61. Sino ang makapagliligtas?

2.5K 17 0
                                    

Our Scripture for this part is Roma 7:24-25

Anong saklap ng aking kalagayan! Sino kaya ang magliligtas sa akin sa kalagayang ito na nagpapahamak sa akin? Wala nang iba pa kundi ang Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon! Salamat sa kanya! Ito nga ang kalagayan ko: sa aking isip, pinaglilingkuran ko ang Kautusan ng Diyos, ngunit sa aking katawang makalaman, pinaglilingkuran ko ang tuntunin ng kasalanan. (Roma 7:24-25)

Nasubukan niyo na bang gawin ang isang bagay na labag sa iyong kalooban? Tila may parang kumikilos sa inyo na force na gawin ang isang bagay na alam mong mali? O kung hindi, may ginusto ba kayong gawin pero sa bandang huli ay pinagsisisihan?

Alam natin ang mabuti. Kayang naisin ang paggawa ng mabuti. Nabasa o narinig na natin ang mga Salita Niya. Nakapag-devo na rin. Alam na alam natin. May pagkakataon sa buhay na nagagawa natin ang masamang hindi natin nais. Minsan nawawalan tayo ng self-control at nadadala ng emosyon.

'Yong feeling na naiinis ka na sa sarili mo kasi naiisip mo na nagkasala ka na naman. Naramdaman niyo na ba? O kapag nagkakasala ka... Nahihiya kang lumapit sa Kanya? He knows everything, e.

Matakot ka na kung walang conviction sa 'yo na mali ang iyong ginagawa. Matakot ka na kung hindi ka nakokonsensya sa nagawa mong kasalanan.

Ibig lang sabihin niyan, God is still working at your life. Ayaw ka Niyang maalipin sa kasalanan. Pinalaya ka na Niya riyan, e. He is so good that He convicts you to repent and come back to Him.

Hindi Siya namimilit ng sinuman. Basta ang nais Niya ay ang nakabubuti sa 'tin. Tinawag Niya tayo upang maging holy katulad Niya. Holy by faith in Jesus and works that is fruit of your faith.

Kapatid, sa kasalanan ka mainis. Pagsisihan- talikuran na 'yon. Isuko mo sa Kanya. Mahirap ang may pasan nang nag-iisa. Willing si Lord na tulungan ka; basta magpatulong ka. Paano ka Niya matutulungan kung hindi ka willing?

Don't condemn yourself by the sins you've committed. Confess mo kay Lord 'yan. You are forgiven- not just partially forgiven. Mahal ka ng Diyos. Nakalimutan mo na ba na sinabi ni Jesus bago Siya mawalan ng hininga nang ipinako Siya sa krus? "It is finished"

Mga kapatid, tinapos na ni Jesus ang lahat! The struggles that we have right now ay ang magiging instrumento upang mas makilala natin Siya at mas lumago tayo.

Lahat ng mga nangyayari ay magiging testimonies na makaka-touch at ma-i-inspire ang sinuman. Mas nakikilala natin Siya sa mga kaganapan sa buhay natin.

Paalala lang, we are on process. Lifetime ang Christlike character. Hindi 'yan isang pikit lang ay nariyan na. Pero nang tinanggap natin si Jesus bilang Lord and Savior, binago na tayo- yes, and that's an example of miracle.

Unti-unti tayong binabago. Kasi kung walang pagbabago, magtaka ka na. Meron at meron 'yan. Kumikilos si Lord, e. At willing ka na kumilos Siya sa buhay mo.

'Wag lang natin kalilimutan na ang tunay na mga anak ng Diyos ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala. 'Yong namumuhay na sa laman o pinaghahari ang gawaing makamundo.

Bakit sa tingin mo ay nagagawa ang isang kasalanan na hindi na nais?

*Mas nag-re-reign 'yong flesh natin sa pagkakataon na 'yon.

Ang hirap magpasya 'no? Nag-aaway sa isip mo 'yong masama at mabuti. Against sa kagustuhan ng Spirit ang gusto ng flesh kaya salungat talaga.

Minsan 'di na natin alam kung san tayo makikinig. Syempre sa huli, tayo pa rin ang masusunod kung alin doon ang susundin natin. Pero sa lahat ng pagkakataon, ang best thing to do ay ang i-reign ang Spirit of God. Hindi ka mapapahamak kapag Siya ang sinunod mo.

*Likas na kahinaan.

Ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng tao. We are now under God's grace not law. Law is the basis kung nagkasala ka and ito rin ang nagsasabi na we need Jesus.

Mahina tayo- oo mahina tayo kapag wala Siya. Hindi natin kaya mag-isa. Hindi natin ma-o-overcome ang kasalanan kung tayo lang. We need Jesus- desperately! Kailangan ng lahat si Jesus.

*Nadadala tayo ng emosyon natin.

Sa sobrang pagka-carried away sa emosyon, tayo na ang na-ko-control nito; tayo dapat ang mag-control don.

*Hindi natin kaya mag-isa i-overcome ang sin.

Mahina tayo pero mas malakas ang Diyos natin if we allow Him to reign in your life. We can have breakthroughs with Him.

Ano ang solusyon sa ginagawa ang di mo gusto?

*Learn to say NO with conviction in temptations.

Ang hindi marunong magsabi ng NO o 'yong mga may pag-aalinlangan ay mahihirapang ma-overcome ang anumang temptations.

*Choose to do the will of God

Gawin natin ang kagustuhan ng Diyos. Kapag 'yong gusto natin ay hindi will ng Diyos, mahuhulog tayo sa mga tukso.

*Resist and pray.

Resist the devil and he will flee. Pray upang malabanan ang tukso. We are vulnerable. We should always resist and pray.

*I-reign natin ang Spirit of God.

He helps us in our weaknesses. When we can't pray properly, when we can't fight against flesh desires, when we want to condemn ourselves because of what happened, when we don't know what to use words in sharing His words, and many more...

We walk now in holiness. It will be only possible by following the convictions of His Spirit. Word of God ang mas pairalin.

*Manatili lang kay Jesus Christ.

Syempre, He is the center of our faith.

*Always remeber that we are not under the law.

Kung under the law pa rin, kapahamakan na lang ang ating inaasahan. Ngunit dahil under the God's grace na tayo, kay Jesus na ang pag-asa natin upang maligtas sa kalagayang ito.

Ituring natin ang ating mga sarili na patay na sa kasalanan gaya noong namatay si Jesus sa krus.

*Hold the promises of God.

Maniwala ka na makakalaya ka sa kalagayang ito. The best thing to do is to surrender. "Hindi ko 'to kaya mag-isa. We need You, Lord." God is faithful at His words. He is the same yesterday, today, and forever. "Believe and you'll receive it by faith." Faith, mga kapatid- 'wag na 'wag mawawala.

Conclusion:
Laging i-reign ang Spirit of God over flesh.

Ayon sa Roma 8:5, "Ang mga namumuhay ayon sa hilig ng laman ay walang pinapahalagahan kundi ang mga bagay na ukol sa laman; ngunit ang mga namumuhay ayon sa Espiritu ay nagpapahalaga sa mga bagay na espirituwal."

Purihin ang Panginoon! Siya ang sagot sa lahat ng ating problema. Siya ang lumaban para sa 'tin. Siya ang nagligtas sa kapahmakang ating tutunguhan dapat.

Dito na po nagtatapos. Glory to God.

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon