8: CONFIRMATION

59 1 0
                                    

Pilit inaalala ni Zoey kung totoo ba ang sinasabi ni Gavin o hindi. Kahit naman nag-iinom siya, alam pa rin niya ang nangyayari kaya sigurado siyang hindi lang basta panaginip ang bidding na nangyari kagabi. Hanggang ngayon nga ay nakatatak pa sa isip niya ang pangalang binanggit ni Aloha. Hinding-hindi niya makakalimutan ang pangalang iyon.

"Zoey was taken for worth half a million by Mr. Jameson." Paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa kanyang tenga. Hindi siya matatahimik hanggang hindi niya nakukumpirma kung totoo ang sinabi sa kanya ng lalaking kaharap ngayon. Kailangang malaman niya ang totoo. Hindi siya papayag na basta maniwala sa isang estranghero na kahapon lang niya nakita at ngayon ay pilit pumapasok sa buhay niya na at umaastang kaya nitong baguhin ang lahat.

Naniningkit ang mga matang pinagmamasdan niya ito habang abala sa paghuhugas ng platong pinagkainan nila. Nagtataka rin siya kung bakit ba naisipan ng lalaking ito ang baguhin ang buhay niya na alam naman niyang imposible.

"Sino ba ang lalaking ito at ano ang totoong pakay nito sa akin?" naisaloob niya.

"Alam mo, sa tingin ko, naghahanap ka lang ng karamay," sabi niya sa binata. Lumingon naman ito na nakakunot ang noo.

"Bakit ko naman gagawin iyon?" tanong pa nito.

"Miserable siguro ang buhay mo kaya gusto mong magbagong buhay kasama ko," aniya kahit wala naman talaga siyang ideya kung anong buhay mayroon ang istrangherong kasama niya ngayon. Isa lang ang alam niya, nagrerebelde ito.

"Parang ganoon," kibit balikat na tugon nito saka ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Gusto mo ba talagang panindigan na buhayin ako o baka naman ikaw ang bubuhayin ko dahil dito mo yata balak manirahan sa apartment ko?" Tumaas ang kilay niya sa isiping iyon. Ni hindi niya alam kung saan talaga nakatira ito.

Humarap ito sa kanya matapos maghugas. Nagpunas ito ng kamay gamit ang towel saka umupo sa silyang nasa harapan niya.

"Wala akong balak na magpakargo sa'yo. Tulad ng sabi ko, simula ngayon ako ang bubuhay sa'yo at hinding-hindi ka na babalik sa trabaho mo," seryosong sabi nito.

Nagtataka pa rin siya kung paanong nasasabi ng lalaking ito ang mga bagay na walang kasiguraduhan pero mukhang siguradong-sigurado ito. Napakamot siya sa kanyang ulo.

"Hindi puwedeng hindi ako babalik doon. Malaki ang utang na loob ko kay Aloha. Hindi pa ako bayad sa kanya."

"You're paid," sabi pa ng lalaking kaharap niya na lalong ikinakunot ng kanyang noo.

"Paid?"

"O-oo. Sa tingin ko matagal ka nang bayad sa kanya dahil ilang taon ka nang nagtatrabaho sa kanya bilang prostitute 'di ba?"

Saglit siyang nag-isip. Saglit na nanumbalik muli sa kanya ang mapait na alaala. Ang gabing hindi niya makakalimutan.

"Oh natulala ka na diyan?" sabi naman ni Gavin sa kanya nang mapansin nitong hindi na niya nagalaw ang kanyang pagkain.

Bigla na lang pumasok sa isip niya ang nakaraan. Umiling-iling siya upang mawala sa isip iyon. Ang araw na nagkakilala sila ni Aloha at ang pagbibigay nito ng trabaho sa kanya sa club bilang waitress. Noong una, akala niya suwerte na siya at sa wakas nagkaroon na siya ng marangal na trabaho pero akala lang pala niya iyon dahil hindi pa man siya nagtatagal sa pinasukang club ay naibenta na agad siya. Napakasaklap!

Kumurap-kurap siya at tumitig sa mukha ni Gavin bago nagsalita, "Kaya mo ba talagang baguhin ang buhay ko?"

"If you allow me, why not?"

"Kung papayag na ako, paano mo naman gagawin iyon?"

Ngumiti naman si Gavin sa kanya at hinawakan ang pisngi niya at hinaplos. "Trust me."

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon