85. All Things Work Together for Good

2.6K 14 3
                                    

And we know that for those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose.
Romans 8:28

Before beginning with this topic, I will just remind you that this promise is for believers—the ones who genuinely love God. This is not for everyone. This is for Christians.  Kasama sa buhay bilang Kristiyano ang ibigin natin ang Diyos. Nasa greatest commandment iyan. Naniniwala tayo na ang lahat ng kabilang sa Diyos ay tinawag ayon sa purpose Niya.

all things work together for good...

May pagkakataon na minsan na-ta-take out of context ito. Ang ganda naman kasi talaga ng message ng bible verse na 'to lalo na kapag may pinagdadaanan o may mabibigat na problema ang isang tao. Kailangan natin maging careful kung paano natin na-i-interpret ang isang verse kasi na-mi-miss out natin ang totoong kahulugan no'n. Uulitin ko lang, this promise is applicable sa mga Christian--for those who love God.

This is a comfort for Christians. Isang assurance na walang nasasayang sa bawat pangyayari at pagtitiis. Nagtitiwala tayo na may control pa rin ang Diyos sa lahat kahit hindi natin iyon control. Naniniwala tayo na ang bawat pangyayari, pagtitiis, pain, sufferings for God ay parte ng plano. He can make good out of everything happened. Kung ganito naman pala, hindi natin kailangan sobrang mag-worry sa mga future na maaaring matinding mangyayari. Kasama natin Siya. Tumutupad Siya ng pangako. He never stop working for good. Makita man natin dito sa mundo na parang nagtatagumpay na ang masama o hindi na tayo makakita pa ng maganda sa mga nangyayari, may faith tayo na all things work together for good. If He can make from nothing to something, what more making good out of evil happened?

Ang hirap ng laban sa struggles o kasalanan. Nakakapagod na ang gumawa ng mabuti dahil puro masama lang naman ang sinusukli. Nakakadurog na ang persecutions, pangungutya, o masasakit na sinasabi dahil sa pananampalataya sa Diyos. Nagsasawa na tayo sa hamon ng buhay. May pagkakataon na gusto na lang sumuko o hindi na lang sana nalaman ang truth. Tila parang hindi na kakayanin ang mga kailangang pagtitiis.

Pero mga kapatid, laban lang! Magpatuloy tayo. May sinimulan na ang Diyos sa mga buhay natin kaya mag-depend tayo ng strength sa Kanya upang kayanin natin ang anuman pagsubok at mga pagtitiis. Palagi tayong manalangin at paalalahanan ang sarili ng mga Salita Niya by reading His Words everyday. We have real joy and peace with God. We may not be happy emotionally, but we have assurance about the character of God—that He never changes. We rejoice by being reminded for who He is.

For in this hope we were saved. Now hope that is seen is not hope. For who hopes for what he sees? But if we hope for what we do not see, we wait for it with patience.
Romans 8:24‭-‬25

Mahalaga na manatili ang ating pananampalataya. Patuloy pa rin tayong may pag-asa at umaasa dahil hindi pa nangyayari at nananabik tayo sa darating na panahon na ma-fu-fulfill ang promises Niya. Hindi kasi matatawag na hope 'yon kung nangyari na. Sa halip, buong tiyaga tayong nag-ho-hope na mangyari ang pinangako ng Diyos.

all things

Habang naghihintay tayo sa pagkakataon na 'yon, maraming pinagdadaanan. Ito 'yong all things. Ito 'yong lahat ng nangyari at mangyayari sa buhay natin. Small o big events man 'yan, parte 'yan. Hindi mapupunta sa wala ang laban na 'to, kapatid. Ma-tempt man tayo sumuko pero alalahanin lang natin palagi ang ginawa ni Christ.

For we know that the whole creation has been groaning together in the pains of childbirth until now. ~Romans 8:22

We may be groaning while waiting but it is worth it. Kapag ang ina ay makita ang kanyang anak, mawawala ang lahat ng pain na naranasan niya sa pagpapanganak dito. Mapapalitan ito ng galak. Ganoon din tayo sa lahat ng mga kailangan nating maranasan para sa Lord. Darating ang panahon na magiging ganap ang lahat ng 'yon.

Walang masasayang sa bawat sufferings na pinagdaanan mo, kapatid. Lahat iyan ay daan patungo sa fulfillment ng purpose ng Diyos para sa 'tin. Hindi man natin makita ngayon ang dahilan ng bawat pangyayari, nagtitiwala tayo na hindi Niya tayo bibiguin at maiintindihan din natin balang araw bakit kailangan iyon maganap sa ating buhay.

This does not mean na gusto ng Diyos na maghirap tayo nang maghirap. Alalahanin natin, mismong si Christ ay nakaranas ng matinding hirap at namatay pa sa cross. We are following Him. Being Christian doesn't exclude us from experiencing hardships. Walang exception. Sa halip, mas lalo tayo nakararanas nito habang mas tumatagal sa pananampalataya.

That "all things" is the process we need to go through for victory with Christ.

work together

God is the only one that can work together all things for good.

Mababaliw tayo sa kakaisip kapag inunawa natin lahat ngayon ng mga nangyayari. Masiyadong mabigat sa pakiramdam ang bawat pagtitiis na kailangan tiisin, dumaan sa sufferings, ang daming struggles simula ng naging Christian, ang daming temptations, may time na parang pinanghihinaan na tayo ng loob, at marami pang ibang kagaya nito. Have faith na mag-wo-work together ang lahat ng 'to for good.

Hindi natin alam na balang araw, may makikilala tayong Christian na dumadaan din sa pinagdaanan natin at matutulungan sila dahil naiintindihan ang kalagayan nila. Makikita mo na lang na isang araw, pupurihin mo ang Diyos dahil napakabuti, ang galing, at ang tapat Niya sa buhay mo. (Pero everyday, we shall praise the Lord for everything) Mas naging dependent ka pa sa Diyos habang lumilipas ang panahon. Mas pinapatatag ka ng mga nangyayari dahil patuloy kang pinapalakas ng Diyos mula sa mga pinagdaanan mo.

Lahat ng nangyari ay mas lalo tayong tuturuan nito na magtiwala sa Diyos.

for good

Good is our maturity in faith. Ito 'yong destination natin.

Ang good na tinutukoy dito ay hindi 'yong 'di na tayo makararanas ng pain at paghihirap habang nasa mundo at palagi na pabor sa 'tin ang mangyayari. Hindi 'to about sa financial success or worldly success, ang the best day sa buhay, at iba pa na gaya nito. Ang good ay ang kaganapan natin!

For I consider that the sufferings of this present time are not worth comparing with the glory that is to be revealed to us. ~Romans 8:18

Ito 'yon, mga kapatid!

We know that the world is fallen. Sin reigns. We are still in the process—God continues to work in our lives through the finished work of Christ. Suffering will be there while we are still living in this world. The battle with sin is one of examples. Kahit mahirap ang laban sa kasalanan, makakapag-rely tayo sa grace ng Diyos. Sapat na ang grace Niya in our weaknesses. Temporary lamang ang suffering na nararanasan dahil sa battles pero kapag nagtagumpay na tayo kasama ang Diyos, makikita natin kung gaano katindi ang glory na pinaglaban. Ang glory na 'yon ay walang katulad. Tiyak iyon ay hindi kayang i-describe ng words sa tindi.

Always remember that we cannot go in the glory apart from Christ because we are sinners. He just enable us by His finished work.

What we will do by knowing that all things work together for good?

1. Trust Him.
2. Have faith.
3. Depend in Him.
4. Endure.
5. Hope in Him.

Remember, we can trust Him if we know Him. Makikilala lang lalo natin Siya by the Bible. Ang faith ay mula sa maririnig na Salita Niya. Kaya napakahalaga talaga ang nakakapagbasa ng Word Niya everyday. We tend to forget kaya kailangan ulit-ulit tayong paalalahanan. We hope dahil naniniwala tayong mangyayari iyon-- mangyayari ang mga pinangako Niya.

Mga kapatid, may dahilan ang sufferings mo ngayon para sa Diyos. Hindi iyan masasayang. Mahirap man ang laban pero kasama natin Siya. Matindi man ang pagtitiis subalit may magandang bunga iyon. Grabe man ang mga pangyayari na ating naranasan dahil sa pagsunod sa Diyos, He will work it together for good.

That's it. God bless.

Written: June 10, 2022

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon