15. The SEEN and UNSEEN things

5.5K 51 4
                                    

2 Corinto 4:18

Kaya't ang paningin namin ay nakatuon sa mga bagay na di nakikita, at hindi sa mga bagay na nakikita. Sapagkat panandalian lamang ang mga bagay na nakikita, ngunit walang hanggan ang mga bagay na di nakikita.

_________________________________
_________________________________
_____________

Madalas niyo po bang mabasa ang verse na nasa itaas? O minsa'y ito ay madalas na nasa English translation? Halina't alamin natin kung bakit nga ba walang hanggan ang mga bagay na di nakikita, at kung ano pa ang syang nakikita, eto pa yung may katapusan.

Huwag tayong magpokus ng sobra-sobra sa mga bagay na nandito sa mundo (the seen things) We must focus on the things that we didn't see (the unseen things) Bakit sa mga hindi nakikita dapat nakatuon? Ehh hindi naman nakikita, ano naman ang dahilan para gawin yun? Ehh di ba sabi ng karamihan 'to see is to believe?'

Oo nga naman. Hindi mo nakikita, tapos doon ka dapat nakatuon?

Kasi ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan. Si God ba ay nakita mo ng personal? Sino sa inyo ang nakakita sa Kanya? Di ba wala pa? Ngunit ang pure ang kanilang mga puso ay syang makakakita ng personal sa Panginoon.

***

Huwag tayong magpokus sa yaman ng mundong 'to o mga bagay na naririto sapagkat ang lahat ng narito ay may katapusan o panandalian lamang ang lahat ng mga 'to, at isa na nga tayo, hindi tayo permanente sa mundo. Walang forever sa mundo. Hindi po ako bitter, wala talagang forever sa mundo, kay God lang naman talaga. Hindi dito ang tirahan natin (mundo) kung baga bumibisita o nagbabakasyon lamang tayo dito sa mundo. Ang tunay na tirahan natin ay ang eternal life. Ang mga bagay na di nakikita ay walang hanggan, ang Diyos, wala pang sinuman ang syang nakakakita sa Kanya, Siya ay walang hanggan. Kaya mas pahalagahan ang mga bagay na di nakikita kaysa sa mga panandaliang bagay na nakikita sa mundong 'to.

__

Huwag tayong mahumaling sa mga nakikita dahil hindi ito permanente, panandalian, at may katapusan. Halimbawa na lamang nito ay ang mga kayamanan, nauubos, nanakaw, nakakalawang... Ngunit ang kayamanan na inipon mo sa langit ay hindi magaganon.

At ituon na lamang natin ang paningin natin sa mga bagay na hindi nakikita, or simply the eternal things, sapagkat ito'y walang hanggan.

Itungo na lamang natin ang paningin natin kay Lord. Mas malaki Siya sa mga problema o anumang bagay na nandirito sa mundo. Kumapit ka lamang sa Kanya, at sa Kanya ka lamang manalig, at magkaroon ng faith sa Kanya. Just trust Him on everything happens. Hindi natin alam ang dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay na ganoon sa atin, madalas tinanong natin si Lord, "Bakit? Bakit nangyayari po ang lahat ng 'to? Ang dami pong tao sa mundo, bakit po ako pa?" Relate ba? Hehe.

Huwag natin gawin komplikado ang isang bagay.. Hindi komplikado ang pagtuon ng paningin sa mga unseen things, bagkus ito'y pangwalang hanggan.

Kung tunay kang kay Lord, kay Lord ka talaga.. Ngunit, habang may panahon pa, magsisi na at magbalik-loob sa Diyos....

Forever ang mga bagay na hindi nakikita! Parang si Lord lang.. Hindi Siya natutulog... At walang forever sa mundo, maging ang mga pagsubok , hindi yan forever, wala ngang forever sa mundo ei! Happy lang! :)

"Focus on the things that are unseen. Don't give too much time on the things that are not permanent, they are just temporary."

~~~

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon