48: WEDDING PREP

29 1 0
                                    

Pumatak ang masaganang luha sa mga mata ni Zoey nang makaalis na si Gavin. Ibinuhos niya sa kanyang mga palad ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Gusto niyang habulin ito at bawiin ang kanyang mga salita pero natatakot siya. Natatakot siya na magkatotoo ang napanaginipan niya. Natatakot siya sa maaaring gawin ni Dancel kahit hindi niya pa alam kung ano iyon.

"What are that tears for?" tanong ni Dancel na ikinagulat niya. Hindi na niya namalayan ang pagdating nito dahil okupado ang kanyang isip ng labis na kalungkutan.

Agad niyang hinatak ang tissue na nakapatong sa lamesa at mabilis na pinunasan ang mga luha bago tumingin kay Dancel.

"What are you doing here?" tanong niya rito. Bigla na lamang din siyang nanlamig ng pakikitungo dito. Para bang hindi na niya ito nais makausap o makita pa mula ng maramdaman niya ang pagbabago nito.

"I want to see my fiancé." Ngumisi ito at lumapit sa kanya. Walang sabi-sabing hinalikan siya nito sa mga labi. Saglit siyang natulala sa ginawa nito. "Your lips was so sweet kaya siguro maraming nahuhumaling sa'yo."

"Nandito ka ba para insultuhin lang ako." Na-offend siya sa sinabi nito. Para kasing pinapaalala nito sa kanya na isa siyang prostitute noon bago sila nagkakilala.

"Ofcourse not." Niyakap siya nito mula sa likuran at hinalikan siya sa leeg. Nanaas ang balahibo niya sa batok. Kinilabutan siya kaya mabilis siyang napatayo at lumayo kay Dancel.

"Dancel, ano ba? Huwag ka namang ganyan, tinatakot mo ako."

Ngumiti naman ito pero nakakatakot pa rin para sa kanya ang ngiti nito. Parang ngiti ng isang taong walang gagawing matino. Ibang tao ang nakikita niya ngayon kay Dancel na lalong nagpapatindi ng takot niya rito.

"Tinatakot? I am just kissing my fiancé," sabi pa nito saka aktong lalapit sa kanya kaya agad siyang napaurong. "Why are you so scared? Hindi naman kita sasaktan."

Hinawakan siya nito sa mukha at hinaplos. Umiwas naman siya ng tingin dito.

"Hindi mo naman kailangang matakot sa akin. I am your saviour, remember? Ako ang nagligtas sa'yo at nagpagaling."

Ipinapaalala na naman nito ang utang na loob niya rito na para bang may nais itong kapalit sa lahat ng itinulong nito sa kanya.

"Ano ba talagang gusto mo Dancel?"

"Wala naman akong ibang gusto kundi ikaw. You know what? The first time I saw you, I feel something about you. Na-attract na ako sa'yo kahit mukha ka pang gusgusin noong nakita kita. Kahit ganoon ang itsura mo noon, nag-uumapaw pa rin ang sex appeal mo. Nakakabihag ka pa rin. May gayuma ba sa buong pagkatao mo?"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo," aniyang hindi pa rin makatingin dito.

Bigla naman siyang hinatak nito sa bewang kaya nagdikit ang kanilang mga katawan. Tumama ang namumukol na ari nito sa kanyang kaselanan. Kahit parehas silang may saplot sa katawan ay ramdam niya ang nag-iinit na presensya ng lalaki.

Inilapit nito ang mukha sa kanya at hinalikan siya sa pisngi pababa sa kanyang leeg. Tanging kilabot ang nararamdaman niya sa ginagawa nito.

"I want you, Candice," bulong pa nito sa kanyang punong tenga na lalong nagpakilabot sa kanya. Hindi siya makagalaw. Nanginginig ang kanyang buong katawan.

"But ofcourse, I will not touch your pussy until you don't want it too. Hindi ko gustong lumabas na ni-rape ko ang fiancé ko," anito saka lumayo sa kanya. Naupo ito sa kanyang swivel chair at iniikot iyon bago itinuon ang mga siko sa mesa at mataman siyang tinitigan. Nanatili naman siyang walang kibo at tila naninigas sa kinatatayuan.

"Ayusin mo ang sarili mo. Don't act like you are so weak. I made Candice as fierce and fearless. Dapat wala na sa katauhan mo ang isang Zoey. Even the heart of Zoey, change it with a heart of Candice. Walang ibang ititibok ang puso ni Candice kundi ako lang. Your future husband."

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon