Mga kapatid, bago natin simulan ito, may tanong muna ako.
Lahat ba ng tao'y anak ng Diyos?
.
.
.
Hindi. Iyong mga sumampalataya kay Jesus Christ at sumusunod sa Kanya ang s'yang mga anak ng Diyos. Lahat ay nilikha ng Diyos pero hindi lahat ay anak ng Diyos.
Ayon nga sa Juan 1:12, "Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos."
Kaya ang title ng ating bible sharing ngayong araw na ito ay "Child of God"
Sa tingin ninyo, anu-ano ang mga characteristics ng isang anak ng Diyos?
.
.
.
So, these are the characteristics of children of God:
1. New creation (2 Corinthians 5:17)
Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago.
2 Mga Taga-Corinto 5:17Nang simulang tinanggap mo si Jesus bilang Lord and Savior, wala na ang dati mong pagkatao. Isa ka ng bagong nilalang! Hindi ka na basta-basta; isa kang anak ng Diyos! Kung sino ka man sa nakaraan, hindi na 'yon mahalaga! Napalitan na iyon! Nariyan na si Lord sa puso mo; Siya na ang nangunguna! Isa sa characteristics ng pagiging anak ng Diyos ang pagiging new creation dahil nabubuhay ka na ngayon na ayon sa kalooban na Niya at hindi na ukol sa sarili mo. Naiwan na lang sa nakaraan ang dati mong pagkatao.
Huwag kang mag-alala, tutulungan ka Niya na mamuhay ayon sa Kanyang kalooban at kung willing ka.
Ayon sa Mga Taga-Filipos 2:13, "sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban."
Bago tayo mag-proceed, may tanong ulit ako mga kapatid.
Bilang mga anak ng Diyos, okay lang ba'ng magpatuloy sa kasalanan?
.
.
.
Hindi. Dahil ang mga anak ng Diyos ay hindi "nagpapatuloy" sa pagkakasala.
So Next,
2. Does not continue sinning (1 John 5:18)Alam nating ang mga anak ng Diyos ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat iniingatan sila ni Jesu-Cristo, at hindi sila maaaring galawin ng diyablo.
1 Juan 5:18Hindi ibig sabihin na nagkasala ka ay hindi ka na anak ng Diyos. Kasi aminin natin minsan ay nagkakasala tayo. Pero hindi ka dapat magpatuloy sa pagkakasala.
Kaya bilang mga anak ng Diyos, iwasan natin ang mga bagay na nagiging sanhi ng pagkakasala o palaging magbabad sa presensiya ng Diyos.
Magbantay kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu'y nakahanda ngunit ang laman ay mahina."
Mateo 26:41Iniingatan tayo ng Lord. Hindi tayo maaaring galawin ng kaaway.
Ano nga ba ang kahulugan ng "continue sinning"?
Simulan natin sa pag-alam ng kahulugan ng "continue":
Continue
: to do something without stopping
: to keep doing something in the same way as before
: to keep happening or existing : to remain active or in existence without changing or stopping
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...