22: COMPLICATED

38 1 0
                                    

Idinilat ni Zoey ang kanyang mga mata. Pinunasan pa niya ang konting laway na tumulo sa kanyang pisngi. Pakiramdam niya ay napahaba ang kanyang tulog. Napansin niyang nakatigil na ang sasakyan ni Mang Damian sa isang squatter's area at kung hindi siya nagkakamali, nasa Tondo sila.

Bumangon siya at inikot niya ang paningin sa paligid. Napansin niya ang maraming tao na may kanya-kanyang kumpulan. Mga batang naglalaro at naghahabulan sa daan. Mga nanay na nagti-tsismisan habang naglalaro ng bingo at mga kalalakihang malalakas din magkuwentuhan habang nag-iinom ng alak. Katanghaliang-tapat pero ganoon ang kanilang ginagawa. Nailing na lamang siya.

Bumukas ang kotse at sumilip mula roon si Mang Damian.

"Gising ka na pala, hija. Hindi na kita ginising dahil mukhang pagod na pagod ka," nakangiting sabi nito.

"Nasaan po tayo?" tanong niya.

"Ah, nandito tayo sa lugar namin. Naisip kong patuluyin na lamang kita sa bahay ko. Wala naman kasi akong maisip na lugar kung saan puwede kitang dalhin e." Napakamot pa ng ulo ang matanda.

"Ah ganoon po ba? Ayos lang po," nakangiting tugon niya.

"Tara na?" aya nito sa kanya. Tumango naman siya at bumaba ng taxi.

Naglakad sila sa isang makipot at sala-salabat na daan. Malayo pa ng kaunti ang bahay ni Mang Damian mula sa kung saan naka-park ang taxi nito. Bawat nadaanan nilang tao ay binabati si Mang Damian. Mukhang marami itong kakilala at popular ito sa lugar na iyon.

"Damian, kumusta? Aba! At may maganda kang kasama. Pamangkin mo?" tanong ng lalaking nasa singkuwenta na ang edad at may kaputian na ang buhok. Nakahubad din ito at nakabuyangyang ang malaki nitong tiyan.

"Hindi pare, girlfriend ng amo ko," sagot naman nito.

"Ah ganoon ba? Kas'werte naman ng amo mo. Kaganda at ka-sexy ng girlfriend." Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa. Halata sa mga mata nito ang pagnanasa. Hindi na niya ipinagtataka iyon. Halos lahat nang makakita sa kanya ay nagnanasa sa kanyang katawan kahit na nga hindi naman ito nakabuyangyang.

Ang totoo, simple lang ang kanyang damit at hindi gaanong sexy. Naka-blouse lang siya na may floral design na kulay pink, pantalong maong na medyo fit sa kanya at flat na doll shoes na kakulay ng kanyang damit. Nakatago ang kanyang mapuputing hita.

"Oo kaya huwag mo nang pag-interesan pa kung ayaw mong mamatay nang maaga," biro ni Mang Damian dito.

"Grabe naman. Killer ba ang amo mo?" sabi naman nito na medyo nahintakutan.

"Hindi pero kapag ginalaw ang girlfriend niya, papatay iyon ng tao."

Natawa naman siya sa biro ni Mang Damian at sa naging reaksiyon ng kausap nito.

"O sige na nga mauna na ako sa inyo. Baka mamatay pa ako sa pagtingin lang sa girlfriend ng amo mo." Umalis na ito at iniwan na sila.

Nagpatuloy naman sila sa paglalakad. Sandali lang ay narating na nila ang isang maliit na barong-barong. Iilan lang ang hollowblock na nakapalibot sa bahay nito at wala pang takip ang bintana kundi manipis at lumang flywood. Detachable pa nga yata iyon. Nababalot lang ng trapal ang halos kalahati ng bahay nito. Ang poste nito ay kahoy lang din at may bubong naman pero halatang luma na.

"Pasok ka, hija," anito at nauna nang pumasok sa loob. "Pasensiya na sa maliit at medyo marumi naming bahay."

"Ayos lang po," nakatinging tugon niya saka inihakbang ang paa papasok sa loob.

Maliit lang din ang kabuuan ng bahay. Pagpasok palang sa pinto ay naroon na ang katreng tulugan. Bumungad na agad sa kanila ang nakahigang dalagita sa katre. May kapayatan ito at mukhang may sakit. Bumangon ito pagkakita sa kanila.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon