong sambit pa nito.

Bahagya naman siyang lumayo at mahinang tinampal ito sa braso. "Pilyo ka talaga."

"Sa'yo lang naman ako pilyo. Gusto mo bang magkainan ulit tayo?"

Namula at nag-init ang mukha niya sa sinabi nito. Naalala niya ang mainit nilang tagpo kagabi. Para silang bagong kasal na sabik na sabik sa katawan ng isa't isa. Kagat-labi siyang napayuko.

Narinig naman niya ang malakas na tawa ni Gavin.

"You're so cute," sabi pa nito. "Halika at kumain na tayo."

"Kumain ng ano?" Ibang bagay pa rin ang nasa isip niya.

Tumawa na naman si Gavin. "Kumain nitong niluto ko, ano pa ba?"

Medyo napahiya siya nang itaas nito ang mangkok ng sinangag na niluto nito. Ngumuso siya bago kinuha mula rito ang mangkok at inilapag iyon sa mesa. Inihain na rin ni Gavin ang hotdog at itlog na nakalagay sa magkahiwalay na plato.

"What do you want? Hotdog, egg or me?" birong tanong pa ni Gavin nang makaupo na sila sa harap ng mesa.

Hinampas niya ulit si Gavin sa braso. Tumawa lang naman ito kaya inirapan niya ito.

"Puro ka kalokohan," sabi pa niya.

"Pinapatawa lang kita," sabi nito saka sumubo ng hotdog. Pinakita pa nito sa kanya na takam na takam ito sa pagkain niyon. Dahan-dahan pa nitong isinusubo iyon at nginunguya. Ibang imahe na naman ang nakikita niya habang ginagawa iyon ni Gavin.

"Tigilan mo nga iyan!" saway niya rito sabay iling nang ilang ulit. Gusto niyang burahin sa isip ang kung anomang kalibugang naiisip niya habang tinitingnan si Gavin sa ginagawa nitong tila pang-aakit.

"Ang ano? Kumakain lang naman ako," nagmamang-maangang sabi nito at pinipigil ang sariling matawa.

"Ewan ko sa'yo." Itinuon niya ang atensiyon sa paglalagay ng fried rice at itlog sa kanyang plato.

"Ayaw mo ba ng hotdog?" tanong pa nito sa kanya.

Tiningnan niya ito ng masama na parang may nasabi itong hindi maganda.

"Gavin, isa!"

"Bakit?"

"Dalawa!"

"Okay fine. Ang sensitive mo naman sa hotdog. Para inaalok ka lang," natatawang sabi nito saka inubos ng mabilis ang natitirang hotdog sa tinidor nito. Lihim siyang napangiti sa reaksyon ni Gavin.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon