18. You live or die for a reason

6.2K 58 3
                                    

Roma 14:7

Walang sinuman sa atin ang nabubuhay o namamatay sa kanyang sarili lamang.

________________________________
________________________________
______________

Tayo ay nabubuhay ng may dahilan. May purpose si Lord sa lahat ng mga bagay-bagay na nangyayari sa atin. May mga mahal tayo sa buhay na nawawala na lang at madalas ang sinasabi nila, "Kinuha na siya ni Lord." Di ba? God has always purpose on everything.

Sa palagay niyo, bakit kaya kayo nabubuhay? Ano ba ang purpose ko kung bakit ako nabuhay? Para lang magpakasaya? Magpasikat? Iplease ang lahat? Magmahal? Para sa pangarap? Para sa pamilya? Para sa magiging asawa mo? Para sa mga bagay-bagay sa mundo? Para ba kay Lord? Para nga ba sa paglilingkod sa Diyos?

Bakit nga ba tayo nabuhay?

.

.

.

.

.

.

Dahil sa DIYOS. Dahil sa purpose Niya. Dahil kagustuhan Niya.

*****

Hindi ka nabubuhay para lang sa sarili. "No man is an island." Madalas mo 'tong naririnig di ba? Ito na nga ang patunay.

May mga tao pang nagsasabi na "Bakit pa yun nabuhay e wala namang kwenta? Ano pa ang silbi niya dito sa mundo? Pabigat?" Don't think like that dahil hindi ikaw si Lord para magsalita ng ganyan. Wala kang alam sa mga plano Niya.

O kaya nasabi mo na ba sa sarili mo na, "Bakit pa ba ako nabuhay? Sana hindi na lang ako nabuhay kung maghihirap lang ako!! Kung masasaktan lang ako!! Kung mapupuno ako ng mga problema!! Sana hindi na lang ako nabuhay!"

Huwag niyong isipin na hindi maganda ang buhay at puro negative ang tingin mo. Minsan talaga hindi mo maiiwasan yan. Yung tipong hindi mo alam kung paano mo malalampasan ang lahat ng mga trials na hinaharap mo.

May purpose pa kung bakit ka nabubuhay. Maganda ang mabuhay! Huwag magtangkang magpakamatay dahil sayang ang buhay! Ang daming tao na nais mamuhay, pero may mga tao na nagpapakamatay dahil sa nais na pagtakas sa problema.

Ang pagpapakamatay ay isang kasalanan. Dahil hindi mo hawak ang buhay mo!!

Hindi ito ang paraan ng pagresolba sa mga trials sa buhay natin. Kundi ang paglapit natin kay God. Ito lamang ang siyang pinakamagandang paraan.

You're living in this world because of a purpose that God planned.

Bago ka pa lang isinilang ay nakaplano na. Nakangiti si God noon nakita ka niyang umiyak mula sa sinapupunan ng iyong ina nang ika'y maisilang.

~~~

Nabubuhay ka dahil kay God. Nabubuhay ka dahil sa iyong kapwa.

Alam niyo ba kung bakit wala kang ganun at meron naman siyang ganun? At kung anong meron ka at wala naman sa kanya?

Para kailanganin natin ang bawat isa. No man is an island nga e.

Kaya tayo ginawa na different ni God dahil hindi na challenging kung pare-pareho tayo..

At bakit hindi tayo perfect? Kasi kung perfect tayo, sa palagay mo ba e kakailanganin mo pa si God at kikilalanin mo pa ba Siya? Malamang hindi, dahil perfect na ang buhay mo.. Kasi iba pa rin yung may mga trials na dumarating sayo, mas napapalapit ka kay God, di ba?

°°°°°°

Hindi ka nabuhay para lang sa sarili mo. May plano sayo ang Diyos. Alam Niya ang the best para sa atin.

Mas maganda ang plano ng Diyos kaysa sa atin. Kaya mas alam Niya kung ano ang mas nakakabuti sa atin.

Kung bakit ka nabuhay.. Bakit ganyan ang itsura mo. Huwag mong sabihan ang sarili mo na pangit ka dahil si God ang nagcreate niyan! Pero huwag naman yung GGSS. Haha. Joke lang. Pero totoo, walang nilikhang pangit so God.

Hindi aksidenteng nacreate ka at nabuhay ka sa mundo. God has purpose.

May purpose pa kang bakit ka humihinga, nililigtas ka Niya sa mga kapahamakan, dahil may misyon ka pa.

We live for a purpose of God.

Huwag katakutan ang kamatayan.

Marami ang gustong pumunta sa langit, walang gustong mauna. Haha.

Mas katakutan niyo si God dahil kaya Niyang kunin agad ang buhay niyo at maaari Niya kayong dalhin sa impiyerno.

Pero hindi yung takot na tataguan mo Siya at parang monster.. Hindi naman. Ibang takot na 'yun. Ang takot na tinutukoy ko ay ang pagkatakot sa paggawa ng mali. Oo, hindi pa rin talaga natin maiiwasan minsan.. Basta't tayo'y magsisi at matuto sa pagkakamali.

Napalayo na ako.

=====

Nabubuhay tayo dahil sa kagustuhan ng Diyos, dahil sa Diyos. Hindi ka nabubuhay para lang sa sarili mo. Ipagkatiwala mo lamang sa Diyos ang lahat at huwag sumuko.

Ang buhay ay masaya! Pero hindi mabubuo ang salitang buhay without the trials.

Mabuhay ka man, mamatay ka man, may mabuhay man o mamatay na mahal mo sa buhay ay lahat may dahilan.

Everything happens for a reason.

You live for a reason.

You die for a reason.

They live for a reason.

They die for a reason.

******

Life.

A test
An assignment
Don't pray for easy life
Instead, pray to be stronger more
That's life!

2-4-6-8-2 syllables.

-Me

*****

God bless you always, and He is always there for us.

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon