50: HIDE

27 1 0
                                    

Yakap siya ni Dancel habang nakahiga sila sa kama. Nakatalikod siya dito at tahimik na umiiyak. Labis na pagsisisi ang nasa isip niya. Maraming sana ang naglalaro sa kanyang isip. Sana ay magkasama sila at masaya ni Gavin ngayon kung sumama lang siya rito. Sana ay hindi na niya ulit pa naramdaman ang magamit ng ibang tao ang kanyang katawan maliban sa totoong minamahal niya. Sana ay hindi pa huli ang lahat para sa kanila ni Gavin.

Ngunit paano nga ba siya makakatakas sa mga kamay ni Dancel? Sa oras na makasal sila ay hawak na siya nito sa leeg at wala na siyang kawala pa. Ayaw na niyang may humawak pang muli sa leeg niya. Gusto na niyang totoong maging malaya. Ayaw niyang makasama panghabang buhay ang lalaking ito na sumira sa kanya.

Narinig niya ang paghilik ni Dancel tanda na malalim na ang tulog nito. Unti-unti niyang inalis ang braso nito sa pagkakayakap sa kanya. Pinulot niya isa-isa ang kanyang mga saplot. Ilang ulit rin siyang ginamit nito bago ito nakatulog ng mahimbing. Marahil sa sobrang pagod nito.

Inilagay niya sa basket ng malibag na damit ang mga damit na pinulot niya. Dahan-dahan siyang nagbukas ng closet at naghanap ng pamalit na damit. Kumuha siya ng black thites pants at isang blouse. Kumuha rin siya ng panty at bra na pamalit sa nasira kanina ni Dancel. Doon na siya nagpalit ng damit. Hindi na niya nagawa pang hugasan man lang ang kanyang katawan. Kailangan kasi niyang magmadali. Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon sa lalong madaling panahon. Habang hindi pa gumigising si Dancel.

Nilingon niya ito matapos niyang magbihis. Natutulog pa rin ito. Dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa kama. Nakita niya ang isang baril na nakapatong sa side table ng kama. Baril iyon ni Dancel. Ang baril niya ay nasa kanyang bag at naiwan niya iyon sa kotse ni Dancel.

May masamang balak na biglang tumakbo sa kanyang isip habang nakatitig sa hubad na katawan nito at sa baril na nasa tabi nito. Binubulong ng kanyang isip na tapusin na niya ang buhay nito habang natutulog ito.

Dinampot niya ang baril at itinutok kay Dancel. Tinitigan niya ito ng masama. Galit ang bumabalot sa kanyang puso dahil sa kapangahasan nito. Isang kalabit lang at tapos na ang buhay nito. Ngunit naramdaman niya ang panginginig ng kanyang mga kamay habang hawak ang baril na nakatutok rito. Sumagi pa rin sa isip niya ang naging kabutihan nito sa kanya noon. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa nito sa kanya ang kababuyang iyon.

Pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Hindi pa rin siya kasing kasama ng mga taong ito na kayang pumatay ng taong walang kalaban-laban. Nagpasya siyang ibaba ang baril at ibalik iyon sa kinalalagyan nito.

Kinuha na lamang niya ang pantalon ni Dancel na nakakalat sa sahig at hinanap roon ang susi ng kotse nito. Kinuha niya iyon at dahan-dahan siyang lumabas ng bahay. Tinungo niya ang kinaroroonan ng kotse ni Dancel at sumakay siya roon. Gamit ang susi nito ay pinaandar niya iyon. Salamat sa pagiging Candice niya, alam na niya maging ang pagmamaneho. May sarili naman siyang kotse ngunit hindi na niya iyon nadadala mula ng lagi na niyang nagiging buntot si Dancel kahit saan siya magpunta.

Tinahak niya ang madilim na daan paalis ng lugar na iyon. Isa lang ang lugar na nasa isip niya ngayon. At iyon ang pupuntahan niya.

Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan. Wala pang traffic dahil madaling araw pa lang. Madali siyang nakarating sa bahay ni Chelsea. Ito lang ang naisip niyang tao na puwedeng tumulong sa kanya. Hindi naman niya puwedeng puntahan si Gavin, nahihiya siya dahil sa pagtataboy niya rito noon.

Kinatok niya ang pinto ng bahay ni Chelsea. Walang nagbubukas niyon. Naalala niyang madaling araw palang at baka nasa Desire's Place pa ito. Nagpasya siyang magtungo sa Desire's Place.

"Z-Zoey? Ikaw ba iyan?" gulat na tanong ni Aloha nang makita siya. Hindi ito makapaniwala na ibang-iba na ang kanyang itsura. Matagal rin siyang hindi nakita nito. Halos isang taon rin siyang nawala. At mahigit nang isang taong hindi nagtatrabaho dito mula ng tubusin siya ni Gavin mula rito.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon