Ang paghahandog na ito'y gagawin ninyo habang panahon. Gaganapin ninyo ito sa harapan ko, sa may pintuan ng Toldang Tipanan. Doon ko kayo tatagpuin. Doon ako makikipag-usap sa inyo. Doon ko nga tatagpuin ang mga Israelita at ang pook na iyon ay pababanalin ng aking kaluwalhatian.
Exodo 29:42-43Ako'y makakasama nila at ako ang magiging Diyos nila. Makikilala nilang ako si Yahweh, ang Diyos na nagligtas sa kanila sa Egipto. Maninirahan akong kasama nila; ako si Yahweh, ang kanilang Diyos.
Exodo 29:45-46While reading this verses, eto 'yong tila naging kahulugan niya sa 'kin:
Paghahandog: oras para sa Kanya
Sa pintuan ng Toldang Tipan: place where we are worshipping Him privately or where is your quiet time occur
Tayo'y Kanyang tatagpuin at makikipag-usap sa 'tin: through His Words
Ang pook na iyon ay pababanalin ng aking kaluwalhatian: His presence is holy and heaven in our spirit. Kung saan natin tinatagpo ang Lord sa araw-araw, napaka-remembered non. Babalik balikan natin iyon. Siya lamang ang makapagpapabanal satin.
Dahil Siya ang Diyos natin, eto ang patuloy nating gagawin:
1. Patuloy natin Siyang katagpuin at maghandog (quiet time)
"Gaganapin ninyo ito sa harapan ko, sa may pintuan ng Toldang Tipanan. Doon ko kayo tatagpuin."
For me, our quiet time with God is the best moment we can have. We get to know God more by having time for Him and place where you will meet Him. Kahit saan kapatid, makapag-pe-pray ka. He's everywhere.
No matter how busy you are, basta Siya ang priority mo, may nakalaan ka talagang time for Him. Huwag 'yong tira-tirang oras, kapatid. Walang taong busy kapag ang Diyos ang priority niya.
Hindi ba napakasulit ng oras kapag nakikipag-bonding ka sa family or friends mo. How much more if you spend it with God?
If you feel ang konti ng oras mo para sa Lord, repent it. Hindi pa naman huli ang lahat. Just tell Him everything. Always find time for Him. May time tayo sa iba't ibang bagay, paano pa kaya kapag priority natin?
2. Patuloy na basahin ang Salita Niya (our source of strength and joy)
"Doon ako makikipag-usap sa inyo."
Kapatid, isang araw ka lang na hindi makapagbasa ng Word Niya, nakapanghihina, hindi ba? Bawat araw ay may sinasabi Siya sa 'yo sa pamamagitan ng Word Niya. Kung may time kang buksan ang mga messages ng mga ka-chat mo, mas lalo na sa message ng Diyos natin.
"Makikilala nilang ako si Yahweh, ang Diyos na nagligtas sa kanila sa Egipto."
We know God by different encounters or experiences we have in this world. Mayroon at mayroong scene sa buhay natin that God will reveal Himself on us or we will know that there's God who loves us, who fight for us, and always with us.
By having devotion everyday, we will know Him more! He reveal Himself by His Words. He reminds us by His Word.
Kapag nasa temptations ka, kokontrahin mo iyon by God's Word na alam mo. Like 'yong ginawa ng Lord sa Matthew 4. Sa tuwing sinasabihan Siya ng kung anu-ano ng kaaway, nagsasabi Siya ng Word of God. Kaya napakahalaga talaga sa araw-araw na makapagbasa ng Salita Niya. Araw-araw rin kasi tayong may kinahaharap na battles and struggles. And I believe that His Word is the sword of the Spirit (Isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan, at gamitin ang tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang Salita ng Diyos. ~Mga Taga-Efeso 6:17)
Kaya talo tayo kapag wala tayong maipanglaban na Word Niya. Habang nasa mundo tayo, darating at darating ang mga temptations. But we're not alone. God is with us. His Spirit is with us. Maging tapat hanggang wakas. Manghina man tayo, but He'll renew our strength.
Of course, hindi p'wede mawala ang prayer. Prayer is the way we talk to God. But having devotion is the way that God talk.
If we really want wisdom from Him... (The fear of the LORD is the beginning of wisdom. ~ Proverbs 9:10)
The Lord wants us to fear Him para hindi tayo magkasala. Kapag kasi may takot tayo sa Kanya, takot tayong magkasala. If we know Him more, mas lalo tayong magkaka-fear sa Kanya as our God. (Hindi 'yong takot sa multo na tatakbo ka hahaha) We all know how powerful He is.
3. Patuloy natin i-recognize Siya bilang Diyos ng ating buhay
"Ako'y makakasama nila at ako ang magiging Diyos nila."
He's a God that will never forsake us, that will save us, that is with us always. But of course, recognize Him as your God of your life.
Paano natin Siya i-re-recognize as our God?
- to live according on His standards (holiness)
- He's your only God-to live according on His standards (holiness)
Following Him is our life. Of course, we do it with love and by faith we have. We can't please Him by our own effort. We can do it by God's Spirit. Huwag na natin gawin pa ang pamumuhay natin sa nakaraan (old self). Not that easy, but it's not impossible. Alalahanin mo na Siya ang iyong Diyos.God has set us free from being slaves of sin gaya ng mga Israelita sa pagkakaalipin sa Egypt.
We are now focused on Jesus' finished work in the cross, having faith on Him, and He's our Lord and Savior. He's not only our Savior, but He's also our Lord! If He's our Lord, means we live in holiness. Living in holiness can be possible by depending by His Spirit, and not by our own effort. We can't do it by our own. We will continue to fall in sin if we depend on our own. It depends on our faith in God because a real faith has the works that pleases Him. Always evaluate yourself to the Lord if you're living according on His standards.
Sabi ni Jesus sa babaeng nahuli ng mga Pariseo na nakikipagtalik sa hindi niya asawa, "Go and sin no more." It means na we're commanded na huwag nang magkasalang muli- no to live in sin. Everytime we feel convicted of any sin, confess it immediately before the Lord. We shall stay clean... But it will be only possible by Jesus. We're children of God and because God is holy, we should be holy. We're on the process. He never stop working in our lives.
- He's your only God
Huwag natin hayaan na maglingkod tayo sa ibang diyos na like ng mga bagay-bagay sa mundo. Kapag hindi na Siya ang Diyos mo, ibig sabihin, may iba ka nang sinasamba. Kaya careful talaga tayo sa nabibigyan natin ng maraming oras dito sa mundo to the point na hindi na nakapaglalaan ng time for Him.Sa bawat gagawin natin, isipin natin na Siya ang ating Diyos. Pa-consult muna tayo sa Kanya sa bawat desisyong gagawin. I-seek muna natin Siya bago humarap sa lahat ng bagay. Isipin natin kung ano ang tama sa paningin Niya sa lahat ng gagawin natin. Our God is holy, so we must to.
Hindi ko sinasabing hindi na tayo nagkakasala, pero magkaiba ang nagkakasala sa nabubuhay sa kasalanan.
Huwag na huwag tayong mag-le-lean sa suwerte o maniniwala sa mga manghuhula (fortune teller). Magtiwala lang sa Kanya. Mas the best ang plan Niya. Hindi man ma-predict, pero magtiwala na the best iyon. Kasi kung naniniwala ka sa mga ganito o nag-consult at nag-depend ka na roon, parang iyon na ang nagiging diyos mo at lumalabas na wala kang tiwala sa Kanya.
So in short, remember He's your God in whatever decisions or actions you will do.
By doing this:
- We will know God more
- He will meet us
- He will spoke to us by His WordsKaya i-seek first muna Siya everyday mga kapatid. God bless. ❣️
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...