51: RUNAWAY

26 1 0
                                    

Abala si Gavin sa paglilinis ng kanyang kotse sa may garahe nang bigla na lamang lumapit sa kanya si Dancel at sinuntok siya sa mukha. Nakabukas ang kanyang gate kaya hindi na niya napansin na nakapasok na ito. Nagulat siya kaya hindi siya naging handa sa suntok na iyon. Agad siyang bumulagta sa sahig.

Hindi pa siya nakakatayo ay dinaganan na siya nito at muling sinuntok sa mukha. Sa sobrang galit ay ginantihan naman niya ito ng malakas na sipa sa sikmura kaya tumalsik ito palayo sa kanya. Bumulagta rin ito sa sahig at agad rin niyang dinaganan at sinuntok sa mukha. Dumugo ang gilid ng labi nito.

"Siraulo ka! Basta ka na lang pumapasok sa bahay ko at manununtok." Binigyan niya ulit ito ng isa pang suntok sa mukha.

"Where is Candice?" galit namang tanong nito sa kanya na ipinagtaka niya. Wala siyang ideya na nawawala ito. Huling kita niya ay noong ipagtabuyan siya nito. Hindi na muna siya nangulit dito dahil sa inis niya sa naging desisyon nitong pagpili kay Dancel kaysa sa kanya.

"Bakit mo sa akin tinatanong? Hindi ba't kayo ang magkasama? Ikakasal na nga kayo hindi ba?"

"Tinakasan niya ako."

"Tinakasan? Bakit niya gagawin sa'yo iyon?" Naningkit ang mga mata niya at kinuwelyuhan ito. "May ginawa ka ba sa kanya? Sabihin mo!" Inambaan niya ng suntok ito.

Ngumisi lang ito na nakakainis. "It's none of your business."

Itinulak siya nito ng malakas at tumayo ito. Ipinagpag ang narumihang damit.

"I guess she's not here." Tinalikuran na siya nito at naglakad palayo.

Naiwan naman siyang nag-iisip. Bigla siyang nag-alala kay Zoey. Nawawala na naman ito at wala siyang kaalam-alam. Kailangan niyang mahanap si Zoey at alamin dito kung anong nangyari. Kailangang malaman niya kung bakit nito tinakasan si Dancel gayong pinili nito ito na pakasalan.

"Sir Gavin, anong nangyari? Sino po iyon?" tanong sa kanya ni Mang Damian. Nakasalubong nito si Dancel at naabutan siyang nagpupunas ng dugo sa gilid ng kanyang labi.

"Wala po, isang siraulong walang magawa sa buhay." Muli niyang dinampot ang basahang ipinupunas niya sa kanyang kotse.

"Ako na dapat diyan," anito at inagaw sa kanya ang basahan. "Ano nang balita sa inyo ni Zoey?" tanong pa nito habang nagpupunas.

Nag-cross arm naman siya at sumandal sa pader. Alam na ni Mang Damian na nakakumpirma na niya na si Candice ay si Zoey ngunit hindi pa niya nasabi dito na magpapakasal na ito sa iba kaya itinigil niya ang pagsuyo rito.

"I need to find her again," aniya.

Kumunot naman ang noo ng matanda. "Find? Hindi ba hahanapin iyon? Bakit? Nawawala na naman ba si Zoey?"

Tumango naman siya. "Hindi ko po alam kung anong nangyari pero iyong lalaking pumunta dito kanina. Hinahanap si Zoey dito. Tinakasan daw siya."

"Saan naman kaya pupunta ang batang iyon?" Napaisip ito.

Napaisip rin siya. Wala rin siyang ideya kung bakit tumakas si Zoey at kung saan ito sakaling pupunta kung aalis man ito. Tulad ng sabi ni Zoey noong huli silang magkausap, mas pinili nitong maging si Candice kaya hindi na nito nanaisin pa na bumalik sa buhay ni Zoey.

"Naku! Naubusan na pala ako ng groceries," bulalas ni Chelsea nang makitang wala ng laman ang ref at mga tokador nito. Ni isang delata ay wala na itong stock.

"Paano iyan? Wala ka nang mailuluto para sa tanghalian natin?" tanong naman niya.

"Wala na e." Tiningnan nito ang wallet at napasimangot ito. "Shocks! Wala na rin pala akong budget. Saan naman kaya makakarating ang isang daang pisong ito?"

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon