COMEBACK
NAWILI NA 'ko sa mga bagay-bagay sa mundo. Kinalimutan ko na nakilala ko si Lord. Pinagpalit ko na Siya sa mundo.
I am worse than ever. Nag-give in ako sa lahat ng temptations. Pinasaya ako no'n e. Na-boring ako sa pagiging Kristiyano. Nag-focus ako sa emosyon- may minahal akong lalaki; siya ang dahilan kaya nawala ang innocence ko. Binigay ko sa kanya ang lahat, pero niloko ako. May asawa na pala ang demonyong iyon. Kaya pinapatos ko lahat ng nanliligaw sa 'kin. Lahat sila pinaglaruan ko at hindi p'wede na walang mangyari sa bawat nakarelasyon ko. Naging marumi ako; hindi ako nararapat na tawaging Kristiyano kaya ito, binaling ko na lang ang aking sarili na sa tingin ko na ako'y nababagay- sa mundo.
Nagpakasaya ako sa mga ni-offer ng temptations. Ang paggawa ng kasalanan ang aking nakagawian at nagdudulot sa 'kin ng satisfaction of the flesh. Akala ko mabubusog ako ng mga maka-mundong bagay. Pero sa huli, kulang pa rin. May hinahanap pa rin ako na ang hirap paliwanag.
Binabaling ko ang kulang na 'yon sa addiction sa isang bagay pero wala pa rin- mas lalo lang lumalala ang sitwasyon ko. Unti-unti lang ako nasisira. Gumigising nga ako sa araw-araw, pero pakiramdam ko para akong patay na naglalakad.
Nandito ako sa k'warto ko. Nagmumukmok ako. Hiniwalayan ko na ang last relationship ko. Hindi naman ako masaya e at nahuli kong may babae rin. Lagi na lang akong broken sa huli. I am rejected.
Nawawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay. Nababalutan ako ng dilim- kawalan ng pag-asa sa buhay. Umiiyak na lang ako nang walang dahilan. Wala akong nararamdaman. Hindi ako masaya at hindi ako malungkot.
Sawa na ako sa buhay na ganito! Gigising na lang na tila walang silbe ang bawat paghinga at may pain inside of me na kinakain ako unti-unti. Para na rin akong namamatay. Naglalaro sa aking isipan ang lahat ng worst na nangyari sa buhay ko.
Binuksan ko ang drawer ko at balak ko sana'ng kunin ang cutter- baka sakali sa bawat pagguhit ko sa balat ko gamit ang cutter ay maiibsan ang sakit na nararamdaman ko pero may biglang pumasok sa k'warto ko na 'di nagpapaalam.
"Kumusta ate?" nakangiti niyang bungad sa 'kin pero pagkairita ang naghari sa 'kin kaya nasigawan ko siya na umalis pero walang epekto sa kanya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses nagkukulit 'to sa 'kin na bumalik na ako sa Diyos.
"Ate, ano na ang nangyayari sa 'yo? Ate mahal ka ng Diyos-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.
"Pakialam mo ba?" walang emosyon kong sabi. "Ako, mahal Niya? T-Talaga ba?" Tinuro ko ang sarili ko. Sana makuha niya ang sarcasm sa boses ko.
"Malamang, may pakialam ako ate Hannah! Hindi ako sanay na gan'yan ka... Mahal ka ng Diyos ate kahit ilang beses mo Siyang talikuran at-"
"Sanayin mo na," malamig kong sagot sa kanya. "Umalis ka na nga sa k'warto ko. Gusto ko mapag-isa." Binabalewala ko ang sinasabi niya about sa Diyos niya.
"Hindi mo ba na-mi-miss si Lord? Pero ikaw, miss na miss ka na Niya. Mahal ka Niya ate, 'di 'yon magbabago." Tinignan ko lang siya pero bigla akong nakaramdam ng pagka-miss in something.
"Sige ate, sorry talaga kung ang kulit ko. Ate balik ka na kay Lord! Hindi na po uso ang pag-backslide sa panahon na ito. Mwaah!" Nag-flying kiss siya sa 'kin at saka lumabas ng k'warto.
