44: CLOSE TO DANGER

30 1 0
                                    

Inis na inihagis ni Gavin ang hawak na magazine nang makita mula roon ang announcement ng kasal ni Dancel at Candice. Tumama iyon sa pader ng kanyang kuwarto.

"Buwisit!" galit na sambit niya.

Kahit naihagis na niya ang magazine ay kitang-kita pa niya ang magandang ngiti nina Dancel at Candice sa picture na iyon at nagngingitngit ang kanyang puso dahil doon. Hindi siya makapaniwala sa nabasang article. Biglaan ang announcement na parang hindi pinag-isipan. Kailangan niyang kumpirmahin niya iyon kay Candice.

Dinampot niya ang kanyang cell phone bago pa man iyon tumunog. Kumunot ang kanyang noo nang rumehistro doon ang pangalan ni Don Guillermo. Pinindot niya ang answer button para sagutin iyon.

"What else do you want?"

Pagkatapos nilang magkasundo patungkol sa ebidensyang hawak niya ay hindi na ulit ito tumawag sa kanya. Ngayon lang ulit. Hindi kaya...

"I finally found her," sambit nito. Tama siya ng iniisip. Nakita rin nito si Candice at inisip rin nitong si Zoey iyon.

"You found Zoey?" paniniguro niya.

"Yes. And she was not using Zoey's name. Iniisip siguro niyang madadaya niya ako sa pamamagitan ng mga pekeng dokumento at pagbabago ng kanyang itsura." Tumawa pa ito ng bahagya.

"Kung si Candice Smith ang tinutukoy mo, nagkakamali ka talaga. Hindi siya si Zoey. Nagkita na kami. And she doesn't really know me."

Kahit na totoong may hinala rin siya na si Zoey ay si Candice, hindi niya ito ipapahamak. Hahayaan niyang magpanggap ito bilang Candice para sa kaligtasan nito. Ang hindi lang niya papayagan ay ang makasal ito kay Dancel at gamitin ito ni Don Guillermo para sa masamang plano nito.

"Really?" hindi kumbinsidong sambit nito.

"Yes. Ilang beses na akong lumapit at nagpakilala sa kanya pero hindi talaga niya ako nakikilala. Ang totoong Zoey, kilala ako at mahal ako. Hindi niya ako ikakaila."

"Baka ayaw niyang magpakilala sa'yo."

"She will never do that," giit niya. "Kung totoong si Candice ay si Zoey, makikita ko iyon sa reaksiyon niya nang makita pa lang niya ako. But there's no expression in her face when we first met."

"Ako ang magpapakita sa kanya. I know, she will remember." Tila may ibang kahulugan ang sinambit nito.

"No! Hindi ka magpapakita o lalapit sa kanya!" galit na sambit niya.

"Oh why? Bakit parang pinoprotektahan mo ang babaeng iyon kung talagang hindi siya si Zoey?"

"Kahit sino pang babae kung may balak kang masama sa kanila, pipigilan kita."

"Oh son, nagpapanggap ka na namang matapang. Baka nakakalimutan mo, hindi ka makakagalaw kung hindi dahil sa akin. I give you all my assets kapalit ang hindi mo pagsuplong sa akin sa mga pulis. Malakas ang ebidensiyang nasa kamay mo kaya hindi kita makanti pero hindi iyon magtatagal."

"Anong pinaplano mo?" medyo kinakabahan niyang sambit.

"Zoey kapalit ng ebidensiya," anito saka nawala sa linya.

"Damn!" Hindi niya nagugustuhan ang tinakbo ng kanilang usapan. Sigurado siyang may plano na naman ang kanyang ama sa oras na mapasakamay nito si Zoey. Alam niyang gagamitin nito si Candice o si Zoey para makuha ang ebidensiyang hawak niya.

"Ma'am, may appointment po kayo kay Mr. Jameson," sabi ng kanyang sekretarya. Kasalukuyan siyang abala sa pagpirma sa mga dokumentong ibinigay nito sa kanya. Tumingin naman siya dito at nagsalubong ang mga kilay niya.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon