Parang nakalutang pa siya at wala sa sarili ng makauwi sa kanyang condominium at patang nahiga sa kanyang malambot na kama. Hindi na muna siya umuwi ng Quezon Province dahil mas madalas siyang nasa Makati para sa Glorioso. Mula ng ipakilala siya bilang tagapagmana, naging abala na siya sa pamamahala sa kompanyang iyon. Maraming importanteng tao siyang nakakausap at isa na si Gavin roon.
Sa totoo lang, hirap na hirap pa rin siyang mag-adjust sa bago niyang paligid lalo na nang makaharap niya si Gavin. Hirap na hirap siyang pakitunguhan na ito ng normal. Mas nananaig ang damdamin ni Zoey sa kanya. Lalo na kanina sa elevator. Hindi niya akalain na sa sobrang kasabikan niya dito ay gagantihan niya ito ng mapusok na halik na halos umabot na sa hindi magandang tagpo.
Napahilamos siya sa kanyang mukha. Pakiramdam niya ay nag-iinit ang kanyang pakiramdam nang maalala ang mainit na tagpo nila sa elevator.
"Oh Gavin," sambit niya saka pumikit. Ramdam pa rin niya ang halik at haplos ni Gavin. Hinaplos niya ang kanyang katawan na gaya ng paghaplos na ginagawa ni Gavin sa tuwing sila ay nagtatalik noon. Hindi niya maiwasang hindi mag-imagine na kasama niya ito ngayon.
Natigilan lang siya nang biglang tumunog ang kanyang cell phone. Nang tingnan niya ang nasa screen ay si Dancel ang nakarehistro doon. Iniwan siya nito kanina bago sila mag-meeting ni Gavin dahil may pasyente ito na kailangang asikasuhin. Kung hindi sana siya iniwan nito ay baka hindi nagawa ni Gavin ang bagay na iyon. Hindi rin sana siya bumigay sa mga halik nito.
"H-hello," sambit niya matapos pindutin ang answer button.
"How's your meeting with the investors?"
"Thank God, it turns well," aniya pero hindi pa rin maalis ang kaba dahil si Gavin pa rin ang nasa isip niya hanggang sa mga sandaling ito.
"Great. But I have something I wanna ask?"
"Yes? What it is?"
"Do you kiss anyone?"
"Ha?" Nagulat siya sa tanong nito.
"Mr. Tan told me that your lipstick is out of your lips. It seems that someone kisses you torridly."
"Oh my God!" naibulalas niya sabay sapo sa kanyang noo. Ang daldal talaga ng Mr. Tan na iyon. Ngayon lang niya naalala na pagdating niya sa tagpuan nila ni Mr. Tan para mag-lunch out meeting ay parang natatawa ito sa kanya. Biniro pa siya na para siyang clown kung mag-lipstick. Napahiya pa nga siya sa harap nito nang tingnan niya ang sarili sa salamin. Lagpas at halatang burado ang lipstick sa kanyang labi. Kasalanan ni Gavin iyon.
"What's that reaction for? Are you guilty of something? May hindi ka ba sinasabi sa akin, Candice?"
"N-no. I mean nothing. I-I mean, oh God! I'm so sorry." Hindi niya maiwasang makaramdam ng guilt habang kausap ito. Hindi niya magawang magsinungaling dito. At isa pa, isa itong psychiatrist at kahit yata sa tono lang ng boses niya ay alam na nitong nagsisinungaling siya.
"Sorry for what?"
"Sorry kasi hindi ko napigilan ang sarili ko. We kissed," pag-amin niya. "I mean, Gavin kissed me and I kissed him back."
"What?" gulat na reaksyon nito. "Are you out of your mind, Candice?"
"Yeah. I'm Candice but not when I am with Gavin. Hindi ko maiwasang lumabas si Zoey sa katauhan ko kapag kaharap ko siya. I am longing for him, terribly."
Narinig niyang bumuntong hininga si Dancel sa kabilang linya.
"I'm sorry," nasambit niya rito. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay nagkasala siya rito. She felt really guilty. Pakiramdam niya ay nabalewala niya ang pagtulong nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Untold Story Of The Billionaire's Escort
RomansMatagal nang prostitute si Zoey kaya naman sanay na siyang binabastos lang ng mga lalaki. Wala lang iyon sa kanya. Sanay na siya! Kaya naman niyang ibigay ang katawan niya sa kahit sinong lalaki basta may katumbas na halaga pero nagbago ang pananaw...