27: SACRIFICE VS SUFFERING

39 1 0
                                    

"Zoey, mag-ingat ka dito ha? Kung may problema, tawagan mo ako okay?" ani Gavin matapos makapagbihis. Naka-polo shirt lang ito na pinatungan ng jacket at pantalong maong.

"Kailangan mo ba talagang pumunta pa sa mission na iyon?" nag-aalalang tanong ni Zoey sa kanya.

Ngumiti naman ito nang tipid at hinawakan siya sa kanyang pisngi at hinaplos iyon. "I have no choice. It was my father's command."

Yumuko siya. Bumakas ang lungkot sa kanyang mukha. Tanging tumatakbo sa kanyang isip ay hawak sila ni Don Guillermo at wala na silang ligtas kahit ano pa ang kanilang gawin.

Itinaas naman ni Gavin ang kanyang baba at tinitigan siya sa mga mata.

"Just give me a little more time. Lalayo na tayo at talagang magbabagong buhay."

"Pero hindi ba puwedeng ngayon na tayo lumayo?"

Ang totoo natatakot siya sa maaaring gawin ni Don Guillermo hindi lang sa kanya kundi kay Gavin. Natatakot siya na isa sa mga misyon ni Gavin ang babawi ng buhay nito. Kilala niya si Don Guillermo, madali lang dito ang gumawa ng kuwento. Katulad lang din nang pagsasabi nito na nagpakamatay ang asawa kahit ang totoo ay pinatay nito iyon. At kung hindi siya nakatakas, malamang na isa na rin siyang bangkay ngayon.

"Sa oras na malaman ko kung paano namatay ang Mama ko, gagawa ako nang paraan para matapos na ang kademonyohan ng ama ko." Kitang-kita niya sa mga mata ni Gavin ang determinasyon na makuha ang hustiya para sa ina.

"Gavin, paano kung..." Hindi niya kayang ituloy ang sinasabi. Tila nagkaroon ng bara sa kanyang lalamunan. Napalunok na lamang siya.

"Say it," pangungumbisi naman ni Gavin habang nakatitig sa kanyang mga mata.

Hindi naman niya kayang tingnan nang matagal ito sa mga mata kaya't umiwas siya ng tingin.

"Wala. Huwag mo na lang intindihin. Basta, mag-ingat ka."

Tumango naman ito at dinampian siya ng halik sa labi. "Mag-lock ka ng pinto. I'll call you if I get home, okay?"

Tumango rin siya at pinagmasdan na lamang si Gavin habang papalabas ito ng bahay. Saka lamang niya napakawalan ang malalim na buntong hininga nang mawala ito sa kanyang paningin. Sakto namang tumunog ang kanyang cell phone. Kinuha niya iyon sa lamesa na pinagpapatungan nito at tiningnan kung sino ang nag-text.

Lucifer. Iyon ang naka-register sa kanyang numero. Isinave ni ang number ni Don Guillermo para alam niya kung sinong unknown number ang nagte-text o tumatawag sa kanya. Lumunok siya ng laway bago binuksan ang message na naroon.

Lucifer: Come outside.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang sumilip siya sa labas. Dahil wall glass ang kanilang dingding ay kitang-kita niya ang kotseng itim na nakaparada sa tapat ng kanilang bahay. Kilalang-kilala na niya ang kotseng itim na iyon na pagmamay-ari ng don. Biglang nanlamig ang kanyang buong katawan at dumagsa ang kaba sa kanyang dibdib. Kinuyom niya ang kanyang mga palad at muling bumuntong hininga. Kailangan niyang lakasan ang kanyang loob.

"Ano na naman kayang gusto ng lalaking ito?" naisaloob niya.

Nagpasya siyang lumabas at puntahan ito. Kinatok niya ang bintana ng kotse. Sa halip na buksan ang wind shield ay bumukas ang buong pinto. Sinenyasan siya ni Don Guillermo na pumasok sa loob. Agad naman niyang sinunod ito. Nakasimangot siya nang harapin ito.

"Ano na naman bang kailangan mo?" matapang niyang sabi rito.

"Maniningil ako ng utang," sabi nito sabay ngisi.

"Anong utang ang sinasabi mo?" Kumunot ang kanyang noo. Hindi niya maintindihan ang tinutukoy nito.

"Nakalimutan mo na ba? May usapan tayo. Katawan mo para sa kaligtasan ni Gavin."

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon