86: BEAST VS DEVIL

41 1 0
                                    


"Demonyo ka talaga!" gigil na gigil na sabi ni Zoey habang nanlilisik ang mga mata kay Don Guillermo. Nagngangalit ng maigi ang kanyang mga ngipin at para siyang isang leon na nagpupumiglas mula sa pagkakatali.

"You want to see the devil inside me, right? So that's it!" Itinuro nito si Aloha na nakahandusay sa tabi ng anak nitong si Angela na patuloy pa rin sa pagpalahaw. Kahit nais nitong hawakan ang ina ay hindi nito magawa sapagkat nasa likod ang kamay nitong nakatali.

"Demonyo ka," muling sambit niya kasabay ang pagpatak ng luha. Wala siyang maisip na salita upang ikumpara sa ginawa ni Don Guillermo kay Aloha. Tunay na demonyo ito at walang puso. Hindi ito tao! Wala itong konsensiya.

Lumapit ito sa kanya at itinayo siya. Hinawakan siya nito sa may kuwelyo. Halos maamoy na niya ang mabangong hininga nito sa lapit ng mukha nito sa kanya. Sinalubong niya ang mga titig nito.

"Mas matinding demonyohan pa ang makikita mo kapag dumating si Gavin dito," nakangising sabi niya.

"Anong pinaplano mo?"

"My plan?" Sandali itong nag-isip. "I want an explosion! Boom!"

Ikinagulat niya iyon kasabay ang pagtulak sa kanya ng don. Muli siyang sumadsad sa sahig.

"You'll see. Huwag kang mainip. Magkakasama rin kayo ng pinakamamahal mo. Parehas kayong magkakalasog-lasog." Kasabay niyon ay ang malakas na halakhak nito na tila isang demonyo.

Nagtangis ang kanyang mga ngipin habang nakatingin sa demonyong kaharap. Ikinuyom niya ang kanyang mga palad pagkuwan ay tiningnan niya si Angela. Nakaramdam siya ng awa para sa dalagita. Hindi ito dapat nadamay. Muling tumulo ang luha sa kanyang mga mata ngunit pinilit niyang tatagan ang loob. Hindi siya puwedeng basta na lang sumuko. Kailangang makahanap siya ng paraan para mailigtas si Angela. Kahit ikapahamak niya basta mailigtas lang ang dalagitang walang muwang.

Lumapit siya sa dalagita at pilit inabot ang mga kamay nitong nakagapos. Tumingin naman ito sa kanya na hilam na ang mga mata sa luha. Humikbi ito at iniyukyok ang ulo sa kanyang balikat.

"Ate Zoey, ang inay ko," sambit nito kasabay ang paghagulgol.

"Sssshhh... magpakatatag ka. Gusto ng inay mo na maligtas ka. Huwag kang susuko. Lalaban tayo," bulong na sabi niya rito. Tumango naman ang dalagita.

Patuloy na nagmasid si Zoey sa paligid. Hindi niya inaalis ang kanyang mga mata sa mga tauhan ni Don Guillermo. Dalawang bantay lamang ang natira sa silid na iyon. Wala na si Don Guillermo. Matagal na itong nakaalis at hindi niya alam kung saan nagtungo. Kung walang gapos ang kanyang mga kamay ay kayang-kaya niyang patumbahin ang mga ito gamit ang kanyang abilidad sa taekwondo.

Nag-iisip siya ng paraan kung paano niya maiisahan ang mga ito at matatanggal ang kanyang mga kamay sa pagkakagapos. Biglang sumagi sa kanyang isip ang ginawa niya noon kay Leo. Agad siyang napangiti. Tiyak niyang magiging epektibo rin iyon sa mga ito.

"Pssst... pssst.." paulit-ulit niyang tawag sa dalawang bantay.

Tumingin naman ang mga ito sa kanya. Nginitian niya ang mga ito at kinampayan na lumapit sa kanya. Lumapit naman ang mga ito.

"Anong kailangan mo?" tanong ng isang lalaking bantay na may kapayatan ng kaunti. Hawak pa rin nito ang mahabang baril habang nakatayo sa harapan niya.

Sinenyasan niyang lumapit pa ito upang mabulungan niya. Ginawa naman ito niyon. Inilapit nito ang tenga nito malapit sa kanyang bibig.

"Gusto mo ba ng kaunting ligaya?" Pinalambing niya ang kanyang boses at kinagat pa niya ang kanyang mga labi habang malagkit ang mga tingin dito.

Napalunok naman ang lalaki habang nakatingin sa maganda niyang mukha.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon