Isinakay siya sa kotse ng lalaking kilala lang niya sa pangalang Don Guillermo. Kahit gustuhin man niyang umalis sa tabi nito ay hindi niya magawa. Mahigpit pa rin ang pagkakayakap nito sa nanginginig niyang katawan.
"Are you feelling cold or you are scared of me?" tanong ng don sa kanya.
Para namang naumid ang kanyang dila at hindi makasagot. Tanging hikbi lang ang itinugon niya. Totoong nilalamig siya dahil sa malakas na buga ng aircon sa sasakyan nito at sinamahan pa ng matinding takot sa katabi.
Hinaplos naman nito ang kanyang pisngi. Inalis ang buhok na nakatabing sa kanyang mukha. Muling naglandas ang kilabot sa kanyang buong katawan. Napaatras siya at inilayo ang kanyang mukha. Ngumisi naman ang lalaki.
"Hija, huwag kang matakot sa akin. Hindi kita sasaktan," malambing at kalmado ang boses na sabi nito.
Gusto niyang maniwala sa sinabi nito pero nakatatak na sa isip niya ang eksena kanina at ang banta nito kay Cordelia. Alam niyang kayang-kaya nitong gawin ang banta.
"I have my word. Hindi talaga kita sasaktan. Hindi ba at niligtas kita sa kamay ni Cordelia?" sabi nitong wari'y kinukumbinsi siya. Hinubad pa nito ang suot na coat at ipinatong sa balikat niya. Kahit paano ay naibsan ang lamig na nararamdaman niya. Bahagya siyang tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.
"See. So, trust me? From now on, you will work for me. Wala nang ibang gagalaw sa'yo. You will be in my security," sabi nito saka ngumiti. Hindi na nakakatakot ang ngiti nito. Para bang mula sa pagiging lobo kanina ay nag-transform ito sa pagiging tupa.
Kumalma naman ang kanina'y takot na takot niyang pagkatao. Para bang sa sinabi nito ay nagkaroon siya ng pag-asa na nasa mabuti siyang mga kamay. Na hindi na siya babalik sa lugar na iyon. Na may tao nang poprotekta sa kanya at tatayo bilang ama. Nagpasya siyang ibinigay ang tiwala sa lalaking ito dahil sa sinabi nito. Sumama na siya nang walang angal hanggang sa makarating sila sa malaking mansion nito.
"This will be your new house," masiglang sabi ng don sa kanya nang makapasok na sila sa loob ng napakagarang mansiyon. Halos malula siya sa sobrang laki niyon. Namangha siya sa ganda ng kabuuan ng bahay. Para bang kumikinang lahat ng mga kasangkapang naroon. Pakiramdam niya ay nasa isa siyang palasyo. "Feel at home."
"S-sobrang laki po ng bahay ninyo. Siguro po marami kayong katulong dito," kinakabahang turan niya.
"Actually, I don't allow housemaid here," seryosong sabi nito.
"Po?" Nagulat siya sa tinuran nito. Sa laki kasi ng bahay nito, imposibleng wala man lang itong katulong kahit isa.
"My helper doesn't sit with us. They are only on call. They only stay to clean then leave with pay."
Tumango siya pagkatapos ay muling inilibot ang mga mata. Nahagip ng mga mata niya ang isang babae na sa tingin niya ay nasa higit treinta lang din ang edad. Sa tingin niya kasing tanda ito ni Don Guillermo. Maganda ito kahit na walang make up at simple lamang ang suot na damit pero mukhang mamahalin. Pababa ito ng hagdan at palapit sa kinaroroonan nila.
Tipid itong ngumiti sa kanya pero hindi nakaligtas sa mga mata niya ang lungkot sa mga mata nito. Halata pa ngang namumugto iyon. Malaki at nangingitim ang eyebag nito. May maliit na pasa din sa gilid ng labi nito. Kahit gusto niyang itanong kung napaano iyon ay itinikom na lamang niya ang kanyang bibig. Wala siya sa posisyon para mang-usisa.
"Guill, nandito ka na pala. Sino siya?" tanong nito na ang tinutukoy ay siya.
"Magandang gabi po," bati niya saka yumukod. Bigla siyang nahiya sa itsura niya. Itinatago lamang ng malaking coat ang suot niyang maiksi at manipis na tela. Kita pa rin ang kanyang mapuputing hita.
BINABASA MO ANG
Untold Story Of The Billionaire's Escort
RomanceMatagal nang prostitute si Zoey kaya naman sanay na siyang binabastos lang ng mga lalaki. Wala lang iyon sa kanya. Sanay na siya! Kaya naman niyang ibigay ang katawan niya sa kahit sinong lalaki basta may katumbas na halaga pero nagbago ang pananaw...