He says, "Be still, and know that I am God; I will be exalted among the nations, I will be exalted in the earth."
Psalms 46:10(You may read the whole Psalm 46 if you want)
They are praising the Lord, remembering what He has done, and they have confidence in Him.
When we search the word "still" on dictionary...
a : calm, tranquil
b : free from noise or turbulenceMaybe, super common na sa inyo na mabasa ang salitang iyan ngunit may nais lang akong ipaalala.
Paano nga ba maging still sa kabila ng lahat? Still... tahimik, tigil, kumalma...
We are so busy everyday. May times na feeling natin we are so restless or exhausted. Kapatid, kapag bigat na bigat tayo, we can rest at His presence pero paano nga ba?
Paano maging free from noise kung ang mga problema ay tila hindi natatapos, ang anxiety na patuloy na umaatake, ang kalungkutan na tila hindi malaman kung nais tumigil, ang pain na hindi mawari, at iba pa na kagaya nito?
Madaling sabihin ng iba na mag-pray ka lang, have faith, at i-surrender mo sa Lord ang lahat... Oo, iyon ang mainam na gawin, ngunit paano nga ba gawin 'yon?
Mas madali pa'ng bitawan at i-off ang cellphone kaysa i-off ang isip na patuloy sa pag-iingay. Mas madaling patigilin ang ingay mula physical kaysa patahimikin ang ingay na nagmumula sa isip. Mas madali ang mag-overthink kaysa gawin ang dapat gawin. (Own opinion)
Mahirap mag-focus lalo na kung hindi makapag-surrender sa Lord. Mas pinipili na panghawakan kaysa i-let go. O kaya naman, gusto mag-let go ng mabigat na burden ngunit hindi magawa. Gusto'ng magkuwento subalit walang salitang mailabas. Mahirap mag-pray lalo na kapag ang daming balakid sa isip. Mahirap mag-surrender kung hindi willing at lalo na kung nawawalan na ng faith. (Based on experience hihi) Don't loose hope, makikita at maiintindihan mo rin ang lahat pagdating ng tamang oras. Hindi mo kailangan intindihin nang super ang lahat ng bagay. Trust the Lord even if you don't understand what He is doing. Mapagkakatiwalaan natin Siya. May kasiguraduhan sa hinaharap. If we really trust Him, we can submit at His will.
How to be still?
1. Calm
2. Have Faith
3. Pray
4. Cast your Anxieties
5. Trust HimAng pinakamainam na gawin sa una ay ang kumalma ka... Hingang malalim. Pause your mind. Pause your thoughts kahit pakiramdam mo ang hirap gawin no'n. Set aside everything first. Huwag muna isipin ang alalahanin at mga problema. Remember that He's in control. Fill your mind with God's Words. Remind yourself about it. Sa una, mahirap talaga gawin iyan pero tiwala ka lang, walang imposible with His help. Sa una lang talaga mahirap ang lahat.
The Lord will fight for you; you need only to be still."
Exodus 14:14Cliche but that's the truth.
Hindi ka mag-iisa sa laban na 'yan. Kasama mo Siya. Kailangan mo lang pumanatag at magtiwala.
Pause for a while and meditate God's Words and His promises. Itigil mo muna sandali ang pinagkakaabalahan mo. Have quiet time with God. If nahihirapan ka talaga, ask for God's help and after on Him, ask help too sa kapatid through faith na iyong pinagkakatiwalaan. If nahihiya ka man, you can lean on God pero siyempre natutupad natin ang commandment Niya if we carry each other's burden, helping each other in faith.
Remember na Siya talaga ang source ng ating lakas at Siya ang kanlungan natin sa lahat ng oras. If our mind is in trouble or we can't stop the thoughts, panghawakan na He is our refuge and strength.
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...