Dismayado si Gavin nang umuwi sa kaniyang bahay. He thought that he already succeed when Zoey kissed him back at the elevator. Pero ngayon, para naman itong tigre na nangangagat. Nasapo niya ang labi ng dumugo kanina at ngayon ay may maliit na sugat. Medyo mahapdi pa iyon ngayon.
"I know you are Zoey," sambit niya kahit wala siyang kausap. "Mapapaamin din kita."
Desidido siya na paaminin ito sa pamamagitan ng feelings nito sa kanya. Alam niyang mahal siya ni Zoey at hindi nito makakalimutan ang pagmamahal na iyon nang ganoon kadali. Ang halik niya ang magpapaalala ng tamis ng kanilang pag-iibigan noon. Ngunit kung hindi iyon uubra, kailangan niyang ligawan ito.
I know even Candice Smith can't resist his charm.
Hindi siya titigil hanggang mahulog ito sa kanya. Gagawin niya ang lahat upang mapalapit dito.
Kinuha niya ang cell phone at idinayal ang numero ng isang flowershop. Nagpa-deliver siya ng isang dosenang bulaklak sa opisina nito. Sinabihan din niya ang may-ari ng flowershop na lagyan iyon ng dedication na, "Remember me with my kisses."
Ilang minuto ang lumipas bago nag-update ang flowershop na nai-deliver na nito ang mga bulaklak. Napangiti naman siya.
Maya-maya pa ay biglang tumunog ang kanyang cell phone. Rumehistro doon ang numero ni Candice.
"Sabi ko na nga ba, hindi mo ako matitiis," mapang-asar na sabi niya.
"Hoy Mr. Jameson! Hindi ako tumawag sa'yo para sabihing nami-miss kita kundi sabihin sa'yo na tigilan mo na ako."
"That's not what your heart says."
"Ano bang alam mo sa sinasabi ng puso ko ha?"
"I know that your heart still loves me."
"Nababaliw ka na."
"Yeah, I am madly in love with you."
"No. You are not in love with me. You are just obsessed with your late girlfriend and you think that she was me. I am sorry but please stop your hallucination. I will not be her."
Hindi agad siya nakasagot sa sinabi nito. Nakaramdam siya ng pagkainsulto sa sinabi nito.
"She is not dead. I know that she lives in you and you are her. Huwag mo nang pahirapan pa ang sarili mo. Aminin mo nang ikaw si Zoey."
Hindi agad nakasagot ang nasa kabilang linya. Narinig pa niyang bumuntong hininga ito.
"This conversation was nonsense. Goodbye, Mr. Jameson."
Nawala na ito sa linya. Naihagis naman niya ang kanyang cell phone sa sobrang inis. Napakailap talaga nito at talagang matigas ang paninindigan nito na magpanggap na ibang tao. Basta naninindigan din naman siya na si Zoey ito kaya gagawin pa rin niya ang lahat para suyuin ito.
Almost everyday pa ring nagpapadala ng bulaklak si Gavin kay Zoey. Halos mapuno na ang buong opisina niya kahit ang condo unit niya. Iba't ibang note din ang kasama niyon. May sweet noting gaya ng,
"You're beauty shines every morning."
"I love you since the very first time I saw you."
"I still love you."
"I will love you forever."
Napailing na lang siya habang nakatingin sa mga bulaklak na nakapaligid sa kanya. Hindi talaga niya maawat si Gavin sa ginagawa nito kahit na ilang ulit na niya itong pinagsasabihan. Makulit talaga ito. Ipinipilit talaga nito ang kagustuhan na mapaamin siya.
Kahit na kinikilig siya sa mga sweet notings nito ay hindi niya ipinapahalata. Tinatarayan niya palagi ito at sinasabihan na tigilan na siya. Kasalungat ng tunay niyang nararamdaman ang ipinapakita niya dito.
BINABASA MO ANG
Untold Story Of The Billionaire's Escort
RomanceMatagal nang prostitute si Zoey kaya naman sanay na siyang binabastos lang ng mga lalaki. Wala lang iyon sa kanya. Sanay na siya! Kaya naman niyang ibigay ang katawan niya sa kahit sinong lalaki basta may katumbas na halaga pero nagbago ang pananaw...