35: WHO FINDS FIRST?

33 1 0
                                    


Hindi makapaniwala si Gavin na ang babaeng hinahanap niya ay may koneksiyon din sa kanyang ama niya.

"Sa pagkakatanda ko, Don Guillermo ang tawag niya rito. Iyon iyong lalaking umabuso at nagkulong sa kanya nang matagal nang panahon."

Naulit ang sinabing iyon ni Chelsea sa kanyang isip. Napahawak siya sa kanyang sentido. Biglang sumakit ang kanyang ulo. Tila may pumipitik roon na lalong nagpapasakit sa kanyang ulo. Hinilot niya ang kanyang ulo upang maibsan ang sakit.

Masyadong okupado ang kanyang isip kaya naman sumasakit iyon. Iniisip pa rin niya kung paanong nagkaroon ng koneksiyon ang kanyang ama at si Zoey. Hindi siya makapaniwala sa sinabing iyon ni Chelsea. Pilit niya inignora sa kanyang isip ang bagay na iyon.

Ngunit unti-unting tumitindi ang sakit ng kanyang ulo kasabay rin ang pagbalik ng putol-putol na alaala sa kanyang isip.

All was a fragment of memories about that Zoey.

Ang mukha nitong nakangiti at tumatawa. Ang masasayang alaala na kasama niya ito at ang ilang mga salita na sinabi nito sa kanya.

"Gusto kong maging proteksyon mo iyan. Naniniwala akong iingatan ka ng kwintas na iyan at makakatulong iyan ng malaki sa'yo," ani Zoey matapos iabot sa kanya ang kwintas.

"Susi?" Hinawakan niya ang susi at tiningnan ito nang mabuti. "May kapangyarihan ba ito?" pabirong tanong pa niya.

"Siguro. Hindi ko alam pero iniligtas na ako ng susing niyan, minsan sa buhay ko," makahulugang sambit nito saka kinuha sa kamay niya ang kwintas at isinuot ito sa kanyang leeg.

"Ingatan mo ang k'wintas na ito. Lagi mong isusuot at huwag na huwag mong huhubarin ha?"

Kinapa niya ang kuwintas na nakita niya sa kanyang gunita. Suot pa rin niya ito sa kanyang leeg. Lalong nanaig ang kagustuhan niyang matuklasan kung ano ang koneksiyon nito kay Zoey at kung bakit binigay ito nito sa kanya. Isa lang ang nasiguro niya. Talagang kilala niya si Zoey at may koneksiyon ito sa kanya. Ang hindi lamang niya matanggap ay ang koneksiyon din nito sa kanyang ama.

Muling sumakit ang kanyang ulo. Hinawakan na niya ito ng mahigpit at halos sabunutan na niya ang sarili. Namimilipit na siya sa sobrang sakit niyon. Pagkatapos ay ibang eksena naman siyang nakita niya sa kanyang alaala.

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo, Gavin. Hindi ko alam kung talagang maiintindihan mo ako. Natatakot ako, Gavin. Natatakot ako sa maaari niyang gawin sa'yo sa oras na hindi ko siya sundin," ani Zoey na walang tigil sa pag-iyak.

"Ano?" Lalong kumunot ang kanyang noo. Hindi niya maunawaan ang tinutukoy nito.

"Ang ama mo, si Don Guillermo. Siya ang lalaki sa itim na kotse. Siya rin ang lalaking bumaboy sa akin tatlong taon na ang nakakaraan. Siya rin ang tumatakot sa akin na papatayin ka sa oras na hindi ko ulit ipagamit ang katawan ko sa kanya."

"Aaaahhh!"

Hindi na niya napigilan ang sariling mapadaing sa sobrang sakit ng kanyang ulo at sa sunod-sunod na alaala na pumapasok sa kanyang isip.

"Ayos ka lang ba, hijo?" tanong sa kanya ni Tatay Damian.

Nilingon siya nito sa rear view mirror ng kotse. Nagtama ang paningin nila roon. Halos hindi maipinta ang kanyang mukha sa labis na sakit na kanyang nanraramdaman.

"Just keep going," sabi lang niya rito. Pilit niyang iniinda ang sakit na nararamdaman sa kanyang ulo.

"Sigurado ka ba? Gusto mo bang iuwi muna kita sa bahay mo?" nag-aalalang suhestiyon nito.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon