16: NEW HOME

49 2 0
                                    

Nagmamaktol si Zoey na bumalik sa kama. Wala pang lalaking tumatanggi sa katawan niya. Si Gavin pa lamang ang gumawa niyon sa kanya. Hindi siya makapaniwala na sa tuwing inaakit niya ito ay hindi ito bumibigay kahit pa nga inaamin naman nito na may pagtingin ito sa kanya.

"Wala bang epekto sa kanya ang alindog ko? Maganda naman ako at sexy. Hindi niya man lang ba gustong tikman ang katawan ko. Tsk! Bahala siya! Kawalan niya, hindi sa akin!" inis na sa sabi niya sa sarili sabay cross arm. Sinimaan niya ng tingin si Gavin at nakasimangot na humiga patalikod.

Lumapit naman si Gavin at kinalabit siya. Inis naman niyang tinabig ang kamay nito. Inulit pa nito ang ginawang pagkalabit sa balikat niya pero hindi niya ito pinansin.

"Galit ka ba?" tanong pa nito sa kanya.

"Obvious ba?" parang batang ngumuso siya pero hindi pa rin nililingon si Gavin.

Kinalabit siya ulit ni Gavin. "Sorry na."

"Sorry-hin mo mukha mo!" lalo siyang nagsumiksik sa pinakasulok ng kama.

Tumabi naman sa kanya si Gavin at niyakap siya sa bewang. Amoy na amoy niya ang male scent nito. Nanunuot sa kanyang ilong ang sobrang bango na perfume nito. Waring nang-eengganyo ang amoy nito sa isang masarap na yakap pero hindi pa rin siya bibigay. Ang lagay ba, siya na lang lagi ang maaakit sa karisma ng machong lalaking ito? Never!

"Manigas ka!"

"Bakit ka ba nagagalit? Dahil ba ayaw kong makipag-sex sa'yo?" mahinahong tanong nito.

Umikot siya paharap dito kaya bigla na lang itong nahulog sa kama. Malakas ang kalabog na nilikha ng pagkahulog nito. Saglit siyang napanganga sa pagkagulat. Kinagat niya ang kanyang labi nang ma-realize na nakalimutan niyang maliit lang ang kama. Kasya para sa isang tao lang. Puwede ang dalawa kung parehong nakatagilid ang higa.

"Aray!" Dumaing naman si Gavin habang nakahawak sa nasaktang balakang nito.

Taranta naman siyang bumaba at inalalayan ito.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya. Napangiwi siya dahil sa kahihiyan sa nangyari sa binata.

"Dapat siguro, bumili na tayo ng bagong kama. Iyong mas malaki," sabi naman ni Gavin habang dahan-dahang tumatayo. Hawak nito ang balakang na nasaktan.

Naalala naman niyang galit pa siya sa binata kaya naman inirapan niya ito.

"Kung bumili ka na rin kaya ng sariling bahay at doon ka tumira? Hindi iyong nakikisiksik ka sa pamamahay ko."

"Pinapalayas mo na naman ba ako? Nakakalimutan mo na bang may pambayad na ako ng upa?"

"Salaksak mo sa baga mo ang pambayad mo!" Nag-cross arm pa siya matapos umupo sa kama.

"Kakaiba ka talaga magalit. Kahit may pera tinatanggihan mo na ngayon?" biro nito.

"Tse! Ikaw lang ba ang marunong tumanggi sa grasya? Itsura nito! Huwag mong sabihing guwapo at mayaman ka dahil hinding-hindi mo talaga matitikman ang katawan ko kahit binayaran mo na ako ng ten million."

Tumawa naman si Gavin na lalong kinaasar niya. Hinagisan niya ito ng unan pero nakailag ito.

"Huwag mo akong tatawanan, tatamaan ka sa akin," banta niya.

"Hindi ka naman nakatama e," pang-aasar pa nito saka tumawa ulit. Kaya hindi nito napansin ang paparating na isa pang unan. Sumapol iyon sa mukha nito. Siya naman ang tumawa nang malakas.

"Aba't..." sabi nito saka inihagis din sa kanya ang unan.

Tinamaan siya sa braso. Pinulot naman niya iyon at lumapit sa binata at hinampas ito ng unan. Naghampasan sila ng unan hanggang sa mapagod.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon