86. What is Love?

1.8K 16 0
                                    

Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails. But where there are prophecies, they will cease; where there are tongues, they will be stilled; where there is knowledge, it will pass away.
1 Corinthians 13:4‭-‬8

Mayroon sa ibang chapters dito sa devotionals na nababanggit na ang about sa pag-ibig. Dito, mas ma-e-elaborate ang definition ng pag-ibig.

Madaling sabihin sa iba na mahal mo sila pero totoo nga ba 'yon? Malalaman natin sa definition ng love na isinulat sa New Testament. Let us go reflecting the 1 Corinthians 13:4‭-‬8.

Love is patient,

Ito 'yong tipong kahit gigil na gigil ka na parusahan ang mga nagkakasala sa 'yo, mas pinapairal pa rin ang pagmamahal. Dito 'yong mas pinapalawak natin ang pang-unawa. You can bear with their offenses. Hindi ibig sabihin ng love ay palalampasin na lang ang mga maling nagawa kasi discipline is a must. Hindi nag-to-tolerate ng kasalanan ang love. Tinuturuan ka nito kung ano ang tamang gawin.

We can understand more the patience in love when we look to God. He's slow to anger. Kung tutuusin, He can punish us right away dahil matitindi ang mga kasalanan natin pero mas pinili Niya na habaan ang pasensiya Niya para mas marami pa ang mailigtas.

love is kind.

May connect 'to kay patience pero ito ay tungkol sa paano ka makitungo sa iba at kung paano mo sila i-treat.

Ano ba ang ginagawa mo kapag may nangangailangan ng tulong at kaya mong tumulong? Ano ang nagiging respond mo sa iyong kapwa? Hindi man madali na gumawa ng good deeds dahil may times na nakapapagod but always remember na sa mundong ito, ang dami ng evil at pinakamainam na maging mabuti.

Nagagalit ka ba kapag may nakikita kang inaapi at nasasaktan? Hindi mo kinakaya na may ginagawan ng masama? Iyan ay dahil taglay mo ang pag-ibig. Ang pag-ibig ay mabait at hindi magnanais na mag-mistreat ng ibang tao.

It does not envy,

Ito 'yong tipo na masaya ka para sa achievements or successes ng iba. Hindi uso sa 'yo 'yong magkaroon ng sama ng loob, maiinggit, at magselos everytime na umaangat sila. Walang crab mentality sa pag-ibig. Naniniwala ka rin na your time will come naman. Alam mo rin ang hirap ng pinagdaanan nila just to reach success kaya you celebrate with them kasi mahal mo sila.

it does not boast,

Ang totoong nagmamahal ay hindi siya full of himself. Kung totoong minamahal mo ang iyong kapwa, hindi puro ang iyong sarili ang inuuna at tinataas. Sobrang naka-focus sa sariling achievements at wala kang pakialam sa iba ay hindi pag-ibig. Sa halip, kapag may achievements ka, you remain humble.

it is not proud.

Walang lugar ang proud sa puso ng may pag-ibig. Hawig siya sa pag-boast-- sa sarili naka-focus. Halimbawa, nakasakit ka by your words-- nakapagsabi ng below the belt. Ang totoong love ay humihingi ng tawad pero ang pagiging proud ay sisisihin mo pa ang sinaktan mong tao like kasalanan niya bakit mo nasabi ang masasakit na salita. Ang pagiging proud ay hindi marunong makinig, hindi nagpapatawad, at nag-di-discourage.

It does not dishonor others,

Ito 'yong ki-no-consider natin ang nararamdaman ng iba. Iniisip natin na baka masaktan sila sa desisyon na gagawin. Nirerespeto natin ang gusto o ayaw ng iba. You care for the feelings of others.

it is not self-seeking,

Ito 'yong iniisip mo muna ang kabutihan ng iba bago ang iyong sarili.

it is not easily angered,

May pagkakataon na talagang nakakagalit ang ginagawang mali ng iba pero kapag nananaig sa 'yo ang pag-ibig, mas pinipili mo ang magpasensiya at umunawa. It is connected with love is patient.

it keeps no record of wrongs.

Sa totoo lang, hindi madaling magpatawad kapag sobrang bigat ng kasalanang nagawa. Pero kapag naranasan mo ang pag-ibig ng Diyos, alam mo na kapag humingi ka ng tawad sa Kanya, kalilimutan na Niya ang kasalanan mo. Dahil pinatawad ka Niya, matututo kang magpatawad ng iba. Ma-ha-handle mo nang maayos ang iyong galit kapag naghahari sa 'yo ang pag-ibig.

Love does not delight in evil but rejoices with the truth.

Love does not tolerate sins. Hindi involve sa pag-ibig ang kasamaan. Alam natin na ang Diyos ay pag-ibig, Siya'y mabuti, at hindi nagsisinungaling dahil tapat Siya sa mga pangako Niya. You rejoices in truth, hindi sa masamang nangyayari sa taong nakagawa ng mali. Ang totoong umiibig, walang kailangan itagong suspicious. Love promotes truth and not comforting in lies.

It always protects,

Ang pag-ibig ay hindi ni-po-protect ang sins dahil hindi ito nag-re-rejoice sa evil. Ang ibig sabihin dito, example, nagkasala. Hindi i-co-condemn kundi road to restoration and po-protect dahil sa pag-ibig.

always trusts,

Ito 'yong mas nakikita natin ang kabutihan ng iba. Natututo tayong magtiwala dahil sa pag-ibig. When we truly love someone, kaya natin sila pagkatiwalaan.

always hopes,

Hindi nawawalan ng pag-asa ang umiibig kahit mukhang imposible na. Patuloy ka pa ring naniniwala sa isang tao dahil mahal mo siya. Patuloy kang umaasa sa Diyos lalo na sa Kanyang mga pangako dahil nagtitiwala ka at mahal mo Siya.

always perseveres.

Matatag ang pag-ibig. Sa lahat ng pagsubok na darating, dito mapapatunayan kung totoo ang iyong pag-ibig.

Love never fails.

Napaka-great ng meaning ito ng pag-ibig. Walang katapusan ang love. Greatest ang pag-ibig sa tatlong mananatili kahit mawala ang lahat. Sobra kayong familiar kung gaano na-de-describe ang pag-ibig ng Diyos sa 'tin. Example na lang 'yong nasa Romans 8:38-39. Nabanggit doon na walang kahit ano'ng nilalang, bagay, at sitwasyon na makapaghihiwalay sa Kanyang pag-ibig. Talagang sa kahit ano'ng sitwasyon, nalubog na sa kasalanan ang tao pero God still made a way para iligtas ang tao mula rito dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig sa 'tin.

Ang tindi ng nagagawa ng totoong pag-ibig, 'no? Nawa sa pamamagitan ng mas pag-elaborate natin ng definition ng pag-ibig, mas magkaroon tayo ng dahilan para paghariin natin ito sa ating buhay. Malaki ang magagawa ng pag-ibig kapag mas pinili natin 'to manaig. May point talagang masusubok kung totoo ang iyong pag-ibig pero sa bawat pangyayari, marami tayong matututunan. Kung may failures tayo, palagi ninyong isipin na 'yong dakilang umiibig sa 'yo ay may pag-ibig na hindi nag-fa-fail. Iyon ang pinaka-main reason bakit tayo nagmamahal-- dahil una tayong minahal ng Diyos.

_______

10-09-22

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon