May one shot story na naman po! Nawa may mapulot kayong aral. :)
God bless...
__________
Holy week nga pala ngayon. Who cares? Nga pala, wala akong pakialam at di ako naniniwala sa Diyos.
Para saan pa nga ba?
Tignan mo, haay. Lahat sila may ganoon, tapos ako, wala? Nasaan ang hustisiya?
Nang mamatay ang nanay ko, nasaan Siya?
Nang maghirap ako, where are You?
How ironic is that I'm talking to Him kahit na di ako naniniwalang nag-exist Siya.
Tapos noong naglayas naman ang aking magaling na tatay, nasaan Ka?
Tama na nga ang drama, I'm talking to the one that's not existing.
Nandito pala ako sa bahay namin. Sitting beside my older sister. Siya nga pala ang panganay at siya'y responsable kahit na ganito ang buhay namin. Mahirap lang kami, pero nakakain naman kami ng 3 beses sa isang araw.
Si ate Cresencia, siya'y 20 years old na..
Maundy Thursday nga pala ngayon.
Wait, di pa pala ako nakakapagpakilala, I'm Henry Henslowe. Isang lalaking di naniniwala sa Diyos. Isang taong may sariling paninindigan.
"Ate ba't ka ba naniniwala sa Diyos? Anong napapala mo ha?" Tanong ko sa kanya. Kasalukuyan kasi siyang nanonood ng palabas sa TV na tungkol kay Jesus ba yun.
"Napapala ko? Tinatanong pa ba yan?" Grabe talaga sa akin si ate oh.
"Ate, you've stated the obvious, of course! I'm asking." Pang-aasar ko.
"Bahala ka diyan, manonood ako, 'wag distorbo. Manood ka nga rin para di ka na magpaka-atheist diyan. Hay," sabi niya.
"O de," sabi ko.
Nakatutok siya sa TV at ang lalim ng mga iniisip niya habang nanonood sa TV. Di ko alam kung bakit ganoon kalalim ang iniisip niya, siguro yung mga "Reflection" niya sa napapanood niya.
"Tignan mo, si Lord nagkatawang-tao at isinugo ng Diyos para sa pagmamahal sa atin. Ikaw, (turo ako) kahit ganyan ka, He loves you." Sabi niya sa akin.
"Love? E bakit di ko siya nakikita?"
"Ewan ko sayo, ayaw kong makipagtalunan sa isang atheist." Pinagdiinan niya ang word na huli. Nang-aasar talaga 'to e.
"Manood ka, kukutusan at pepektusin kita 'pag di ka nanood." Sabi niya.
"Wala namang ganyanan ate,"
"Anong walang ganyanan, Henry?"
"Wala, naiihi kasi ako."
"Wag kang magpalusot ha? Paniguraduhing mong totoo yan ha?"
"Opo naman, sige ate," Sabi ko at nagpaalam ako. E totoo naman, kayo ba di naniniwala? Bahala kayo diyan at iihi na ako.
Paglabas ko...
Pumunta ako at tumabi ako kay ate.
"Manood ka ha!" Sabi niya at binatukan ako.
"Opo!" Sabi ko. Wahahaha. Napilitan ako ha!
Napatutok nalang ako sa TV. Nanood ako, napanood kong nagdadasal yung Lalaki at nagpatak ng pawis na para bang butil ng dugo.
May nagpakitang anghel sa Kanya. Nagpapalakas-loob sa Kanya.
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...