75. By God's Work

3.2K 23 7
                                    

Samantalang tumatakas sila sa paghabol ng mga Israelita, pinaulanan sila ni Yahweh ng malalaking tipak ng yelo buhat sa langit; umabot ito hanggang sa Azeka at napakaraming namatay. Mas marami pa ang namatay sa pagbagsak ng yelo kaysa tabak ng mga Israelita.
Josue 10:11

Ang unang mapapansin mo sa verse na 'to ay walang makatatakas sa Diyos. Kahit saan ka man magpunta, alam na alam Niya kung nasaan ka. Pero makikita mo rin dito na mas marami ang namatay sa pagbagsak ng yelo kaysa tabak ng mga Israelita. Sino ang may gawa ng pagpapaulan ng malalaking tipak ng yelo mula sa langit? Walang iba kundi ang Diyos.

Ang Diyos talaga ang kumikilos sa buhay natin upang magtagumpay tayo. Hinding-hindi tayo magkakaroon ng mga bagay na nasa atin ngayon kung hindi Niya 'yan ipinagkaloob. Hindi ka magiging marunong o magaling sa anuman na walang gabay ng Diyos. Nandoon na nag-training o nag-practice ka para mas ma-master ang isang skill o talent pero kung hindi ipinagkaloob sa 'yo o hindi Niya kalooban na magkaroon ka ng skill na 'yon ay hindi mo magagawa 'yon.

Nandoon na nag-effort tayo, nag-desire, at may faith na magtagumpay. Siyempre, para makapagtapos ka ng pag-aaral, hindi ka lang naman tutunganga e. I-de-declare mo na makapagtatapos ka tapos wala kang gagawin? Hindi 'yon ganoon. Faith without works is dead. Mag-aaral ka nang mabuti. Pero by His grace kaya ka makapagtatapos kasi habang nasa pag-aaral ka, may difficulties na kahaharapin.

Lakasan lang natin ang ating loob. Buo ang paniniwala na tayo'y magtatagumpay sa pamamagitan Niya.

Palaging tatandaan na Siya ang dahilan ng mga tagumpay natin. Kung sa sarili lang nating lakas tayo aasa, patuloy lang tayong matatalo. Tayo'y mapapahiya lang. Ngunit kung magsisimula tayo sa lahat ng gagawin natin na kasama ang Diyos, walang anumang laban ang hindi tayo magtatagumpay. Hinding-hindi mapapahiya ang nagtitiwala sa Diyos. Kaya sa lahat talaga ng pagkakataon, magpatuloy tayong huwag matatakot at huwag panghihinaan ng loob kasi kasama natin Siya.

Huwag nating iisipin na sa sarili nating kakayahan bakit tayo nagtatagumpay kasi iyon ang ikababagsak natin.

Magtatagumpay tayo kung...

1. Tumawag sa pangalan Niya.

Tumawag sila sa iyo at sa panganib ay nakawala, nagtiwala sila sa iyo at di naman sila napahiya. ~Mga Awit 22:5

Have faith. Walang anak ng Diyos na napapahiya at hindi magtatagumpay.

2. Inuuna natin sumangguni sa Kanya. Humihingi tayo ng gabay.

Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon, magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay.~Josue 1:8

Sa buong panahon ng paglilingkod ni Jose sa bahay ni Potifar ay pinatnubayan siya ni Yahweh. Anumang kanyang gawin ay nagtatagumpay. ~Genesis 39:2

Ito ang dahilan ng tagumpay sa buhay, ang gabay Niya. Ang patnubay ng Diyos ang siyang magpapatagumpay sa 'yo.

Napakahalaga na mag-spend time with God. Palaging paglaanan ng oras ang pagbubulay ng Salita Niya. Napakahalaga na malaman natin kung ano ang kalooban Niya at mapaalalahanan tayo. Tiyak na kapag sinunod natin ang kalooban Niya ay magkakaroon tayo ng kapayapaan, tagumpay, pagpapala, at magiging masagana. Malaking kawalan sa buhay natin kung hindi pagbubulayan ang Salita Niya.

3. Umasa sa Diyos.

Isinalaysay ni Jesus ang isang talinhaga upang ituro sa kanila na dapat silang laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa. ~Lucas 18:1

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon