70: DREAM

23 1 1
                                    


Maaliwalas ang paligid. Kayliwanag na tila nasa isa siyang paraiso. Maraming puno at malawak ang kabukiran na kanyang natatanaw. Ang puso niya ay nag-uumapaw ang saya habang nakamasid roon. Para bang panatag na panatag ang kanyang loob. Walang anumang kapahamakan siyang nararamdaman.

Biglang may tumakip sa kanyang mga mata kaya't dumilim ang kanyang paningin. Sa halip na kabahan ay tuwang-tuwa pa siyang hinawakan ang kamay ng taong nagtakip sa kanyang mga mata.

"Alam kong ikaw iyan, mahal," tuwang-tuwang sabi pa niya.

Inalis naman ng taong iyon ang kamay nito na itinakip sa kanyang mga mata at tumabi sa kanya. Nakaupo sila ngayon sa isang nakalatag na banig sa kabukiran at nakahain ang ilang pagkain katabi ng basket. Huminga ang lalaki sa kanyang kandungan. Nakangiti itong nakatitig sa kanya.

Sinalubong naman niya ang tingin nito. Wala siyang makita sa mga mata nito kundi labis na pagmamahal para sa kanya. Hinaplos niya ang mukha nito na para bang ito lang ang pinakaguwapong mukha na nakita niya.

"Mahal kita, Zoey," sambit nito sa kanya.

"Mahal din kita, Gavin," tugon naman niya.

Iniangat naman nito ang mukha upang maabot ang kanyang labi. Ginawaran siya nito ng matamis na halik sa labi na tinugon naman niya.

Biglang pumailanlang ang isang malakas na putok ng baril sa paligid kaya naman parehas silang nagulat at tumigil sa kanilang paghahalikan. Sabay silang napalingon sa nagmamay-ari ng baril. Hindi niya maaninaw ang mukha niyon pero nagdala iyon ng labis na takot sa kanyang puso lalo na nang itutok nito ang baril sa kasama niyang lalaki at pinaputok muli iyon. Humandusay sa harapan niya ang lalaking kanina lang ay nagpasaya sa kanya.

Para siyang tatakasan ng bait sa nakita. Nanginig ang kanyang buong katawan habang nakatingin sa duguan at walang buhay na lalaki. Sumigaw siya nang malakas sa labis na takot at pagkagimbal.

"Aaaahhhh!"

Habol ang kanyang paghinga na bigla siyang bumalikwas ng bangon. Pawisan ang kanyang noo at kaybilis ng kanyang puso sa labis na takot.

"Candice," tawag sa kanya ng lalaking nasa tabi niya. Bumangon rin ito at hinaplos ang kanyang likod.

Nilingon niya ito at napaatras siya sa sobrang takot. Pinakatitigan niya ito. Hindi ito ang lalaki sa kanyang panaginip. Hindi ito ang lalaking nagpadama sa kanya ng labis na pag-ibig. Ito ang lalaki na bumaril sa lalaking kasama niya sa kanyang panaginip.

"What's wrong?" nagtatakang tanong pa nito. Tinangka siya nitong hawakan pero umiwas siya.

"Don't touch me." Mabilis siyang bumangon at tumakbo palayo sa lalaki.

"Candice," sambit ulit nito. Bumangon na rin ito at naglakad palapit sa kanya.

"Hindi! Hindi ako si Candice!" tarantang sabi pa niya. "Huwag kang lalapit."

"What are you saying?" natatawang sabi pa ng lalaki. Hindi ito nagpaawat sa paglapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa balikat. "Come here, my sweet Candice. You are just having a nightmare. Let me calm you down."

Iginiya siya nito pabalik sa kama at iniupo roon pero hindi niya magawang kumalma. Nanginginig pa rin ang buo niyang katawan at hindi pa rin siya komportable sa presensiya ng lalaking kasama niya ngayon.

Tumayo ang lalaki at nagtungo sa walk in closet. Kinuha nito ang isang bote ng gamot at syringe sa doctor's bag nitong kulay itim. Matapos itusok ang syringe sa bote at ilagay ang laman niyon sa syringe ay muli itong lumapit sa kanya.

"Ano iyan?" nababahalang tanong niya. Muli siyang napaatras nang ilapit iyon sa kanyang braso.

"Relax. It is your medicine. It will make you calm." Hinawakan naman nito ang kanyang braso at itinusok ang syringe doon. Nakaramdam siya ng bahagyang sakit dahil sa karayom at sa likido na dumaloy sa loob ng kanyang katawan.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon