33: CRAZY

31 1 0
                                    


Walang imik si Zoey habang naglalakbay sila pabalik ng mansion ni Don Guillermo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap ang sinabi ng doctor sa kanya. Paulit-ulit pa rin iyong tumatakbo sa kanyang isip at patuloy nan ire-reject ng kanyang utak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi nito kahit pa nga nasa harap na niya ang ebidensiya.

Hawak niya ang pregnancy kit at ang medical records niya. She was 6 weeks pregnant. Ibig bang sabihin niyon ay mahigit na anim na linggo na rin siyang nasa poder ni Don Guillermo? Hindi niya alam. Naguguluhan siya. Hindi na niya nabilang pa ang mga araw na iyon. Ni hindi na nga niya natandaan kung kailan siya huling niregla. Wala naman kasing laman ang utak niya kundi ang makawala sa poder ni Don Guillermo at muling makasama si Gavin.

Sinulyapan niya si Don Guillermo na nasa kanyang tabi. Seryoso rin ito at walang imik. Tila hindi rin nito nagustuhan ang sinabi ng doctor. Ayaw ba nitong magkaroon ng anak? Sabagay, sino ba ang gugustuhing magkaroon ng anak sa isang babaeng mababa ang lipad na gaya niya? Isa lamang naman siyang alipin nito sa kalibugan.

Hindi nga dapat siya nabuntis. Hindi niya matanggap na magiging ama ng kanyang anak ay si Don Guillermo. Pero si Don Guillermo nga ba? Paano kung si Gavin ang ama nito? Parehas naman silang nagbuhos ng semilya sa kanyang sinapupunan. Ngunit paano niya malalaman kung sino ang tunay na ama ng kanyang anak kung parehas din namang dugo ang dumadaloy sa mga ito?

Hindi na niya alam kung anong iisipin. Napakaraming tanong na gumugulo sa kanyang isipan. Para bang nais nang sumabog ng kanyang utak. Sumasakit ang ulo niya sa labis na pag-iisip. Hindi naman niya magawang umiyak. Tila nasaid na yata ang kanyang mga luha at wala na siyang maiiyak pa.

Sana ay namatay na lang siya sa ginawa niyang pagpapakamatay para hindi na siya namroroblema ng ganito. Parang nakikita na niya ang mas matinding pagdurusa sa kamay ni Don Guillermo ngayong may dinadala pa siya sa kanyang sinapupunan.

"Baba!" maawtoridad na sabi sa kanya ni Don Guillermo matapos siyang pagbuksan ng pinto ng kotse.

Dahan-dahan naman siyang lumabas ng kotse. Dire-diretso naman ang don na naglakad papasok sa loob ng bahay. Ni hindi siya hinintay nito. Kahit na gusto niyang lumakad paatras at palayo sa bahay na iyon ay bigla naman siyang natakot. Baka hindi na siya makalabas pa ng buhay kapag tinangka na naman niyang tumakas.

Kahit na mabibigat ang mga paa ay hinakbang niya iyon papasok sa loob ng mansion. Naghihintay naman ang don sa sala. Naka-de- kuwatro ito at nakatingin sa kanya. Atubili naman siya sa paglapit dito.

"Sit down!" Halos tumalon ang puso niya sa bagsik ng salita nito. Mahina pero mariin na para bang kapag hindi mo agad sinunod ay hahandusay ka na lang bigla sa sahig na wala nang buhay.

Agad siyang tumalima. Naupo siya sa isang single sofa na nasa tabi ng don. Yumuko siya. Hindi niya magawang tumingin sa mga mata nito.

"Abort that child!" walang prenong sambit nito.

Bigla naman siyang tumunghay para tumingin dito. Sobrang pagkagulat at pagtataka ang gumuhit sa kanyang mukha. Paanong nasasabi nito ang bagay na iyon? Hindi siya makapaniwala.

"Do you hear me? I want that child out of your womb!" Kitang-kita niya sa mga mata nito ang labis na galit.

"Pero bakit? Ano bang ginawa ng batang ito para tanggalan mo siya ng karapatang mabuhay?" Awtomatikong naunawaan niya ang nararamdaman ng damdamin ng isang ina.Tila may kumirot sa kanyang puso. Nasasaktan siya. Kahit na hindi niya tanggap na nabuntis siya, hindi pa rin niya kayang maatim na kumitil ng buhay kahit pa nga isa pa lamang itong dugo sa sinapupunan niya.

"Don't question me! Gawin mo ang gusto ko!"

"Ayoko!" matigas na tugon niya. Tumayo siya at lumakad palayo. Mabilis naman siyang hinabol nito at hinawakan nang mahigpit sa braso.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon