Efeso 4 : 31-32Ang lahat ng kapaitan, at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala: At magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.
__________
Ilang beses kang mainis sa loob ng isang araw? ‛Yong tipong maya-maya maiinis ka, napipikon ka. Minsan nauubusan ng pasensiya. Parang tila kailangang magpaload ng unlimited pasensiya para lang magkaroon nito. Kailangan magpigil. Kailangan pag-isipan ang mga bawat sasabihin mo. Minsan hindi mo namamalayan nakokontrol ka na ng emosyon mo kaya kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig mo. Mag-ingat ka Bes. Hehehe.
O kaya naman may nangyari sa iyo tila hindi mo matanggap, ‛yong tipong maalala mo sa tuwing nakikita mo ang taong gumawa nun. Akala mo, napatawad mo na siya pero naalala mo pa rin ang sakit. Kung sana ganoon lamang kadali na kalimutan- parang pambura, burahin na lamang ang ala-ala. O kaya naman, itaktak mo ang utak mo para lumabas na ang memory mo tungkol doon at mawawala na. Kung ganun lamang sana kadali.
Pero HINDI eh. HINDI ganoon kadaling kalimutan. Nandyan ‛yong pagiging bitter, makasabi ng WALANG FOREVER dahil iniwanan ng girlfriend/boyfriend o kaya hindi sila mahal ng mahal nila. Be careful dahil may forever. Kapag si Lord ang minahal mo, hindi ka magiging bitter. May forever na or eternity.
Nagiging bitter din dahil sa sobrang sakit na nadarama. Ito ay s‛yang daan tungo sa paghihiganti. Sabi nga ng kaklase ko, "If you want to be happy for a moment, take revenge. If you want to be happy for a long time, forgive and forget." Sarap pakinggan, hindi ba? Marami ang piniling gumanti para maging quits sila. ‛Yong tipong gustong-gusto rin nila na maranasan din ng mga kagalit (pinagtaniman ng galit) nila ang naranasan nila. Pero kung maghihiganti ka lang, you're just wasting your effort! At nagpapabilanggo ka lamang sa sarili mong galit.
Ang lahat ng kapaitan, at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala: Basahin mo nang paulit-ulit. Ano ang pagkakaintindi mo?
Dahil nandito tayo sa mundong puno ng tukso, lahat na lamang ng hirap ay maaari mong maranasan. Nasasaiyo iyon kung magiging bitter ka.
Lahat ng mga gumawa ng masama sa iyo, hayaan mo na ‛yan! Ipagkatiwala mo na lamang sa Diyos! Ipagdasal mo pa siya na pagpalain pa siya- it looks difficult pero kung gugustuhin mo ay magagawa mo. Love your enemies, ika nga.
Hindi ka nagiging malaya kung nagpakulong ka sa sarili mong galit.
Masasamang akala- Minsan hindi iyan maiwasan ng karamihan, hindi ba? Iyong tipong nagcoconclude na sila agad. Ni hindi pa nga nila nalalaman ang buong kwento, nagsasabi na ng kung anu-ano.
At magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.
Huwag magsawa sa paggawa ng mabuti. Patuloy ka lamang sa paggawa nito. Walang mawawala sa iyo kung gagawa ka ng mabuti. Mapapasaya mo pa si Lord. Do good always. Pero may mga times na nagkakamali at nagkakasala tayo- humingi ka ng tawad kay Lord ng sincere. :)
Maging maawain. Mahabagin.
Magpatawad?
Hindi ito isang iglap sa atin. Nasa proseso ang bagay na ito. Maaaring nasabi mong, "Pinapatawad na kita," pero naroon pa rin, naalala mo pa rin ito. Minsan ang daling sabihin pero ang hirap namang gawin.
Paano mo malalaman kung hindi mo pa tunay na napapatawad ang isang tao? Kung nararamdaman mo pa rin ang galit. Iyon. Kung napatawad mo na siya ng totoo? Hindi ka nagfofocus sa pangyayaring 'yun. You're moving on at hindi mo na ito iniisip pero aminin mo, maalala mo 'yun minsan kasi may marka na, it leaves scars pero hindi ka galit sa kanya. (Opinion ko lang po).
Pero si Lord, humingi ka lamang ng tawad sa Kanya ng sincere, He will just quick to forgive you like it didn't happen. Mahal na mahal kasi Niya tayo. Hindi sapat ang mga salita upang maipakita ang Kanyang pagmamahal sa atin.
Magpatawad ka ng kapwa, papapatawarin ka rin ng Diyos.
Basahin niyo po ang Mateo 18:21-35. Tungkol po ito sa pagpapatawad sa ating kapwa.
Ano po ang pagkakaunawa niyo po sa parabulang ito? Share niyo naman. Hehehe.
Kung pinatawad ka ng Diyos, it's your turn now to forgive on those who sinned against you. Mahirap pero with Him, nothing is impossible.
Mahina man ang flesh, ngunit laging handa ang Espiritu. Mas mahalaga ang Espiritu kaysa laman. Manalangin ka lamang na turuan ka ni Lord kung paanong magpatawad. I tell you, ma-oovercome mo ang lahat ng kinahaharap mo kung kasama mo ang Diyos.
*****
"Let your past makes you BETTER, not BITTER."
Sa lahat ng mga nangyari sa iyo, just think it happens for a reason. Reason na hindi mo pa malalaman sa ngayon. Malay mo makatulong ka sa iba dahil kasalukuyan silang dumaraan sa pagsubok na iyon. God controls everything. Pinapalakas at pinapatatag lamang Niya tayo sa lahat ng mga nangyayari sa ating buhay.
Masasakit man ang mga naranasan- mabibigat man ang pagsubok, pero di ba, you survived with the Lord?
Maging ang nakakaharap mong sitwasyon na kung saan ay may dahilan ka para magalit- huwag magpapakontrol sa galit. Ikaw ang mamuno/kumontrol sa galit mo.
Nasasayo kung gugustuhin mong maging masaya at maging malaya sa anumang galit.
Huwag nang pag-aksayahan ng oras ang tsismis dahil karamihan sa mga ito ay pawang paninira lamang.
Iwasan magkaroon ng alitan lalung-lalo na maliit na bagay lamang ang s‛yang dahilan. ‛Wag magpapadala sa busgo ng damdamin.
Live to please God not people.
♥♥♥
Ang bilanggo (tula)
By : NylNed20 (me)
Huwag kang magpabilanggo
Hawak mo ang susi ng kandado
Ang nagkulong sa iyo'y sariling galit
Piliing maging malaya ulit.Ikaw lamang ang s‛yang makakapagbukas nito
Kasama mo ang Diyos sa pagharap ng lahat ng ito
Kalimutan ang paghihiganti
Wala itong patutunguhang mabuti.Magalak ka na lamang
Malaya mula sa anumang kapaitan
Hindi nga lang madali gaya ng pagsubo ng pagkain
Kung gugustuhin, kakayanin.Buksan mo na, para ika'y hindi na isang bilanggo
Tanggapin sila sa buhay mo
Magsimula kang muli
Ito'y hindi pa huli.♥♥♥
God bless! ♥
09-09-16 (08:59PM finished)
Ngayon lang napublish ;)
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...