28: BIRTHDAY GIFT

38 2 0
                                    

Masayang gumising si Gavin. Lagi namang ganito ang pakiramdam niya sa tuwing gigising siya sa tabi ni Zoey. Ang makita niyang payapang natutulog ito habang yakap niya ay labis na nagpapasaya sa kanya.

He can't really explain why he was too much inlove with this bitch. Para siyang ginayuma gamit ang pinakamalakas na gayuma sa mundo. Hindi na niya kayang mabuhay na wala sa piling niya ang magandang babaeng ito na nasa tabi niya.

Hinaplos niya ang mukha nito gamit ang kanyang mga daliri. Kumibot naman ang mukha nito na tila naramdaman ang kanyang paghaplos. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang maganda nitong mukha. Inilapit niya ang kanyang mukha upang gisingin ito ng kanyang matatamis na halik.

"Huwag!"

Di pa man lumalapat ang kanyang labi ay bigla nang sumigawa si Zoey na ikinagulat niya. Bigla siyang itulak ni Zoey na tila takot na takot. Umatras pa ito na waring hindi siya nakikilala. Tila ibang tao ang nakikita nito habang nakatitig sa kanya. May halong galit at takot sa mga mata nito.

"Zoey," sambit niya at aktong hahawakan ito pero sumigaw ulit ito.

"Huwag! Ayoko na! Umalis ka!"

Inisip ni Gavin na baka nananaginip na naman ito nang masama kaya kailangan niyang gisingin ito sa masamang panaginip at iparamdam dito na ligtas ito sa piling niya. Muli siyang nagtangkang lapitan ito. Niyakap niya ito nang mahigpit at hinaplos ang likod. Nagpupumiglas ito pero lalo pa niyang hinigpitan ang yakap rito.

"Zoey, si Gavin ito," bulong niya rito.

"Gavin?" sambit nito na wari'y kinikilala siyang mabuti.

"Gavin!" muling sambit nito kasabay ang malakas na pag-iyak. Yumakap rin ito sa kanya nang mahigpit.

"I'm sorry," paulit-ulit pang sabi nito.

"Ssshhh, relax and calm down. You are safe now."

Unti-unting kumalma ito hanggang sa ang iyak ay naging hikbi na lamang. Iniharap niya ang mukha nito sa kanya at pinunasan ang mga luha. Hawak ang magkabilang pisngi nito ay ginawaran niya ng matamis na halik si Zoey.

"Nanaginip ka na naman ba?" tanong niya kay Zoey.

Tango lamang ang itinugon nito.

"Mukhang napapadalas ang pananaginip mo a," sabi pa ni Gavin.

Ilang gabi na niyang napapansing balisa si Zoey. Madalas na tulala ito o hindi kaya naman ay nananaginip. Kapag tinatanong naman niya ito tungkol sa panaginip nito ay hindi naman ito nasagot. Hindi nito sinasabi ang tungkol sa panaginip nito.

"May inaalala ka bang kung ano?"

Umiling naman ito at umiwas ng tingin.

"Pwede mong sabihin sa akin ang bumabagabag sa'yo. Handa naman akong makinig sa'yo. Baka kasi masyado kang nag-iisip kaya nadadala mo sa panaginip mo." sabi pa niya.

Hindi naman nakasagot si Zoey. Tila ba hirap na hirap itong magsalita sa harap niya. Na kahit alam niyang may inaalala ito ay hindi naman ito nagsasalita.

"Sige, kung ayaw mong sabihin. Ikaw ang bahala. Basta kapag handa ka na, magsabi ka lang sa akin. Handa akong makinig," sabi na lamang niya.

Tumango naman ito bilang tugon.

"Magbihis ka," pagkuwan ay sabi niya kay Zoey. Tumayo siya at hinila ang mga kamay ni Zoey upang makatayo rin ito.

"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong naman nito.

"Sa mall. Mamamasyal tayo para naman hindi ka mainip dito at ma-refresh naman ang isip mo. At isa pa, we have something to celebrate."

"Celebrate? Anong meron?"

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon