Ilang araw na rin si Zoey sa bahay ni Don Guillermo. Tahimik lang naman ang kanyang naging buhay roon. Maliban na lang sa madalas niyang naririnig na pag-aaway ng mag-asawa sa itaas na bahagi ng malaking bahay na iyon. Naaawa siya dahil sa palagay niya ay sinasaktan ng don ang asawa nito. Hindi naman niya magawang pigilan ang mga ito sa pag-aaway. Wala siyang karapatang makialam at isa pa pinagbawalan siya ng don na lumabas sa kuwartong iyon.
Sinusunod niya ang sinasabi nito dahil ayaw niyang mapagalitan nito. Natatakot siya na sa kanya ibaling ng don ang galit nito sa asawa. Hindi pa niya nakikita kung paano magalit nang todo ito pero labis na takot na ang naramdaman niya. Alam na niyang hindi lang ito nagbabanta, tinototoo nito ang sinasabi. Pruweba na ang pambubugbog na ginagawa nito sa asawa.
Madaling-araw na. Mahimbing nang natutulog si Zoey nang makarinig siya ng kaluskos. Hindi siya bumangon pero pinakiramdaman niya ang paligid. Narinig niyang lumagitik ang door knob sa kanyang kuwarto. Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang si Don Guillermo ang pumasok roon. Wala namang iba maliban dito ang nakakapasok sa kanyang kuwarto. Kahit ang mga katulong ay pinagbabawalan na pumasok roon. Iniiwan lang ng mga ito ang pagkain sa labas at kumakatok lamang para ipaalam na iniwan ng mga ito ang pagkain sa labas ng pinto. Kahit kapag naglilinis ang mga ito ng kuwarto niya ay saka lamang siya pinapalabas ng don at pinapalipat ng ibang kuwarto. Ni hindi niya nakita kahit isa sa mga ito.
Nagtataka siya sa ganoong sistema ng don pero hindi siya nagtakang magtanong man lang. Sinunod niya ang sinabi nitong bawal siyang magtanong ng personal na buhay nito.
Nagtulog-tulogan siya at pinakiramdaman lang ang ginagawa ng don sa kanyang kuwarto. Narinig niya ang mga yabag nito na palapit sa kanya. Umupo ito sa gilid ng kanyang kama. Naamoy agad niya ang alak sa hininga nito nang ilapit nito ang bibig malapit sa kanyang tenga.
"Are you still awake, Lorraine?" tanong nito sa kanya sabay haplos sa kanyang braso.
Mabilis naman siyang bumangon at bahagyang umatras palayo rito. Isiniksik niya ang sarili sa board ng kama at binalot ang sarili ng kumot. Takot ang mababakas sa kanyang mga mata habang nakatingin sa lalaki.
"Don Guillermo," sambit niya. Kaylakas ng tibok ng kanyang puso dahil sa sobrang kaba. Hindi niya nagugustuhan ang titig nito sa kanya. Punong-puno nang pagnanasa ang mga mata nito. Gaya ng pagnanasang nakita niya sa mga mata ng mga lalaki sa bar na nanghipo sa kanyang dibdib noon.
"You are so gorgeous, Lorraine," pabulong na sabi nito sabay haplos sa kanyang pisngi. Inilayo niya ang kanyang mukha at umiwas ng tingin sa mga mata ng don.
"I want you now," sabi pa nito na parang namamaos ang boses. Pilit nitong inabot ang kanyang mga hita at hinaplos iyon. Umakyat naman ang kilabot sa buong katawan ni Zoey. Mabilis niyang inilayo ang hita sa kamay ng don at lalo siyang nagsumiksik sa board ng kama. Ngumisi naman ang don at gumapang palapit sa kanya. "Until now, you are so aloof."
"A-ano po bang binabalak ninyo?" lakas-loob niyang tanong.
"Balak?" Tumawa ito nang bahagya. "What do you think?"
"H-hindi ko po alam," aniya kasabay ang pag-iling. Kahit sa likod ng isip niya ay alam na alam na niya ang gustong gawin sa kanya nito. Hindi naman siya ganoon kaignorante. Pagpasok pa lamang ng don sa kanyang kuwarto ay alam na niyang may masamang balak ito sa kanya. Walang matinong lalaking lasing ang basta na lamang papasok sa kuwarto ng isang babae nang dis-oras ng gabi.
"Well, I want you to do your special duty today."
"A-ano po bang klaseng duty iyon?"
"Make me happy and satisfied," nakangising sabi nito saka hinawakan muli ang kanyang hita at hinaplos paitaas papunta sa maselang bahagi ng kanyang pagkababae. Napapitlag siya kaya naipadyak niya ang kanyang mga paa at pinagpag ang mga kamay ni Don Guillermo na nakahawak sa kanyang hita. Animo'y diring-diri siya sa ginagawa nito.
BINABASA MO ANG
Untold Story Of The Billionaire's Escort
RomanceMatagal nang prostitute si Zoey kaya naman sanay na siyang binabastos lang ng mga lalaki. Wala lang iyon sa kanya. Sanay na siya! Kaya naman niyang ibigay ang katawan niya sa kahit sinong lalaki basta may katumbas na halaga pero nagbago ang pananaw...