57: GENUINE LAUGH

25 1 0
                                    

Medyo malayo-layo na ang binabiyahe nila nang magpasya si Zoey na kausapin na si Gavin. Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman ng mga sandaling iyon. Bigla siyang nakaramdam ng hiya sa hindi niya malamang dahilan. Parang hiyang-hiya sa sarili nang matagpuan siya ni Gavin kanina sa ganoong kalagayan. Hinayaan na naman niyang gawin iyon sa kanya ni Dancel. Ni hindi niya nagawang lumaban. Naunahan na naman siya ng takot.

Kung hindi pa siguro dumating si Gavin ay baka nagawa na naman ni Dancel ang gusto nito at marahil ay hawak pa rin siya sa leeg nito.

"Gavin," tawag niya rito. "Saan mo balak pumunta?"

"Kahit saan. Basta malayo sa mga taong kinatatakutan mo," tugon nito na hindi man lang lumilingon sa kanya. Nakatutok lang ang mga mata nito sa kalsada. Blangko ang ekspresyon nito. Hindi tuloy niya alam kung galit ba ito sa kanya o ano. Hindi niya mabasa kung anong tumatakbo sa isip nito ngayon basta magtitiwala na lamang siya.

Bumuntong hininga siya bago iniwas ang tingin kay Gavin. Itinuon niya ang tingin sa labas ng bintana kung saan makikita ang malawak na parang. Palubog na rin ang araw. Napakaganda ng tanawin na iyon ngunit napakalungkot para sa kanya. Hindi niya maunawaan kung bakit lungkot ang nararamdaman niya sa mga sandaling ito kahit na kasama na niya ang taong mahal niya? Marahil dahil sa hindi niya alam kung paano niya kakausapin si Gavin. Parang naiilang siya rito. Para bang napakalaki ng kasalanan niya rito at wala siyang mukhang maiharap.

Tumulo ng kusa ang mga luha sa kanyang mga mata. Tahimik siyang umiyak hanggang sa nauwi sa hagulgol. Hindi niya maiwasang ibuhos ang nararamdaman sa pamamagitan ng pag-iyak.

Itinigil naman ni Gavin ang kotse sa gilid ng daan. Walang sabi-sabing hinatak siya nito sa bewang at niyakap nang mahigpit. Ikinulong siya nito sa mga bisig nito. Ramdam niya ang tibok ng puso nito at ang init ng katawan nito. Init na unti-unting nagpapakalma sa kanya.

"Gavin," tanging nasambit niya.

Hinaplos naman ni Gavin ang kanyang buhok at likuran. Wala pa rin itong imik habang ginagawa iyon ngunit ramdam niya ang labis na pag-aalala nito sa kanya. Tumunghay siya at nagtama ang kanilang mga mata. Kita niya sa mga mata ni Gavin ang lungkot at pag-aalala.

"Gavin," muling sambit niya. "I'm so sorry."

"Sssshhh," tanging sambit nito kasabay ang paglapat ng labi nito sa kanyang mga labi.

That kiss was so gentle and passionate. Biglang tumulo ang kanyang mga luha. Luha ng kaligayahan at kapanatagan. Pinakalma siya nang tuluyan ng halik na iyon na ngayon lang ulit niya naramadaman. Halik na matagal din niyang kinasabikan.

Inangat niya ang kanyang mga kamay at ikinawit sa mga batok ni Gavin. Unti-unting lumalalim ang halik na iyon at tila mapipigtal ang kanyang paghinga. Kailangan niya ng makakapitan. Tinugon niya ang matamis na halik na iyon. Ang mga halik ay parang may sinusundang ritmo na nanggagaling sa kanilang mga puso. Kusang kumikilos ang mga halik na puno ng pagkasabik sa isa't isa.

Inilayo ni Gavin ang kanyang labi at tila siya nabitin sa ginawa nito. Napanganga siya at napatulala habang nakanguso pa.

Nakita niya ang ngiti sa labi ni Gavin bago siya dinampian muli ng halik.

"We can continue kissing after we reach in our destination," sabi nito sa kanya saka muling pinaandar ang kotse. Itinuon na nito ang tingin sa kalsada at hindi na siya nilingon pa. Ngunit naroon pa rin ang ngiti sa mga labi nito.

Napangiti na rin siya at itinuon naman niya muli ang tingin sa labas ng bintana. Ngayon ay wala ng pangamba sa puso niya. Sapat na ang halik at ngiti na iyon para masabi niyang mahal siya ni Gavin at hindi ito galit sa kanya.

Manghang-mangha siya habang nakatingin kay Gavin na nakatayo sa harapan niya. Para itong oblation statue sa U.P pero mas guwapo at mas matikas. Galit na galit rin ang sandata nitong tayong-tayo at handang-handa na para sa isang matinding bakbakan.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon