20: IMPYERNO

63 1 0
                                    

Malalaki ang mga hakbang na tinahak nila ang madilim na daan. Walang segundong sinasayang ang bawat bilis ng kanilang ginagawang pagtakbo. Punong-puno ng kaba ang kanilang dibdib ngunit hindi sila nagpatalo sa takot. Mas binilisan pa nila ang kanilang pagtakbo para lamang makatakas sa mga taong humahabol sa kanila.

Mahigpit ang kapit niya kay Gavin. Ayaw niyang mahiwalay sa binata kahit na saglit dahil alam niyang ligtas siya sa tabi nito. Poprotektahan siya nito. Hindi rin naman siya nito binibitiwan.

Hindi na sila lumilingon habang nakikipaghabulan sa buhay at kamatayan. Kailangan nilang makalayo. Hindi sila puwedeng mahuli ng mga ito.

Isang malakas na putok ang bigla na lang pumailanlang sa kalagitnaan ng gabi. Kusang tumigil ang kaniyang mga paa sa pagtakbo. Waring natulos siya sa kinatatayuan nang bigla na lamang bumulagta sa tabi niya ang duguan at walang buhay nang si Gavin. Nanlaki ang kanyang mga mata sa labis na pagkasindak.

Hindi ito maaari!

"Gavin!" Agad niyang nilapitan ang katawan nito. Iniangat niya ang ulo nito at tinapik-tapik ang mukha nito. Nanginginig ang kanyang mga kamay at panay ang agos ng kanyang mga luha. Napupuno ang puso niya ng labis na pagdadalamhati sa sinapit nito.

"Gavin, gumising ka! Please, huwag mo akong iwan," humahagulgol na sambit niya. Niyakap niya ito nang mahigpit.

"Gavin!" Umaasa siyang maririnig siya nito kahit alam niyang wala nang hiningang dumadaloy rito.

"Gavin!"

Napabalikwas ng bangon si Zoya. Kaybilis ng tibok ng kanyang puso at tagaktak pa ang pawis sa kanyang noo. Hinihingal pa siya na wari ay galing sa mahabang pagtakbo. May luha rin sa kanyang mga mata na tila totoong-totoo ang nangyari sa kanyang panaginip at nadala niya iyon hanggang sa kanyang paggising.

"Gavin," muling sambit niya.

Hinanap ng kanyang mga mata si Gavin ngunit wala ito na sa kanyang tabi. Nakaramdam siya nang matinding pangamba. Agad siyang tumayo para hanapin ito sa loob ng buong bahay. Nakahinga siya nang maluwag nang matagpuan niya itong nakatalikod at nagluluto ng kanilang pagkain. Naamoy pa niya ang mabangong amoy ng niluluto nitong tocino at sinangag.

Patakbo siyang lumapit sa binata at niyakap ito sa likuran. Lumuha siya sa labis na tuwa nang makita itong buhay.

"Zoey?" nagtatakang sambit nito. Gulat at nagtataka ito nang lumingon sa kanya.

Humarap ito sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi.

"Are you crying?" nag-aalalang tanong pa nito.

Humikbi siya at yumuko. Hindi pa rin maawat ang pagpatak ng kanyang luha. Pinahid naman nito iyon. Saglit na pinatay ang kalan at muli siyang hinarap. Giniya siya nito sa may silya at doon pinaupo.

"Shhhh... stop crying and tell me what's bothering you?" Tinitigan pa siya nito sa mga mata. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito.

Niyakap naman siya nito nang mahigpit habang patuloy pa rin ang pag-iyak.

"Gavin, nakikiusap ako sa'yo. Huwag mo akong iwan. Huwag kang mamamatay."

"Mamamatay? Bakit naman mamamatay? Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan."

"Nakita kong namatay ka sa panaginip ko. Ayokong magkatotoo iyon. Natatakot ako." Muli siyang humagulgol. Inalo naman siya ni Gavin at hinagod ang kanyang likod.

"Shhh... that was only a dream. Malayo sa katotohanan."

"Pero kitang-kita kong binaril ka niya." Muling nagbalik sa alaala niya ang naging panaginip kanina.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon