"Napasarap yata ang kuwentuhan ninyo ni Nanay Celia a," sabi ni Gavin nang makarating siya sa bahay.
"Medyo lang. Masaya kasing kausap si Nanay Celia. Marami siyang kuwento," aniya pero hindi naman masigla ang kanyang boses. Dire-diretso din siyang naupo sa mahabang silya at tumabi kay Gavin na nanonood ng telebisyon.
"Mukha hindi ka naman masaya," pansin naman ni Gavin. Sumulyap pa ito sa kanya at pinagmasdan ang kanyang mukha.
"Napagod lang siguro ako," pagsisinungaling niya at ngumiti nang tipid. Sumandal siya sa dibdib ni Gavin at ipinikit ang mga mata.
Hinaplos naman ni Gavin ang kanyang buhok. "Alam kong nag-aalala ka pa rin sa napanood mong panawagan ng Dancel na iyon pero huwag kang mag-alala dahil hindi niya tayo matutunton dito."
"Sana nga," iyon lang ang kanyang sinagot bago bumuntong hininga. Pilit pa rin niyang kinakalma ang sarili. Hindi na lang si Dancel ang inaalala niya ngayon kundi pati na rin si Don Guillermo. Hindi niya maunawaan kung bakit nga ba kayliit ng mundo para sa kanila. Bakit sa dinadami ng lugar sa mundo ay dito sila dinala ng kapalaran? Hindi ba puwedeng malayo na lang sa nakaraan?
"Gavin," sambit niya sa pangalan ng binata pagkatapos niyang tingalain ito. Nakasandal pa rin ang kanyang katawan sa binata.
"Hmmm?" tugon nito na hindi inaalis ang mga mata sa pagtutok sa telebisyon.
"Kung umalis na kaya tayo dito?" suhestiyon niya.
Tumingin naman ito sa kanya na nakakunot ang noo. "Bakit naman?"
"Basta. Ayoko na sa lugar na ito," aniya.
"Pero maayos naman ang pakitungo sa atin nina Nanay Celia at Tatay Tasyo at isa pa, hindi naman nila alam ang tunay nating pagkatao. Kaya anong pinag-aalala mo?"
Tumayo naman siya at naglakad nang pabalik-balik. Iniisip niya kung anong isasagot sa binata at kung paano ito kukumbinsihin. Tumigil siya sa tapat nito. Nakatingin lang ito sa kanya at naghihintay ng kanyang sagot.
"Hindi naman habang buhay, makakapagtago tayo sa katauhan ng ibang tao. Ibig kong sabihin, kahit ilang beses pa tayong magbago ng pangalan, hindi pa rin imposibleng hindi nila tayo matatagpuan. Napakaliit ng mundo lalo na ang Pilipinas," paliwanag niya.
"Malayo na ang Nueva Ecija sa Alabang pati na rin sa Quezon. Hindi na nila tayo matutunton dito." Bahagyang tumaas ang boses ni Gavin at tila naging iretable.
"Paano mo ipapaliwanag iyong nakita tayo at sinundan ni Marriz? Tao siya ni Dancel. Ang layo na nga nitong Nueva Ecija pero nakita pa rin niya tayo!" Tumaas na rin ang boses niya. Ramdam na niya ang tensiyon sa pagitan nila ni Gavin. Ramdam niyang naiinis na ito sa kanya at hindi niya maiwasang maramdaman din ang ganoon sa binata.
"Natakasan naman natin siya hindi ba?"
"Hanggang kailan tayo makakatakas?"
"Hanggang kaya kitang protektahan," seryosong sabi nito na nakatingin nang direkta sa mga mata niya.
Hindi siya nakaimik pero nag-cross arm siya at inikot ang mga mata. Nadidismaya siya dahil hindi niya magawang kumbinsihin si Gavin na umalis na lang sa lugar na ito na alam niyang kaya silang matagpuan ng dalawang taong naghahanap sa kanila.
"You are being paranoid again," anito sa kanya na lalo naman niyang kinainis.
"Paranoid? Alam mo ang pinagdaanan ko at hindi iyon madali! May rason ako kung bakit napa-paranoid ako! I had trauma!"
"Kaya nga inilayo kita sa kanila para mawala ang trauma mo pero kahit gaano tayo kalayo, kung lagi mo pa rin silang iisipin; hinding-hindi tayo magiging masaya!" Nagmartsa ito papasok ng kuwarto at iniwan siya.
BINABASA MO ANG
Untold Story Of The Billionaire's Escort
RomanceMatagal nang prostitute si Zoey kaya naman sanay na siyang binabastos lang ng mga lalaki. Wala lang iyon sa kanya. Sanay na siya! Kaya naman niyang ibigay ang katawan niya sa kahit sinong lalaki basta may katumbas na halaga pero nagbago ang pananaw...