45: FORGIVEN

26 1 0
                                    

Iminulat ni Zoey ang mga mata. Nakaramdam siya ng kaunting pagkahilo at sakit ng ulo. Nasapo niya ang kanyang noo bago inilinga ang paningin sa paligid. Hindi siya pamilyar sa lugar na kinaroroonan niya. Nakahiga siya sa isang katre na gawa sa kawayan. May sapin lamang siyang banig at unan sa kanyang ulunan. Para siyang nasa isang bahay kubo na medyo may kalakihan.

Sumagi sa isip niya ang nangyari bago siya nakarating dito. May kung anong bagay siyang naamoy sa parking lot na nagpawala ng kanyang malay. Bigla siyang nakaramdam ng panganib. Agad siyang kinabahan at mabilis siyang tumayo. Pinakiramdaman niya ang paligid. Pinakiramdaman niya kung may ibang tao siyang kasama.

It all came so easy
All the lovin' you gave me
The feelings we shared
And I still can remember
How your touch was so tender
It told me you cared

Nakarinig siya ng isang kumakanta sa hindi kalayuan. Sinundan niya ang tinig na narinig niya. Napatigil siya sa paglalakad nang makita niya ang isang lalaking nakatalikod at nagluluto. Wala itong suot na damit pero may apron naman. Naka-boxer short lang din ito. Kahit na nakatalikod ito ay halata ang magandang hubog ng katawan nito. Nakagat niya ang kanyang mga labi at lihim na napangiti nang makilala ang lalaki. Kahit hindi ito lumilingon sa kanya ay kilala niya ito.

In-enjoy na lang niya ang view at ang magandang boses nito habang naka-cross arm at nakasandal sa dingding ng kusinang iyon.

We had a once in a lifetime
But I just couldn't see
Until' it was gone
A second once in a lifetime
Maybe too much to ask
But I swear from now on

Nang makarating ang kanta sa chorus ay bumirit ito hawak ang sandok na panluto. Muntik na siyang matawa dahil muntik nang pumiyok ito sa taas ng koro na kinakanta.

If ever you're in my arms again
This time I'll love you much better
If ever you're in my arms again
This time I'll hold you forever
This time we'll never end

Pumalakpak naman siya sa sobrang tuwa. Hindi na kasi niya napigilang tumawa nang paulit-ulitin nito ang chorus at piliting maabot ang mataas na tono. Nakakunot na tumingin ito sa kanya.

"Gising ka na pala," sambit nito.

"Yes. Nakakabulabog kasi ang boses mo." Inikot niya ang kanyang mata. "My God, wala ka namang talent, pinipilit mo pa." Maganda naman talaga ang boses nito pero hindi nga lang nito kayang abutin ang mataas na tono ng kanta. Na-appreciate nga niya ang mensahe ng kanta nito pero gusto lang niya itong asarin.

"If that's a compliment then thank you," nakangiting sabi nito.

"Compliment? Ofcourse not! Iniinsulto kita at hindi pinupuri." Inirapan niya ito.

"Basta galing sa'yo hindi ako maiinsulto. Alam kong prangka ka lang at nagsasabi ng totoo. Wala naman talaga akong talent sa pagkanta, trying hard lang." Tumawa pa ito ng bahagya.

Umiwas siya ng tingin dito at tumalikod na. Ayaw niya ang kanyang nararamdaman. Para siyang natutuwa sa pagtawa nito samantalang dapat ay magalit siya dito. Dinala siya nito sa isang lugar ng wala man lang permiso galing sa kanya.

Pinigilan siya nito sa braso kaya naman tumigil siya sa paglalakad at tiningnan ito ng masama.

"Galit ka ba?" tanong pa nito sa kanya.

"Obvious ba? Sino ba sa tingin mo ang matutuwa sa ginawa mo? You kidnapped me," mataray niyang sabi sabay roll eyes.

"Hindi naman kita kinidnap. I mean, oo kinuha kita ng walang paalam pero hindi naman ibig sabihin kidnapped na ang tawag doon."

"Whatever!" Inikutan niya ito ng mata bago inihakbang ulit ang mga paa palayo rito. Sinundan naman siya nito.

"Look, I just saved you from danger."

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon