"Nice to meet you, Zoey," nakangiting bati nito sa kanya habang hindi pa rin inaalis ang titig nito sa kanya. Malalim at may kahulugan ang mga titig nito. Hindi niya kinakayang tingnan iyon. Muli niya iniyuko ang kanyang ulo at nagsumiksik sa dibdib ni Gavin. Pasimple rin niyang pinisil nang mariin ang kamay ni Gavin na nakahawak sa kanya. Para bang nais na niya itong yayain pauwi.
"May problema ba?" bulong sa kanya ni Gavin.
"You're father is so intimidating," bulong din niya.
"Yeah. He has that personality." Binalingan nito ang ama at sinamaan ng tingin. "I know that my girlfriend was gorgeous but please don't look at her like you want to strip her clothes."
Tumawa naman ito. "Oh, I'm sorry. I thought she's the girl I met a long time ago."
Lalo namang nanginig ang kamay ni Zoey. Alam niyang iniisip ni Guillermo na siya ang matagal na nitong hinahanap. Nagdadalawang-isip lang ito at hindi makumpirma ang hinala.
"One of your bitches? No. She's not like that," ani Gavin na tila nainsulto. Sinamaan nito ng tingin ang ama.
"Can we go now, Gavin?" pasimple niyang bulong dito. Hindi na siya makatiis sa presensiya ng lalaki. Parang anomang oras ay hihimatayin na siya sa sobrang nerbiyos. Kinakapos na siya ng hininga.
"We're done here. Please excuse us," ani Gavin.
Tinalikuran na nila ang mga ito pero muli silang tinawag nito. Inis na nilingon ni Gavin ang ama.
"What else do you want?"
"Join me on lunch," aya nito.
"No but thanks." Tinalikuran ulit nila ito at humakbang na papuntang exit.
"How about tomorrow?" pahabol pa nitong tanong.
"We don't have time." Dire-diretso na silang naglakad palabas. Medyo nakahinga naman siya nang maluwag nang malayo na siya sa presensiya ng don at makasakay na sila sa kotse ni Gavin.
"Are you okay?" tanong sa kanya ni Gavin habang nagmamaneho. Napansin nito ang pagiging balisa niya mula pa kanina na nasa firing range sila.
"Honestly, no."
"Is it about my father?"
Tumango naman siya.
"Ganoon talaga iyon. But don't worry, he will never hurt you."
"Iyon ang akala mo. Tinorture na niya ako nang ilang ulit." Hindi niya maisatinig ang bagay na iyon. Hindi rin niya alam kung paano ia-absorb ng utak niya ang katotohanang nalaman niya. Hindi siya makapaniwala na ama ni Gavin ang lalaking kinamumuhian niya. Sa dinami-dami ng taong magiging ama ni Gavin, bakit si Guillermo pa?
Tumulo ang luha sa kanyang mga mata pero agad niya iyong pinunasan. Tumingin lamang siya sa labas ng bintana upang hindi iyon mapansin ni Gavin.
"Is there something you want to tell me?"
Umiling naman siya at tipid na ngumiti. "Pagod lang ako. Gusto ko nang magpahinga."
Hindi na sumagot pa si Gavin sa halip ay itinuon na lamang nito ang atensiyon sa pagmamaneho hanggang sa makarating sila sa bagong tirahan. Inihiga agad niya sa malambot niyang kama ang kanyang pagod na katawan. Ipinikit niya ang kanyang mata upang mag-relax kahit kaunti pero bigla na namang pumasok sa gunita niya ang itsura ni Don Guillermo. Nakangisi ito sa kanya. Agad na umakyat sa kaibuturan niya ang takot at pangamba.
"Paano kaya kung nakilala niya ako? Ano nang gagawin ko?" naisaloob niya. "Oh, Diyos ko!"
Napahimalos siya sa mukha. "Kailangan ko na bang magdasal ng maraming beses para lang makaligtas sa kuko ng impiyernong paparating?"
BINABASA MO ANG
Untold Story Of The Billionaire's Escort
RomanceMatagal nang prostitute si Zoey kaya naman sanay na siyang binabastos lang ng mga lalaki. Wala lang iyon sa kanya. Sanay na siya! Kaya naman niyang ibigay ang katawan niya sa kahit sinong lalaki basta may katumbas na halaga pero nagbago ang pananaw...