1 Corinto 4:5
Kaya't huwag kayong humatol ng wala pa sa panahon; maghintay kayo sa pagdating ng Panginoon. Siya ang maglalantad ng mga bagay na ngayo'y natatago sa kadiliman at maghahayag ng mga lihim na hangarin ng bawat isa. Sa panahong iyon, bawat isa'y bibigyan ng Diyos ng angkop na parangal.
♦♦♦♦♦
Lahat tayo at may lihim. Aminin mo man o hindi meron at meron ito. Ngunit ito'y natatago pa lamang at ang lahat ng lihim natin ay alam ng Panginoon. Maging ang bawat salita natin sa isip man o naririnig man ng tao. Lahat tayo ay mayroong nakaraang hindi maganda na ginusto natin na hindi na malaman ng iba.
Ngunit sa hindi natin inaasahan, meron palang nakakaalam nun at LIHIM na sinabi ito sa mga malalapit sayo. Yun na nga, masisiraan ka na gamit lamang ang lihim mo at hinusgahan ka na ng karamihan.
Panghuhusga--- judgment. Ito ay nagawa mo na, aminin man natin o hindi nakapanghusga na tayo ngunit hindi nga lang ito lantad. Kasi yung utak natin ay may pang "judgment" itong part.
Ngunit, tayong mga tao at walang karapatang manghusga sapagkat limited lamang ang kaalaman natin sa kwento ng isang tao. Yung nakikita lang natin/ naririnig lamang natin ang siyang pinanghahawakan mo sa panghuhusga. Siguro nga e wala pa sa 30% ang nalalaman mo tungkol sa kanya. And we're not perfect to judge.
Ang Panginoon lamang ang siyang may karapatang humusga sa atin sapagkat alam Niya ang lahat ng bagay. Hayag man o hindi, alam Niya. Alam Niya ang bawat lihim mong kilos, ang buong kwento mo, ang kalakasan at ang kahinaan mo. As in lahat.
Kapag nanghuhusga ka ng tao, inunahan mo na ang Panginoon sa panghuhusga. Kaya mag-ingat ka! Minsan aminin natin hindi natin sinasadya ang paghusga sa iba dahil sa nakikita't naririnig mo lang no?Sasabihin natin, "Bakit siya ganoon?" Kasi wala ka ngang alam na kwento tungkol sa kanya ay ginagawan pa ng kung anu-anong kwento. Yan ang mahirap sa ibang tao no?
Hintayin niyo nalang si Lord. Siya lamang ang may karapatang humusga sa ating lahat.
Siya'y magbibigay ng gatimpala sa bawat isa sa atin. Siya'y pantay humatol. Hindi tulad natin na minsan may kinikilingan tayo. Alam Niya ang bawat detalye tungkol sayo. Alam Niya ang bawat sinabi mo at mga lihim mo.
Kung ganyan ang ugali ng isang tao, 'wag agad husgahan. Wala tayong alam sa mga pinagdaanan niya. Kaya imbis husgahan, try to understand at sabihin sa kanya kung ano ang tamang gawin. Sinasabi ko sayo, walang mapapalang maganda ang panghuhusga sa isang tao.
Lahat ng tao'y may kahinaan na part. Nakikita mong malakas yan pero may kahinaan din yan. Walang taong perpekto kaya imposible na walang kahinaan yan.
Kung tumingin ang Diyos ay pantay-pantay. Walang kinikilingan o favorite. Hindi sa panahon kung kailan ka sumampalataya kundi ang ngayon, kung nananatili ka pa rin sa Kanya at sang FAITH na nasa puso mo.
FAITH ang makakapagligtas HINDI ANG GOOD WORKS. But good works are next to FAITH. Dahil isinasagawa mo kung ano ang kinalulugdan Niya by His Words.
Lahat tayo nagkasala. But JUST repent with all your heart and confess it to Him. Sa Kanya. Direkta. Hindi naman masama ang makipag-usap sa Kanya, masaya pa nga Siya nun e.
Just HOPE. Hindi ka mabibigo sa Kanya. Huwag manghusga ng kapwa dahil pinangungunahan natin ang Diyos, wala tayong alam sa mga nangyari sa taong yun at hindi tayo perfect.
Tandaan, alam ng Diyos ang bawat hangarin mo. Alam Niya ang lahat.
Kaya lang naman ako nagsusulat dahil sa Kanya at gusto kong ibahagi sa inyo ang lahat ng mga nababasa niyo. Kung wala Siya, panigurado hindi niyo 'to mababasa. If I'm gonna apart from Him, I can do nothing. Sa Kanya lang ako kumukuha ng lakas upang maisagawa ang lahat ng bagay. Inaamin ko, gusto ko marami ang makabasa nitong sinusulat ko. Hahaha. Para may matutunan sila-- this is my purpose why I'm writing this. Hindi ako nagpapasikat o nagbabanal-banalan. I'm just writing what my heart wants. At madagdagan ang kaalaman niyo, kahit alam niyo na ang iba rito. Hehehe.
Huwag niyong husgahan ang isang tao dahil lang sa religion niya ne? Kasi hindi naman sa religion ka maliligtas, kundi sa pananalig sa Panginoon. Huwag lubos na magtiwala sa religion. Sa Diyos lamang. Mapapahamak ka kung sa religion ka nagtiwala. Si Lord lamang ang religion mo. It's not about your religion, it's about your relationship with God.
_______
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...