77: SAFE HOUSE

33 1 0
                                    


Mas binilisan pa ni Mang Damian ang pagmamaneho ngunit nakasunod pa rin ang itim na kotse ni Dancel sa kanila. Halata sa mukha ni Mang Damian na ninenerbiyos na rin ito. Nanginginig ang mga kamay nito sa ibabaw ng manibela habang nakatutok ang mga mata sa kalsadang tinatahak nila. Mabuti na lamang at walang masyadong sasakyan kaya't mabilis nilang natatahak ang daan ng walang sagabal.

Panay pa rin ang lingon ni Zoey sa likurang bahagi ng sasakyan. Kasing bilis ng sasakyan ang tibok ng kanyang puso. Halos pigilan na niya ang kanyang paghinga sa sobrang kabang nararamdaman. Panay ang usal ng kanyang isip na sana ay hindi sila maabutan ng kotse ni Dancel.

Ilang metro na lamang ang pagitan ng mga kotse. Mas hinigpitan pa niya ang hawak kay Gavin na para bang ito na lang ang nag-iisang makakapitan niya.

"Maaabutan na niya tayo," nag-aalalang sabi niya.

Sa halip na sumagot ay pinisil lamang ni Gavin ng bahagya ang kanyang mga kamay na tila sinasabing kumalma lamang siya. Binalingan ni Gavin si Mang Damian at sinenyasan.

"Ako na po ang magmamaneho," sabi naman ni Gavin saka mabilis na lumipat sa driver's seat. Atubili naman si Mang Damian pero napapayag na rin ito. Lumipat ito sa passenger's seat. Naiwan naman siya sa likuran kaya naman lalo lumakas ang kanyang kabog ng kanyang dibdib. Wala na siyang makapitan kundi ang upuan sa likurang bahagi ni Gavin.

"Natatakot ako," usal niya.

"Huwag kang mag-aalala. Hindi ka niya makukuha ulit sa akin. Ako ang bahala sa'yo."

Bahagyang napanatag naman ang kanyang loob sa sinabi ni Gavin ngunit ikinagulat nila ang biglang pagbunggo ng kotse sa likuran nila. Halos masubsob siya sa unahang bahagi ng kotse. Tumama pa ang kanyang ulo sa upuan ng driver seat. Bahagya siyang nakaramdam ng pagkahilo. Nasapo niya ang kanyang ulo.

"Hayop ka! Ibalik mo sa akin si Candice!" gigil na sigaw ni Dancel. Nakatapat na ito sa kanilang sasakyan.

Nilingon naman ito ni Gavin at tiningnan ng masama.

"Siraulo ka! Walang Candice dito!" sagot naman ni Gavin na lalong ikinais ni Dancel. Muli nitong binangga ang kanilang sasakyan dahilan para ma-out of balance sila at mapapunta sa gilid ang sasakyan.

Hindi naman nagpatalo si Gavin. Ikinabig din nito pakanan ang kotse at binangga ang kotse ni Dancel. Nagbanggaan ang dalawang sasakyan. Malalakas ang bawat pagtama nito at rinig na rinig ang pagkayupi ng mga sasakyan.

Muling kinabig ni Gavin ang sasakyan at nagpa-out balance sa sasakyan ni Dancel. Dahilan din para magkaroon ng pagkakataon si Gavin na mailayo ang kotse sa pagitan ng kotse ni Dancel. Gigil pang tinapakan ni Gavin ang selinyador upang mas mapabilis pa ang takbo ng kanilang sasakyan. Bahagya silang nakalayo sa kotse ni Dancel pero hindi pa rin ito tumitigil sa paghabol sa kanila. Nagpapaputok ito ng baril na ikinagulat ni Zoey.

"Aaaaahhh!" Malakas ang naging sigaw niya kasabay ang pagtatakip ng mga tenga at pagyuko dahil sa malakas na putok ng baril na tumama sa likuran ng kotse. Nanginginig na siya sa sobrang takot na baka matamaan sila.

"Buwisit na lalaking iyan. May balak pa tayong patayin," inis na sabi ni Gavin.

Muli namang nagpaputok si Dancel ng baril pero hindi iyon tumama sa kanilang kotse. Nakakaiwas naman kasi si Gavin. Kapag alam nitong magpapaputok ang lalaki ay iniiwas nito ang sasakyan sa ibang direksiyon.

May kinuha si Gavin sa may glove compartment na nasa harapan ng kotse nito. Inabot nito iyon sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata na tinitigan lamang niya iyon.

"Paputukan mo ang gulong ng sasakyan niya," utos ni Gavin sa kanya. Nakatutok pa rin ang mata nito sa kalsada at abala pa rin ito sa pagpapatakbo ng mabilis sa sasakyan.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon