Madilim at sobrang tahimik na ang buong paligid. Pasado alas dose na ng gabi. Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng kanyang kuwarto. Ingat na ingat siya upang hindi makagawa ng ingay. Hawak-hawak niya ang kanyang sapatos at nais na niyang umalis sa lugar na iyon.
Matagal na siya sa poder ni Don Guillermo. Taon na nga ang binilang. Kung hindi siya nagkakamali, tatlong taon na ang mabilis na lumipas.Tatlong taong pahirap at pasakit ang dinanas niya rito. Walang nagbago sa kanyang sitwasyon sa loob ng tatlong taong iyon.
Seventeen years old hanggang sa mag-bente anyos na siya, nakakulong lang siya sa loob ng kuwarto. Dinaig pa niya ang isang presong walang kalayaan. Ni hindi na niya alam ang itsura sa labas ng kuwartong iyon. Ni hindi na siya nasisinagan ng araw. Maputla na siya. Kung hindi lang siya binibilhan ng lipstick at mga damit ni Don Guillermo ay baka losyang na siya sa edad na bente anyos pa lang.
Sa loob ng tatlong taong iyon, isa pa rin siyang sex slave!
Nasanay na siya. Ang maging isang sex slave nito ay napakahirap pero nagawa niyang tiisin dahil sa mga gamot na pangpahibang na pinapainom nito sa kanya. Nakakatulong iyon para hindi niya maisip na binababoy siya nito. Hindi rin niya nararamdaman ang anumang sakit na dulot ng mga pahirap nito.
Kaya lang, malakas ang side effect ng gamot na iyon kaya hindi na rin siya madalas painumin niyon. Nakakabaliw raw iyon sabi ng don kaya ayaw nitong ma-addict siya roon. Ngunit kapag walang gamot, napipilitan siyang gawin ang mga gusto nito at tanggapin na lang ang lahat ng ginagawa nitong pagpapahirap sa kanya.
Sa tagal na niyang ginagawa ang pagpapaligaya sa don ay hindi pa rin nawala sa kanyang isip ang pagtakas. At ngayon nga ang naisip niyang pagkakataon upang gawin iyon. Alam niyang umalis ang don dahil nakita niya mula sa bintana ng kanyang kuwarto ang sasakyan nitong palabas ng gate. Kaunti lang din ang bantay na tauhan nito sa gabi.
Pigil ang kanyang hininga nang makalabas ng kuwarto. Iniiwasan niyang makalikha ng anumang ingay. Dahan-dahan siyang naglakad sa kahabaan ng pasilyo. Sa wakas ay narating din niya ang malaking wooden door sa may entrance ng mansion. Bumuntong hininga siya nang malalim bago hinawakan ang seradura niyon. Ngunit hindi pa man niya naiikot ang seradura ay may kamay na bigla na lamang humawak sa kanyang balikat.
Muntik na siyang mapasigaw. Mabuti na lamang at agad na natakpan ng kung sinoman ang kanyang bibig. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig sa hindi niya gaanong maaninaw na mukha ng isang babae. Alam niyang babae iyon dahil aninag niya ang mahabang buhok nitong nakaladlad at ang suot nitong duster.
"Huwag kang maingay," pabulong na saway nito sa kanya nang magpumiglas siya. Inalis nito ang kamay na nakahawak sa kanyang bibig at sumenyas ito sa pamamagitan ng isang daliri na nakatayo sa gitna ng labi nito.
"Sino po kayo?" mahinang bulong niya.
"Hindi na mahalaga kung sino ako. Basta ang gusto ko lang, tulungan kang makaalis dito." Pamilyar sa kanya ang boses ng babae. Lalo niyang inaninaw ang mukha nito. Salamat sa kaunting liwanag na mula sa labas ng bintana matapos nitong buksan iyon para silipin ang mga tao sa labas dahil nakilala niya ito.
"K-kayo po ang asawa ni Don Guillermo 'di ba?"
Hindi sumagot ang babae pero kita niya sa mukha nito ang labis na lungkot at pagdurusa.
"Huwag ka na magsayang ng oras. Kailangan mo na makatakas dito at gusto kong dalhin mo ito." Inilagay nito sa kanyang palad ang isang kuwintas na may nakasabit namaliit na susi.
"Para saan po ito?"
"Susi iyan ng isang mahalagang kahon. Gusto kong ibigay mo iyan sa anak ko."
"Pero sino po ba anak ninyo?"
BINABASA MO ANG
Untold Story Of The Billionaire's Escort
RomanceMatagal nang prostitute si Zoey kaya naman sanay na siyang binabastos lang ng mga lalaki. Wala lang iyon sa kanya. Sanay na siya! Kaya naman niyang ibigay ang katawan niya sa kahit sinong lalaki basta may katumbas na halaga pero nagbago ang pananaw...