"Hindi mo ba na-mi-miss si Lord? Pero ikaw, miss na miss ka na Niya." Hindi ko maintindihan kung bakit ulit-ulit 'yan sa isipan ko.
May ala-alang nag-play sa isipan ko.
"... Mahal tayo ng Diyos! Kaya Niya ibinigay ang kaisa-isa Niyang Anak upang maligtas tayo mula sa 'ting kasalanan! Kayong nandito, gusto n'yo ba'ng tanggapin si Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas?"
"Yes poooo!" naiiyak na sagot ko. Marami rin ang nag-oo. Damang-dama ko ang presence na hindi mapaliwanag. Ang saya at gaan sa pakiramdam. Naluluha na ako. Tila may yumayakap sa 'kin.
"Sumabay kayo sa panalangin ng pagtanggap."
Hindi ko namalayan na naiiyak ako sa naalala ko. Iyon ang araw ng pagtanggap ko at unang pag-ibig ko sa Kanya.
Hindi ko kinaya ang mga pagsubok na dumating sa buhay ko. Sobra akong na-down at tila gugustuhin ko na lang ang mamatay. Hindi ko na makita ang pag-asa sa buhay kong ang dumi-dumi na. Binuhos ko kasi ang mga problema sa paggawa ng kasalanan.
Hindi ko namalayan ang sarili ko na pumikit, yumuko, at pinagdikit ang dalawang kamay upang manalangin. Inalis ko lahat ng hiyang nararamdaman ko sa paglapit sa Kanya.
Feeling ko may nag-li-lead sa ginagawa ko.
I decided na lumapit ulit sa Kanya. Hindi 'yong nagpapanggap na maayos lang. Lumapit ako bilang ako na broken, rejected na klaseng buhay, at marumi. Wala akong tinago sa Kanya. Nagpaka-transparent ako sa harapan Niya. Nagpakatotoo ako. Lahat-lahat, sinabi ko. At higit sa lahat, nagsisi ako sa lahat ng ginawa ko na sumira lang ng buhay ko. Gusto ko na ang bumalik sa Kanya.
Basang-basa na ang mukha ko ng sarili kong luha. Grabe 'yong pag-ibig ni Lord- hindi ko kinakaya! Naluluha ako sa presence Niya! 'Di ko namalayan na itinaas ko ang kamay ko; kinanta ang isa sa mga paborito kong kanta noong nagsisimba pa ako.
🎶 Take this fainted heart
Take these tainted hands
Wash me in your love
Come like grace againEven when my strength is lost
I'll praise you
Even when I have no song
I'll praise you
Even when it's hard to find the words
Louder then I'll sing your praise... 🎶Hindi man lang nagdalawang-isip si Lord na tanggapin ako ulit!
"Waaaah! Praise the Lord for that!" Napalingon ako sa kapatid kong tumatakbo pumasok sa k'warto ko. "I saw that. I prayed for it! Thank You Lord at bumalik ka na sa Kanya!"
"Faith! Salamat sa prayers mo. Naiiyak ako." Pagkalapit niya sa 'kin, agad ko siyang niyakap.
"Grabe si Lord!"
"Yeah... Hindi Niya ako hinayaang malayo sa Kanya nang tuluyan. Tunay ngang hindi Siya nagbabago."
"Nakaramdam ka ba ng hiya noong gusto mo'ng bumalik sa Kanya?" tanong niya sa 'kin.
"Oo, Faith. Hindi naman maiiwasan 'yon kasi nakakahiya talaga lahat ng ginawa ko pero mas dakila ang pag-ibig Niya."
"Kadalasan 'yon ang ginagamit ng kaaway (devil) para 'di ka makabalik sa Lord! 'Yon kasi ang kinakatakutan talaga nila, ate... Ang comeback mo sa Kanya!"
"Praise God dahil na-overcome ko ang hiya."
"No turning back na ate, a? Laban lang." She smiled.
🎶 I have decided to follow Jesus
No turning back... No turning back!
The cross before me
The world behind me
No turning back... No turning back! 🎶💙
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
ДуховныеThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...