31: DEATH

37 1 0
                                    

Tulala si Zoey matapos ang ginawang pag-angkin sa kanya ni Don Guillermo. Hubad pa ang kanyang katawan na nakahiga sa kama at tila hinang-hina. Para siyang bumalik sa panahong una siyang ginalaw nito. Noong unang kunin nito nang sapilitan ang kanyang pagkababae. Ilang taon na ang nakakaraan.

"Don't act like you are still a virgin. Hindi bagay sa isang prostitute na katulad mo." Tumayo na ito at nagbihis ng damit.

Nilingon niya si Don Guillermo pero hindi siya nagsasalita. Nagtatanong ang kanyang mga mata kung paanong nalaman nito na naging isa siyang prostitute.

"I know that after you escape, you became a prostitute. I thought you don't want to be abuse but it seems that you became addicted to sex. Masarap ang sex 'di ba? Kaya hinanap-hanap mo iyon sa iba pero sana bumalik ka na lang sa akin. I am much better than them," sabi nito sabay tawa.

Inilapit pa nito ang mukha sa kanya at malapitang ngumisi sa harapan niya.

Nainsulto siya sa sinabi nito. Alam niyang hindi niya ginusto ang kanyang naging kapalaran. Tadhana ang nagdala sa kanya sa sitwasyong wala siyang pagpipilian kundi ang makipaglaro sa apoy.

Dinuraan niya sa mukha si Don Guillermo na ikinagalit nito. Malakas na sampal ang pinadapo nito sa kanyang mukha. Halos tumabingi ang kanyang mukha sa sobrang lakas niyon. Pero binalewala niya ang hapdi ng kanyang pisngi. Masama ang tingin na ipinukol niya rito. Isinusumpa niya ito sa kanyang isip. Kung makapagyarihan lang talaga ang isip, sana ay bumuwal na ito sa kanyang harapan.

"Don't be like a lion. Dahil kahit anong gawin mo, hindi mo ako kayang sakmalin. Isa ka lang pusa na dapat sumunod sa iyong amo. I am your master and you are my slave, remember that." Tinalikuran na siya nito.

Naiwan siyang nagngingitngit sa galit at poot sa lalaking nagdala sa kanya sa impyernong ito. Ikinuyom niya ang mga palad na nakagapos sa magkabilang board ng kama. Dahil sa kanyang pagwawala kanina, itinali siya ni Don Guillermo sa kama. Pati na rin ang kanyang mga paa. Inangkin siya nito sa ganoong katayuan.

"Makatakas lang ako dito, papatayin kita. Hayup ka!" sigaw ng kanyang isip. Kung paano niya gagawin iyon ay kailangan niyang pagplanuhan.

Nagising siya sa kaluskos na narinig niya sa pintuan ng kanyang kuwarto. Tila may nagbubukas niyon. Ipinikit niyang muli ang kanyang mga mata at hinintay lang niyang magbukas iyon. Pinakiramdaman niya ang paligid. Ibang amoy ng pabango ang kanyang naamoy. Hindi iyon kay Don Guillermo kaya naman idinilat niya ng kaunti ang kanyang mga mata at pasimpleng sinilip kung sino ang mapangahas na pumasok sa kanyang kuwarto. Pamilyar ang mukha nito ngunit hindi niya alam kung ano ang pangalan nito.

Ikinagulat niya ang presensiya nito. Nagtataka rin siya kung bakit ito naroon pero hindi siya nagtakang magtanong. Nagkunwa-kunwarian siyang tulog at pinakiramdaman kung ano ang sunod na gagawin ng lalaki.

Naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya. Hinaplos nito ang hita niyang walang saplot kundi ang kumot na ibinalot sa kanya ni Don Guillermo. Ni hindi man lang nag-abala ang don na pagbihisin siya matapos siyang angkinin. Hinayaan lang siya nitong walang saplot. Mabuti na lang at hindi gaanong malakas ang aircon ng kanyang kuwarto at medyo makapal ang kumot na ibinalot sa kanya kaya hindi siya masyadong giniginaw.

Hindi pa ito nakontento sa paghaplos sa hita niyang nababalutan ng kumot kaya naman dahan-dahan pa nitong iniangat iyon at ipinasok ang kamay sa loob ng kumot. Kinapa nito ang kanyang kaselanan. Napapitlag siya nang bigla nitong tusukin ng daliri ang kanyang hiyas. Dumilat siya at kitang-kita niyang nagulat din ito. Nagkatinginan sila.

"Sino ka? A-anong..." Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil bigla nitong tinakipan ang kanyang bibig.

"Huwag kang maingay," saway nito sa kanya pero pabulong.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon