25: GOLDEN HEART

43 1 0
                                    

Masayang dumating si Gavin na dala-dala ang mga pinamiling grocery. Isa-isa nitong ipinapasok ang mga iyon sa loob ng kanilang bahay. Nakatingin lang si Zoey sa binata at napakalalim ng kanyang iniisip.

Hindi pa rin maalis sa kanyang isip ang pangba-blackmail na ginawa sa kanya ni Don Guillermo at pagpayag niyang panghahalay na ginawa nito sa kanya. Alam niyang kayang totohanin ni Don Guillermo ang sinabi nito. Kayang-kaya nitong patayin ang sariling anak. Nagawa na nito iyon sa sariling asawa kaya imposibleng hindi nito magawa iyon sa sariling anak. Ayaw niyang mamatay si Gavin. Hindi niya kaya!

Hindi rin maalis sa isip niya ang koneksiyon ng necklace na may susing pendat na hawak niya sa ebidensiyang tinutukoy ni Don Guillermo. Ni hindi niya alam kung saan niya gagamitin ang susing iyon at kung anong mahalagang kahon ang tinutukoy ng ina ni Gavin na paggagamitan niyon. Hindi rin niya alam kung nasaan ang kahon na tinutukoy nito.

Sunod-sunod siyang umiling upang alisin sa isip ang mga inaalala. Ipinagtaka ni Gavin ang kanyang reaksiyon. Nagtataka ito kung bakit siya naiiling at tila malalim ang iniisip. Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa kanyang balikat. Bahagya pa siyang nagulat sa ginawa nito.

"Is there anything bothering you?" nag-aalalang tanong nito.

Hindi naman niya alam ang isasagot. Hindi siya makatingin sa mga mata nito. Hindi niya alam kung paano sasabihin ang nangyari.

"Naiinip ka na ba dito sa bahay? Gusto mong mag-bonding tayo sa labas?" masiglang tanong nito. Niyakap pa siya nito patalikod. Para bang pinapagaan lang nito ang mabigat na tensiyon sa kapaligiran.

Tipid siyang ngumiti at saka tumango. Baka nga makatulong iyon sa maraming bagay na tumatakbo sa isip niya. Kailangan muna niyang pagpagin ang mga alalahanin niya at magpakasaya kasama si Gavin.

"Sige, magbihis ka na. Hihintayin kita." Bumalik ito sa kusina at tinapos na ayusin ang mga pinamili.

Nagmadali naman siyang umakyat ng kuwarto at nagbihis. Nakapaligo na siya kanina pag-alis ni Don Guillermo kaya naman nagbihis na lamang siya. Isang floral dress ang napili niyang isuot. Simple lang iyon pero fit sa kanyang katawan. Medyo mababa rin ang neckline nito kaya kita pa rin ang malulusog niyang dibdib. Hanggang tuhod niya ang haba niyon.

"You look gorgeous in that dress," papuri nito sa kanya saka hinawakan siya sa kamay. Umikot naman siya hawak ang laylayan ng kanyang suot na damit. Yumukod pa siya sa harapan ni Gavin na gaya ng isang prinsesa.

"Thanks," sabi pa niya saka lumapit kay Gavin.

"Let's go." Inalok nito ang braso at doon siya umabrisyete.

Masaya silang lumabas ng bahay at tinawag si Mang Damian na nasa may garahe at abala sa pagpupunas ng kotse. Personal driver na ito ni Gavin ngayon. Madalas na ito sa bahay nila. Kung walang lakad ang dalawa ay suma-sideline pa rin ito bilang taxi driver. Katwiran nito, mas mabuti na ang maraming sideline para hindi nauubusan.

"Saan po ang lakad natin?" tanong ni Mang Damian.

"Sa Caviar restaurant po, Tay." Binuksan nito ang back seat para sa kanya at doon siya naupo. Tinabihan rin siya nito. Sumakay na rin si Mang Damian at pinaandar na ang kotse. Ilang minuto lang ay narating nila ang lugar na iyon.

Isa ang Caviar sa ipinagmamalaking kayamanan ng Alabang. Sa labas palang ay nakakaengganyo nang pumasok dito. Ang kapaligiran ay sopistikado. Ang panloob nito ay kahanga-hanga ngunit hindi napakalaki. Malinis at nakaayos ang mga magagarang upuan at lamesa para sa mga costumer.

Pagpasok pa lang nila sa loob ay sinalubong na sila ng waiter at iginiya sa bakanteng upuan malapit sa glass wall na naka-reserved na pala sa kanilang dalawa. Mukhang pinagplanuhan na iyon ni Gavin bago palang sila magpunta roon.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon