SPECIAL CHAPTER: BACKSTORY

44 1 0
                                    


Nakatingin sa kawalan si Don Guillermo habang may hawak na wine glass na may lamang alak sa kanyang kamay. Natayo siya sa may terrace ng kanyang bahay. Lagi niyang iniisip kung bakit nga ba siya naging ganito kalupit at kademonyo. Hindi naman siya dating ganoon noong una silang magkakilala ni Selena, ang ina ni Gavin.

They are in the same school in high school and in college. Pinag-aaral kasi si Selena ng kanyang mga magulang. They have charities at isa si Selena sa mga mapalad na natulungan nito. Unang kita palang niya kay Selena ay nagandahan na siya sa babaeng ito. Simple lang ang gandang mayroon si Selena pero sadyang nakakaakit. Matalino rin ito kaya naman kapag may mga subject siyang hindi alam ay nagpapaturo siya rito. Mabait si Selena kaya tinutulungan siya nito. Kaya lang na-misenterprent niya ang pagiging mabait nito. Ang akala niya ay may gusto rin sa kanya si Selena.

Hindi naman malabong mangyari iyon dahil hindi lang siya basta mayaman, nuknukan siya ng guwapo na tipong lahat ng babae ay nagkakandarapa sa kanya. Pinapatulan niya ang mga babaeng nagpaparamdam ng pag-ibig sa kanya pero pinaglalaruan lang niya ang mga ito. Alam kasi niyang si Selena lang ang talagang gusto niya dangan nga lang at hindi sila puwede. Hindi pinapahintulutan ng mga magulang niya na magkagusto siya sa mas mababang uri sa kanya. Hindi sa mapagmataas ang mga ito kundi nais lang ng mga ito na ang makatuluyan niya ay isang nasa mayamang pamilya rin.

Isang araw, nalaman niya mula sa kaibigan ni Selena na may nobyo na ito. Biglang nagbago ang pakitungo niya kay Selena. Naging overprotective siya dito na ipinagtaka ng babae.

"Bakit hindi ako puwedeng lumabas?" nagtatakang tanong ni Selena. May date sila ng boyfriend niya noong oras na iyon pero hindi niya pinayagan ito.

"Basta. Hindi ka puwedeng lumabas. Maraming masasamang tao ang nasa labas baka mapahamak ka lang."

Tumawa naman ito. "Kailan pa naging concern sa akin ang Mr. playboy ng campus?"

"Playboy? Sinong playboy? Stick to one lang ako."

Lalong lumakas ang tawa ni Selena.

"Stick to one? Papalit-palit ka kaya ng girlfriend."

"Oo nga pero isa lang ang babae sa puso ko."

"Woah! Talaga?" hindi makapaniwalang sambit ni Selena. "Aba! May nagpatibok rin pala diyan sa mapaglaro mong puso."

"Oo naman. Matagal na."

"At sino naman kaya ang malas na babaeng iyon?" biro pa nito.

"Ikaw," seryosong sambit niya habang nakatitig sa mukha ni Selena.

Hindi agad nakaimik si Selena. Nakatitig lang ito sa mukha niya. Hindi ito makapaniwala sa narinig mula sa bibig niya. Lumapit naman siya rito at kinabig si Selena sa bewang nito at walang pag-aalinlangang siniil niya ng halik ang mga labi nito. Itinulak naman siya ni Selena at biglang sinampal. Nagulat siya sa ginawa nito. Wala pang babae ang nagtakang sumampal sa kanya lalo na kapag hinahalikan niya. Si Selena pa lang!

"What's wrong?" nagtatakang tanong niya. Hindi niya akalaing ikagagalit nito ang kanyang ginawa.

"What's wrong? Tinatanong mo ako kung anong mali? Mali ang ginawa mo. May boyfriend na ako kaya hindi mo ako dapat hinalikan," galit na sabi nito.

Biglang nag-init ang ulo niya at mariin niyang hinatak ang braso ni Selena at matalim ang tingin niya rito. Napadaing naman ito.

"Nasasaktan ako, Guill," sambit nito.

"Tandaan mo ito, walang ibang magmamay-ari sa'yo. Ako lang. Sa akin ka lang!" Binitiwan niya ito at iniwan.

Sinubukan ni Guillermo na paghiwalayin si Selena at ang nobyo nito. Pinabugbog nito ang nobyo nito at binantaang huwag nang magpapakita pa kay Selena. Labis naman ang naging lungkot ni Selena na walang alam sa kanyang ginawa. Dinamayan niya ito habang ito ay umiiyak sa sala.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon