37: HEALED AND TRANSFORMED

37 1 0
                                    

"How's you feeling?" nakangiting tanong sa kanya ni Dancel.

Sinuri nito ang kanyang mga mata gamit ang maliit na flashlight bago naupo sa harapan niya. Nakatayo naman sa likod nito ang isa pang doctor na kasama rin nito noon.

"I'm fine," tipid ngunit nakangiti rin niyang tugon.

Ilang buwan na mula nang makuha siya ni Dancel mula sa kalsada. Dinala siya nito sa mental hospital na pinagtatrabahuhan nito at ng ama nito. Dito siya nito ginamot at nag-undergo siya ng theraphy. Sa tulong nito, unti-unti nang bumabalik ang kanyang katinuan. Sinabi nito sa kanya na mapalad pa rin siya dahil hindi nagtagal ang pagkawala niya sa sarili.

She only had a mild trauma that made her out of her mind.

"Are you ready to tell me what happen to you and how you had a trauma?" tanong sa kanya ni Dancel matapos siyang pakalmahin nito. Nakaupo siya sa silya paharap dito at sinusubukan niyang iklaro ang kanyang pag-iisip. Maayos na ang kanyang pakiramdam matapos siyang painumin nito nang pampakalma at mga gamot na nakakatulong sa kanya upang umayos ang kanyang pag-iisip.

"Don't be scared to tell me. Think that I am your friend who are willing to listen to you." Kita niya sa mga mata nito ang sinseridad sa pagtulong sa kanya.

Tumango siya nang marahan. Huminga siya nang malalim upang humugot ng lakas ng loob para i-confess ang lahat sa kanyang psychiatrist.

"Okay! First, you have to answer my few questions about yourself okay?" anito sa kanya na may binuklat na folder sa harapan niya. Mayroon din itong ballpen na hawak.

Tumango naman siya.

"What is your name?" tanong nito.

"Zoey Lorraine Atienza," tugon niya.

Isinulat naman nito ang impormasyong sinabi niya sa folder na hawak nito.

"Where do you live?" tanong ulit nito sa kanya.

"Alabang," tipid niyang sagot.

"Alabang? Malayo na ito dito a."

"Bakit? Nasaan ba ako ngayon?" kunot noong tanong rin niya.

"You are in a mental hospital located here in Quezon Province."

"Ang layo pala ng pinagdalhan sa akin ng demonyong iyon," naisaloob niya.

Mula nang bumalik ang dati niyang pag-iisip, alam na niyang nasa isang mental institution siya ngunit hindi lamang niya alam kung saan ang eksaktong lugar iyon.

"Anyway, paano ka napunta sa kalye kung saan kita nakita?" tanong pa nito sa kanya habang nagsusulat sa folder na hawak nito.

"Wala ako sa sarili noon pero sa tingin ko, doon ako iniwan ng lalaking umabuso sa akin." Nag-igting ang mga panga niya sa galit habang sinasalamin ang mukha ni Don Guillermo sa kanyang isip. Matindi ang galit sa puso niya pero nakokontrol na niya iyon ngayon

"You are a rape victim?" Biglang nagsalubong ang dalawang kilay nito at tumitig sa kanya. Wari ay sinisiguro ang narinig.

"A rape and totally abuse victim. Ginawa akong sex slave. Napakasama niya. Isa siyang demonyo!" mariing sambit niya. Nanlilisik ang kanyang mga mata sa sobrang galit at naikuyom niya ang kanyang kamao.

"Try to relax," paalala sa kanya ni Dancel.

Bumuntong hininga naman siya nang malalim para kalmahin ang sarili bago muling nagsalita.

"Ikinulong niya ako sa bahay niya nang mahabang panahon. Ginamit nang paulit-ulit ang katawan ko. Hindi pa siya nakontento, ipinalaglag niya ang bata sa sinapupunan ko." Tumulo ang luha sa kanyang mga mata sa sobrang hinagpis nang maalala ang ginawang sapilitang pagpapalaglag nito sa kanyang anak. Ngunit pinahid niya agad ang luhang iyon. Nais niyang magpakatatag.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon