Juan 20:29
Sinabi sa kanya ni Jesus, "Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Pinagpala silang hindi nakakita, gayuman, naniniwala.
♥♥♥
Dito sa mundo, madalas ang mga tao ay hindi sila maniniwala hangga't wala silang nakikita. Halimbawa, kunwari ang isang member, kinausap ng leader niya sa group project:
"Dinala mo ba yung pinapadala ko?"
Sagot ng member, "Oo naman!"
Tapos sasabihin niya, "Nasaan? Ilabas mo na,"
"Dala ko naman--"
"Patingin,"
Parang ganun lang naman yun. Hindi tayo maniniwala hangga't hindi natin ito nakikita. Ganito tayo kadalasan sa mga tao sa paligid. "To see is to believe nga!" Sabi nila.
Minsan hindi natin maiiwasan yung mag-alinlangan ka sa tao. Pero kung kay Lord na, bakit ka pa mag-aalinlangan? Sadyang sa perfect time lang ang lahat ng bagay.
Sa verse na nasa itaas, yan yung part na kung saan nag-alinlangan si Tomas kay Lord Jesus. Sinabi ng mga kapwa niyang disciple na nabuhay muli si Lord pero sabi niya hangga't hindi niya naiipasok yung mga daliri nito sa mga kamay ni Lord na kung saan siya napako at sa kanyang tagiliran ay hindi siya maniniwala.
Ngunit sa kung saan nagkakatipon ang mga disciple ay muling nagpakita si Jesus at sinabi niyang, "Sumainyo ang kapayapaan."
Pagkatapos, (Juan 20:27-28)
Nang magkagayo'y sinabi niya kay Tomas, "Idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin." Sumagot si Tomas, at sa kaniya'y sinabi, "Panginoon ko at Diyos ko!"Dito parang sinasabi sa atin na huwag tayong mag-alinlangan sa Diyos. Sige nga, ikaw nakita mo na ba ang Diyos ng personal? Di ba, hindi? Pero naniniwala ka sa Kanya, hindi ba? You trust on Him. You have faith on Him. But you never seen Him.
Pinagpala silang hindi nakakita, gayuman, naniniwala. Basahin mo ang nakabold text nang paulit-ulit.
Anong pumapasok sa isip mo?
Anong nararamdaman mo?
Huwag nang mag-alinlangan.
Huwag kang "To see is to believe" kay Lord. Ano ka ba, mahina ang pananampalataya sa Kanya kaya hindi ka naniniwala pag wala kang nakikita? 'Wag ganun. Level up tayo! (PS ginaya ko lang yung naka-italic text sa adviser namin hakhak). Level up tayo sa faith natin. Huwag tayong palamon sa pag-aalinlangan at sa mga kasinungalingan ni Satan.
Wala namang masama sa paniniwala, hindi ba? Masarap nga yun sa feeling hindi ba? Yung tipong naniniwala ka kahit na hindi mo pa nakikita. Sabihan ka man nilang baliw dahil sa paniniwala mo, hayaan mo lang! Nandyan naman si Lord sa tabi mo na hindi ka iiwan. Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi ka pa rin nawawalan ng pag-asa. Yung kahit na hindi yung gusto mo ang ibigay Niya, ang ibibigay naman Niya sayo is yung BEST hindi lang BETTER. Saan ka pa? Have a deep faith! Gaya ng kung gaano kalalim ang ocean XD
Nagbigay ng halimbawa si Tomas sa ating lahat. Huwag mag-alinlangan kay Lord. Kasi gaya nito ang hindi paniniwala sa Kanya.
___________
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...