38: NEW IDENTITY

36 1 0
                                    

Abala sa pagluluto ng sinigang na bangus si Zoey nang dumating si Dancel. Napalingon siya rito nang marinig ang yabag nito.

"Oh, bakit hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka dito? Sana man lang ay nadagdagan ko na ang sinaing ko," sabi niya. Sakto lang para sa kanya ang sinasaing niya araw-araw. Bukod naman kasi ang niluluto ng caretaker ng mga ito sa kanya dahil nasa kabilang bahay rin naman ang mga ito.

Tumawa naman ito. "Huwag ka na mag-abala. Kumain na ako bago ako nagpunta ditto."

Pinatay niya ang gas stove matapos masiguro na luto na ang kanyang niluluto. Sumandok siya ng kaunting sabaw at dinala iyon sa bibig ni Dancel.

"Tikman mo ito," aniya.

Hinigop naman nito ang sabaw na inialok niya. "Hmmm... masarap. Magaling ka palang magluto."

Tumawa naman siya ng kaunti. "Tsk, bolero ka rin. Simpleng sinigang nga lang iyan e."

"Hindi naman ako nambobola. Talagang masarap. Hindi siya sobrang asim. Tamang-tama lang ang timpla," tapat na komento nito.

"Kung ganoon, salamat." Sumandok na siya ng ulam sa dalawang mangkok. Inihain niya iyon sa mesa. "Kumain ka pa rin ha? Hati na lang tayo sa kanin."

Nagsandok na siya ng kanin sa bandehado at naglagay ng dalawang plato sa harap ng mesa. Umupo naman si Dancel sa silyang nasa hapag kainan. Magkatapat silang kumain.

"Baka kulangin ka sa kanin nito," anito nang abutin ang kanin na hinati na niya.

"Naku, okay lang no? Hindi naman talaga ako malakas sa kanin. Diet ako," pabirong sabi pa niya na ikinatawa naman nito.

"I'm glad that you are okay now. I mean, nakakapagbiro at nakakatawa ka na."

"Kailangan kong mag-move on at magpakatatag. And besides, I am not Zoey anymore. I am Candice now."

"Handa ka na ba talagang harapin ang bagong buhay bilang si Candice?"

"I have to. Ayoko nang bumalik sa masalimuot na buhay ni Zoey. If I can live peaceful with my new persona, then I choose to be her."

"Well said. Anyway, to start being as Candice, these are the documents that you need." Iniabot nito ang isang brown envelop sa kanya na kanina pa pala nito hawak-hawak.

Tiningnan niya ang laman noon at binasa. Naroon ang birthcertificate ni Candice Valdez at ilan pang dokumento na pagkakakilanlan nito. Isang business heir si Candice ng isang malaking kompanya na nagngangalang Glorioso Group of Companies. Isa itong malaking kompanya na nag-eexport ng mga mamahaling mga gown at dress.

"Totoo bang nag-e-exist ang kompanyang ito?" na-curious niyang tanong.

"Yap. That company owns by my Uncle Jim. Siya ang napangasawa ng kapatid ni Papa. My Auntie Susan has no child kaya pumayag siya na magpanggap ka na adopted child nila. That means, your name would change to Candice Valdez Smith. Valdez would be your real surname but you will use that as your middle name because you will use the surname of your poster parents."

"I get it," aniya.

"Palalabasin natin na inampon ka nila sa US when you are five years old. Anak ka ng mga Filipino slash US citizen na namatay dahil sa plane crash. Nandiyan na rin ang fake documents na galing sa isang orphan na located din abroad kung saan ka dinala after mamatay ang mga parents mo. At kahit sa abroad ka nakatira, you know how to speak tagalog dahil Filipino ang Auntie ko."

Binuklat pa niya ang ilan pang mga dokumento na naroon at nakita niya ang profile ng tinutukoy nitong mga taong magpapanggap na mga magulang niya. Nasa 50's na ang itsura ng amerikanong lalaki na may natural na puting buhok. Medyo na mataba ng kaunti at katabi nito ang isang babeng Filipina na nasa 40's pa yata ang edad. Maganda pa rin ito kahit ganoon na ang edad nito.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon