31. God FIRST before anything else

4.9K 35 4
                                    

Matthew 6:33

Seek the Kingdom of God above all else, and live righteously, and he will give you everything you need.

♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣

Kapag si Lord ang inuna mo sa lahat ng bagay, napliplease Siya sayo. Sa paggising mo, hindi mo kinakalimutang pasalamatan Siya dahil meron ka na namang panibagong araw. Bago ka naman matulog, nagpapasalamat ka rin dahil hanggang ngayon buhay na buhay ka pa rin-- o kaya naman nagpapasalamat ka sa lahat ng blessings na meron ka, pero hindi lang dapat ang blessings ipagpasalamat, kundi ang lahat-lahat.

Kapag pinagkatiwala mo sa Kanya ang lahat, huwag kang mag-alala. Mapagkakatiwalaan Siya. At hindi ka mabibigo if you put your trust on Him.

Unahin mo Siya sa lahat ng bagay. Sapagkat sad to say, kung ano yung mga bagay na naiiuna mo sa Kanya ay ang pumapalit ng pwesto Niya-- o nagiging diyos mo. Mag-ingat ka! Kung ano yung bagay na siyang naghahadlang sayo sa Kanya, o kaya naman nagsasakop ng buong oras mo at hindi ka na nagbibigay ng oras sa Kanya kahit ilang minuto o oras wala, yun na ang nagiging diyos mo.

Kasi 'pag Siya ang inuna mo sa lahat ng bagay at namuhay ka ayon sa Kanyang kagustuhan or will Niya, ibibigay Niya sayo ang lahat ng kakailanganin mo!

Walang bagay ang anuman ang imposible sa Kanya (Luke 1:37). Magtiwala ka lang! Unahin mo lang Siya sa lahat ng bagay, magiging successful ka! Pero everything happens according to His will, may mga pangyayari talagang hindi natin magugustuhan, pero papalakasin ka nito.

Masarap sa pakiramdam ang unahin mo Siya at sinusunod mo Siya nang hindi ka napipilitan. Minsan, may mga times din naman na nagkakamali tayo, nagkakasala tayo-- pero if we confess our sins to Him, He just quick to forgive us na parang hindi nangyari.

Huwag kang tumingin lang sa mundo. Talagang marami ang imposible rito, nandito na ang lahat ng negative-- kalungkutan, masasaktan, iiyak, etc. But if you are with God, makukuntento ka at hinding-hindi ka kukulangin. Don't only focus on the blessings, focus on the giver of blessings. Halimbawa... Hmm...

May pitsel ka, tapos pumunta ka sa poso upang kumuha ng tubig at ang iyong lalagyanan ay yung dala mo. Nang matapos kang kumuha masaya ka dahil nakakuha ka ng tubig. Pero hindi ka nakasentro lamang sa nakuha mong tubig, kundi sa source ng tubig-- ang poso. (Naintindihan niyo po ba? Magulo akong mag-explain, gawa-gawa ko lang po e hehehe)

Yung tubig ay yung blessings na natatanggap natin-- at ang poso ay si God. Marami pang blessings kang matatanggap kung nakasentro ka lang kay God. Kung nakasentro ka lang sa blessings, wala rin. Kasi yun lang ang sinesentro mo, hindi yung pinagmulan nun.

God first before anything else! Unahin mo Siya sa lahat ng bagay at mamuhay ka ayon sa Kanyang kagustuhan at ibibigay Niya ang lahat ng mga pangangailangan mo at hindi ka kailanman kukulangin dahil meron kang Diyos na siyang nariyan 24/7 para sa ating lahat.

Seek Him continually. Huwag huminto. Ultimo ang mga naeencounter mong tao na devoted sa Kanya, they continually seek the Lord. Unahin mo Siya sa lahat ng bagay. Pray without ceasing. Ito lamang ang communication between God and man. Read bible upang mas lalo mo Siyang makilala.

*******

To God be the glory!

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon